Chase 6

124 41 23
                                    

Chase 6

Pauwi na ako ngayon. Parating na kasi sina Ate Jana, Ate Niam, Ate Aledd, Ate Rev and Keira galing Korea mamayang 7pm. Sana may pasalubong sila sakin! CN Blue pa! Pati sina Mama at Papa, uuwi na rin. Magrerelax muna daw sila dahil sobrang stressed out na sila sa trabaho. Excited na talaga kami ni Kuya Venj kaya may kaunting celebration sa bahay. Dami na namang pagkain ang dadalaw sa aming tahanan. It's so nice to know that we're going to be complete again.

I few inches left before I reach my house, is that Kuya Venj? WITH A GIRL?!

Nakaakbay si Kuya Venj sa kanya. The girl was wearing a simple dress fit with some red rubber shoes. Classy. Mukhang may maioopen akong topic mamaya sa kanila.

"Kuya Venj!" I called out. I caught his attention and turned to me. 

"Seb! Ikaw na pala yan. There's someone I want to introduce to you..." Lumapit ako sa kanila kasi saktong nasa harap na sila ng bahay. "This is Ayniel Cruz. And ito yung kwinekwento ko sa'yo lagi, si Seb."

"Hi po!" I greeted. "Nice to meet you!" 

Nag-shake hands kaming dalawa. She's so pretty. Ngayon, alam ko na kung bakit siya nagustuhan ni Kuya.

"Nice to meet you, Seb." I smirked at her.  "Alam ko yung iniisip mo ngayon, at mali yan. Best friends lang kami ng Kuya mo."

I crooked my eyebrows. Best friends? Kung ganun lang, bakit may paakbay effect pa? Bakit sila magkasama? As a witness through the stages of love, their in the denial stage. Lalalim pa yan.

"Weh? Imposible!" I said with a playful tone. "Anyway, sa ngayon po maniniwala ako. Nice meeting you ulit Ate Ayniel!" 

She nodded. I turned my attention towards Kuya Venj. "At ikaw Kuya, madami kang ikekwento sakin mamaya!"

Tumalikod na ako para pumasok sa bahay kasi baka makasagabal pa ako sa pagiging sweet nila. Naku, alam kong PDA sila. Pero mahal na mahal ko si Kuya Venj kaya pinagbibigyan ko lang. I ship them.

***

Nandito na kami sa terrace ni Kuya Venj at Ate Ayniel. Inimbita pala ni Kuya si Ate saglit. Akala ko nga papakilala na ni Kuya Venj si Ate as his girlfriend. Hihintayin ko talaga yung moment na yun. Damn! Kinikilig ako!

Nakahanda na rin yung pagkain dito. May pizza, spaghetti, burger, shrimp cocktails at kung anu-ano pa! May ilang bisita rin na dadating. Mabuti at naghanda na si Ate Lili kanina kaya mabilis kaming natapos. Excited na talaga akong makita sila. Sa wakas, may makakasama na kami ni Kuya.

"Seb, nagtext na ba sina Mama kung padating na ba sila? Sina Ate Jana?" tanong ni Kuya Venj habang inaayos yung buhok niya. Sinabi kong wala pa silang tinetext. Baka natraffic sila sa biyahe.

*ding dong*

Nagkatinginan kami ni Kuya Venj. I know what he's thinking. "They're here!!!"

Chasing My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon