Chase 13
A/N
Dedicated to @misscuttiebianca! :) Naubusan na ako ng gusto magpadedicate! Just comment below if you want :>
______________
Dex's POV
"Si Stenli?" tanong niya. Hindi ko alam kung bakit para siyang nagulat sa sinabi ko. Pero totoo iyon. Gusto ko si Stenli dahil mabait siya, tahimik, matalino at magaling makisama. Since first day, she caught my heart already.
"Oo. Si Stenli. May problema ba?" tanong ko naman. Hindi ko alam pero parang nag-iba yung ekspresyon niya noong sinabi ko yun. Kanina naman parang walang problema. Ngayon, nag-iba na. "Saka ang pagtulong mo sa akin ang fifth wish na igagrant mo...at pagkatapos nun, ako na ang magiging genie mo."
Her face shone a bit but she rolled her eyes over me. Pero sana mapatawad niya ako sa kasalanang nagawa ko sa kaniya. Hindi ko siya sadyang pinapaasa pero... ginawa ko siyang 'practice girl' ko. Naisip ko lang na kung sakali man na sasagutin ako ni Stenli ay handa na ako sa pag-ibig.
You can build love but it takes time. But I wonder how can this fall apart so easily. Love is so fragile. It may be the most powerful thing in the world to make you happy. But it's also the most powerful thing that may cause you to fall into pieces.
Yun. Epekto na rin siguro ng pagtatanong ko kay Yoja. Oo, isa siya sa mga kaibigan ni Seb. At nabalitaan ko na siya ang 'love bug' ng barkada nila. Kaya ayun, she gave me some advice. Since naging fake girlfriend ko si Seb noon, inaasar niya ako. Psh. Paano ako magkakaroon ng feelings para sa rival ko? Pero salamat na rin sa kanya, alam ko na ngayon ang pakiramdam kung paano magkaroon ng isang girlfriend. Kaya nga humihingi ako ng tulong kay Seb kung PAANO MANLIGAW. Nakakabakla mang sabihin pero siya na lang ang mahihingan ko ng tulong.
Frenemies. Friends slash Enemies another slash WE'RE STILL RIVALS.
"A-Ah. Wala naman. Pero mabuti naman at tumutupad ka pa sa deal," sabi niya ng nakangisi. "Akala ko nakalimutan mo na.."
"Psh. Sabihin mo na lang na kung hindi ko ipapaalala, nakalimutan mo na iyon. Kaya magpasalamat ka nalang!" mahina kong sinabi. She looked at me with an insulting smile.
"Thanks but no thanks. I'd rather waste my time on important things than with hogwash things like you!" she scowled sarcastically.
"Eh ba't hanggang ngayon kinakausap mo pa rin ako?" Tanong ko.
"Kasi nakakaawa naman kung hindi kita papansinin. Unang-una baka maisipan ka pa nila na galing kang mental. Pangalawa, masasayang yung panis na laway mo. At pangatlo, mapahiya ka pa sa lahat. Lahat means kasama si Stenli," she blurted out with a sarcastic smile. Wow ah, napakagaling.
"So ibig sabihin niyan may pake ka sakin?" I asked her back. "Sabihin mo lang kung may crush ka sakin, I won't mind." Hindi ko alam pero natutuwa akong asarin siya. Pag nakikita kong tumataas yung kilay niya, ang sarap basagin ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
Chasing My Rival
Teen FictionRivals since birth. I knew him, and he knew me. Our worlds rotate along the axis of rivalry. Will that axis remain, or will it be broken? \ copyright 2014