Chase 10

62 16 13
                                    

Chase 10

Unti-unti kong binuksan ang mata ko dahil para akong natulog. Whatda, hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar!! Parang kwarto siya. May kama sa kaliwa tapos may mga libro naman na tungkol sa horror sa kanan. Ano ba nangyayari? Where am I?

That's right! May dumakip nga sakin! Ugh, I should've let Storm walked me home safely. And now, I'm in trouble. Nasa isang lugar ako mag-isa. Ngayon ko lang na-realize na nakatali yung kamay ko sa likod ng upuan. Pati rin yung paa ko naka-kadena. I tried to escape but I was too tired.

Sa mga sitwasyong ito, hindi ako yung madaling napapaiyak. Sasaktan ko muna yung gumawa sa akin nito bago yun. Kung sino man siya, dapat maghanda siya. Hindi lang ako magaling sa pakikipagdebatehan, pakikipag-away, at pakikipagtarayan... Dahil magaling rin akong mambugbog ng tao para sa depensa.

May narinig ako na parang naglalakad patungo dito. I tried to pretend that I was still unconscious on that time. The door unlocked and I can sense the person's presence in front of me. Even though I wanted to knock his balls out, I stayed tranquil. Let's just see...

"Sebsen Loprez..." 

Hindi ako makapaniwala. Boses yun ni....

"Kay galing nyo nga talagang magsinungaling ng FAKE boyfriend mo na si Dex. Gagawa na nga lang kayo ng illegal, papahuli pa kayo."

Paano niya nalaman?! Masyado na ata siyang desperado. Tsk, he's getting on my nerves! 

"Sebsen Loprez...hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal. Sa tuwing gusto kong gumawa ng paraan para mapansin mo ko, pesteng Dex yun! Laging nakaharang! Pero nalaman ko na yung munti nyong sikreto."

He's a damn stalker. I can't take it anymore! Grrrrr!

"Ang kapal ng pagmumukha mong kidnapin ako! Hindi mo ako pag-mamay ari para lang kuhanin ng ganun ganun!" Nakita kong gulat na gulat yung mukha niya. Pero napangisi siya kaagad.

He was wearing a t-shirt with the camouflage style, brown shorts and slippers. Nasa bahay ako nina Thad Paul Vasallo. Ni warfreak Thad! Hindi pa niya nababayaran yung ginawa niya sakin! He punched me on the face last time, and that really made me loathe him so much!

"So, kanina ka pa pala gising? Haha, I should have known. Nakalimutan ko kaagad na magaling kang actress." Nakakunot na yung noo ko. He's such a disrespectful man.

"Oo magaling akong actress. At least nag-iisip ako ng tama, hindi gaya mo, sugod ng sugod ng hindi alam kung sino ang madadamay at masasaktan!"

"Tama?" He laughed and stopped with a devilish smile. "Hindi maganda ang magpanggap! Kasi nasasaktan ako! Kayo yata ang sugod ng sugod dahil hindi nyo alam na may madadamay at masasaktan kayo. Takte, nasasaktan ako." Hinilamos niya yung mukha niya na parang naguguluhan na siya sa ngayon. Ilang beses niya na ba sinabi na nasasaktan siya? Ang babaw niya para lang kidnapin ako ng ganito. 

"Nagmumukha kang sirang plaka. Alam kong nasasaktan ka. Noong sinuntok mo nga ako, nadama ko yun eh. Tagos hanggang sa mukha ko! I don't know, I'm having second thoughts on you." He gave me the "what-do-you-mean look". I shrugged. 

Chasing My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon