Chase 14
A/N
I dedicate this to @xxalicejadexx :D Ang galing ng "Can we be a perfect two?" na story niya. Matatawa at mag-eenjoy kayo. At saka top 3 ako guys! Yehey from top 5 to 3 gosh! :> Share lang hehe!
_____________________________________________________
Pumasok na kami sa camp house ni Storm kasama si Yoja kasama yung mga mabibigat naming mga bag. Dumagdag pa ata ito sa problemang dinadala ko. May tatlong kama na nakalagay lahat sa isang sulok. May mga pundan na ito at dalawang unan.
May electric fan sa gilid at may CR sa kaliwa. Gawa sa kahoy yung sahig at napakalinis ng kwarto. Binaba na namin ang aming mga bag at nag-unat saglit. Humikab si Storm at kumembot na parang ewan. Baliw na talaga yun.
"Salamat naman at maganda yung mga kwarto natin! Ayoko sa mga lamok eh!" sabi ni Yoja. "At ayoko magka-dengue. It's so ewwy!"
"Baliw," I commented. Sometimes she's really exaggerating things to their fullest. It can be annoying and puerile in a way.
"Ni hindi ko nga alam kung paano nila 'to natawag na camping kung sa enclosed na room rin pala matutulog. Nagdala pa naman ako ng sleeping bags dahil alam kong outdoor tayo. Edi sana magaan yung bag ko!" bulyaw ni Storm. Yung mga mata niya nagiging puti na. Patay! Napamewang na lang si Yoja at tinaasan ng kilay si Storm. Yung abot na ata hanggang sa tuktok ng noo niya. Yung mga mata niya nag-aapoy na rin sa katarayan. Heto na naman tayo.
"Excuse me, sissy," she said with a rough tone of madness with some pauses. She fixed her t-shirt which was curled up on the moment and looked again. "I advice you to stay here to avoid any trouble." Then she smirked.
"Umm..." I hummed.
"Well excuse me too sissy. I don't want any trouble. I just want to have fun. And having fun is taking the risks," Storm fired back. "Dengue kaagad ganun?! Edi magkumot ka. Kung kulang pa, edi magkulambo ka! Kung magrereklamo ka pa, pusa, bakit ka pa sumama?!"
Patuloy nagsasalit-salitan yung mga mata ko sa kanilang dalawa at sa nakikita ko ngayon, mukhang malapit na silang sumabog. Parehas nakayukom ang kanilang mga kamay. This is bad.
"EXCUSE ME! Ayoko na sanang makipagtalo pero may iiwanan akong tatlong salita: WALA KANG PAKE!" Yoja vociferated. Muntik na ko bumagsak dahil sa galit na nakita ko sa kanya.
"Excuse me again, brat. Wala naman talaga akong pake dahil alam kong wala kang pake! Quits lang tayo pre!" Storm said in a satirical way. Bago pa siya makapagsalita nagsalita na kaagad ako.
"Excuse me po! Tama na nga kayong dalawa! Masakit sa bangs!" Napahawak ako sa noo.
"WALA KANG BANGS!" sabay nilang sinigaw. Nanlaki yung mata ko sa kanila. Tapos... tapos bigla na lang sila tumawa.
BINABASA MO ANG
Chasing My Rival
Ficțiune adolescențiRivals since birth. I knew him, and he knew me. Our worlds rotate along the axis of rivalry. Will that axis remain, or will it be broken? \ copyright 2014