Chase 9
"B-Breaking up... with me?" I'm stammering. Ilang days pa lang kami. Seb, bakit ka ba ganyan?! Lagi ka nalang nagdadalawang-isip dyan sa mga ginagawa at sinasabi ni Dex. Inayos ko ang sarili ko. "That's your third wish?"
"Yes. Don't worry, after the field trip pa naman. Alam kong ayaw na ayaw mo rin akong makasama dahil sa status nating dalawa." Nagkibit-balikat nalang ako. Wala akong masabi. Pero tama siya, ayaw ko siyang makasama. Ayaw ko ba talaga? "Teka, hindi naman naging tayo 'ah? So, isang sabi ko nalang sayo nun, tapos na ang deal about the relationship thingy."
Tama siya. Hindi naging kami. At hindi kailan man mauuso ang salitang iyon sa aming dalawa. Dahil kami ay nagkukuwari lamang. Dex and I are rivals. We're meant to fight and hate each other. Not to love or care for each other.
"Okay. Are you finish?" I just want to finish this day and go home. 3 weeks ata kaming nagtagal. But why do I give importance to this and to him right now? It makes me think that I'm really so pathetic to agree on this. Naaapektuhan tuloy ako ng ganito.
"Not yet. Gagamitin ko na ang second wish ko."
"Huh?! Anong second wish? Diba nagamit mo na yun?! Third wish mo na nga ngayon eh."
"You didn't follow it. Diba dapat lagi mong susuotin ang cap na binigay ko sa'yo? Eh ngayon, nasaan na?" He said. Damn, the cap! Fudge, I am really getting old. "My second wish is...you should sit beside me on the bus."
Bus? Hanggang dun pa ba naman makakasama ko siya?! Hay, pagbigyan ang kalabaw.
"Okay. Meron pa ba?"
"Oo. Yung fourth wish." Parang ang bilis niya naman mag-isip ng iwiwish niya. "Tulungan mo akong manligaw sa crush ko."
Bigla na namang may kumurot sa puso ko. Ang cliche naman! Lagi nalang ganito ang nangyayari! Parang nagbago na talaga ako. Sobrang kalmado ako. Hindi ba dapat nagwawala ako kasi para nalang akong sunud-sunuran? Hindi pwede! Ang kapal ng mukha ng taong ito!
"No, I won't. I'll not help you."
"Why? Ngayon ka pa nagmatigas! Eh ang dali dali nalang ng gagawin mo."
"I won't and that's final! I don't want to be involved with your love life any more! You're so stupid. Akala ko ba masyado kang grade concious? Dapat ganun ang usapan natin eh! Bakit puro love?! Nakakadiri!"
"Takte, Seb! Wala kang alam kaya gawin mo nalang."
"May alam ako! May utak ako at may laman ito! Ikaw kasi, puro puso na ata yung pinapairal mo kaya ganyan ka!"
"Wala kang karapatang sabihin sa'kin yan! Sa ayaw at sa gusto mo, tatabi ka sakin sa field trip."
"Hindi--"
"Ms. Loprez and Mr. Matem, are you fighting again with each other?! Oh, I'm mistaken. Are you having your love quarrel again? Teenagers these days... you fall in love easily with someone. Onting tibok lang ng puso, binibigyan na ng kahulugan. Kaya sa huli, laging nasasaktan. Tsk." I gulped. She spoke like Yoja! Yung tipong napakadaming alam tungkol sa pag-ibig.
![](https://img.wattpad.com/cover/16902941-288-k421901.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing My Rival
Fiksi RemajaRivals since birth. I knew him, and he knew me. Our worlds rotate along the axis of rivalry. Will that axis remain, or will it be broken? \ copyright 2014