Chase 12
Baby you light up my world like nobody else~
The way that you flip your hair~
Kinuha ko yung cellphone ko at in-off yung alarm. I shoved down my blanket and looked at the time. It's 3 am and it's still dark outside. Field trip na namin! Wohoo!
Bumaba ako sa hagdan at nakita si Ate Lili na naghahanda ng mga pagkain na dadalhin ko para sa trip. 3 days kami roon at pupunta kami sa isang bundok sa Laguna. Mt. Mabilog ata yun. Kaya maghahiking talaga kami. Sana section Jazz yung kasabay namin sa bus mamaya! Para naman kasama si Yoja. Namimiss ko na yung babaeng yun eh.
"Seb, ito na yung dadalhin mo. Okay na ba 'to?" she said.
"Oo naman po! Manghihingi na lang po ako kay Dad ng extra money mamaya para po sa ilang chichirya na bibilhin ko," I said happily. Siyempre, hindi kumpleto ang trip kung walang chips! Pumanik na ako sa kwarto para maligo na. Kagabi ko pa hinanda yung gamit kong nakalagay sa dalawang malaking backpack. I've brought my small sling bag also for my personal belongings. So that I wouldn't have problems through the trip.
After taking a bath, I wore my PE uniform and my black Roshe rubber shoes. But I brought my Converse rubber shoes too. Gagamitin ko naman yun pang-hike. Dahil hindi ako papayag na madumihan yung Roshe ko. It's really expensive.
*tok tok*
"Pasok po," I called. Si Ate Lili pala. "Bakit po ate?"
"Si Storm nandyan. Sabay daw kayo pupunta sa school," sabi ni Ate na halatang puyat kagabi. Marami kasi siyang plinantsa na damit ko. Kasi nasira yung dating plantsahan namin dahil sa sobrang luma na nun. Kaya ayun. Di bale, babawi nalang ako kay Ate.
"Sige po, Ate! Pakisabi saglit na lang. Thank you!" Nagsuklay na lang ako at nagtali ng buhok. Kinuha ko na yung purple and white na varsity jacket ko at bumaba na.
"Seb, here's your money." Nagulat na lang ako nung lumapit sa akin si Dad na nakataas yung buhok at halatang inaantok pa. "Be safe, ha. Just call us if something happened or kung may emergency."
I hugged him and kissed him on the cheek. Kinuha ko na yung pera at nagpasalamat na rin ako. "Bye, Dad!"
Binaling ko na yung atensyon ko kay Storm. "Sebsen!" she called.
"Oh! Let's go! Malate pa tayo!" sabi ko. Napapansin ko sa sarili ko na, nag-iiba na yung aura ko. Noon kasi lagi kong sinasalubong ng taray si Storm at yung iba pa, good mood man ako o hindi. Pero ngayon, parang gumaan yung pakiramdam ko. It's like the burden on my shoulders dissipated in a desultory way through time.
"Oo na! Masyado kang excited! Pero diba dapat hindi?" Nasa sidewalk na kami. Naglalakad patungo sa tricycle terminal. Napahinto ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Chasing My Rival
Teen FictionRivals since birth. I knew him, and he knew me. Our worlds rotate along the axis of rivalry. Will that axis remain, or will it be broken? \ copyright 2014