Chapter 12: Room

27 1 0
                                    


Angela

After dinner, napagdesisyunan rin ni Kirby na dito na lang sa bahay matulog pero sa kabilang kwarto lang. Dahil gabi na rin at ayaw ni Mommy at Daddy na baka kung anong mangyari sa kanya. Inaya kasi nila si Kirby na uminom kasama si Tito at Dad.

"Sigurado ka bang dito ka matutulog? Pwede namang humindi, Kirby." Sabi ko sa kanya. Sa guestroom kasi siya matutulog kasama ang mga pinsan kong alam kong napakagulo lalo na kapag gabi. At alam kong di siya makakatulog dun. Sa kwarto ko na nga papatulugin yung dalawang bata kasi medyo sanay naman ako mag-alaga sa kanila but he refused.

"Um-oo na ako sa parents mo. Wag ka nang mag-inarte. Gusto mo namang nandito ako eh." Sagot naman niya sakin na may halong ngiting nakakaasar. Inirapan ko nga.

"HUH! As if gusto ko. Eh ikaw kaya nag-imbita sa sarili mong sumama when supposedly ako lang may lakad ngayong araw."

Ngumiti lang siya at pumanhik sa taas. Alam kong nakainom na siya kaya hindi na siya pumatol sa asaran. Mukhang pagod na rin. I really hope he'll be fine.

Niligpit ko nalang ang pinagkainan namin at tumulong kay Mommy sa paghuhugas ng pinggan habang si Tita naman ay busy sa pagpapatulog sa dalawang bata sa sala. Si Tito naman at Daddy ay nasa bar counter at umiinom pa rin kaya lumapit ako sa kanila after namin maghugas ni Mom.

"Dad, hinay hinay sa inom ha? Ikaw din, Tito!" Saway ko sa kanila.

"Ngayon lang naman to, Nak.Oh nasan yung boyfriend mo?" Tanong ni Daddy habang nakaupo ako sa tabi niya.

Naramdaman ko naman bigla na uminit ang pisngi ko. "Ano ba yan, Dad! Hindi ko nga kasi boyfriend yun." Saway ko sa kanya. Humalakhak naman si Tito sa reaction ko.

Halos mapamura ako. Kung di ba naman sumama yung lalaking yun, edi sana di kami napagkamalang "kami." tsk!

"Nak. Gwapo siya ha. In fairness." Saad ni Mommy. Mas lalong humalakhak si Tito at si Tita na rin habang si Daddy naman sumama ang tingin sa kanya.

"What? Honey naman. Your princess is not a baby anymore." Natatawang sambit ni Mom habang nakasimangot naman ang tatay ko. Habang ako naman napafacepalm sa kanila.

"Gulay naman. Hindi nga kasi kami." Sagot ko ulit.

"Ah. Magiging kayo pa lang?" Tukso ni Mom.

"Hindi nga kasi." Sagot ko.

"Basta gwapo siya. Bagay kayo." Tukso niya pa sakin. Nakangisi pa sakin ang Tito at Tita ko habang si Daddy naman hindi ko na alam kung ano na ang timpla.

"At Daddy, ilang apo gusto mo? Ako since nag-iisang anak lang siya. Gusto ko mga 6 o di kaya isang baranggay." Napalaki naman ang mata ko sa sinabi ng nanay ko.

"Mommy!" Reklamo ko habang umiinit ang pisngi. Ano ba! Hindi nga kasi kami. Hindi ko na matagalan yung tukso ni Mommy kaya umalis na ko.

"Basta, Nak! 6 na apo ha?!" Pahabol niya pa. Langya. Narinig ko pa silang nagtawanan. Ang aadik nila.

Pumasok na ko sa kwarto at naglock ng pinto. Bago ako matulog, maliligo muna ako. I stripped and then pumasok na sa cr ko. Ilang minuto akong nasa shower at naalala ko na naman ulit pinagsasabi ni Mommy. Napangisi ako sa sinabi niya. Alam ko namang imposible yun kasi halos ipakita sakin ni Kirby ang pagkaasar niya sakin eh. Tapos magkakagustuhan pa kami? That's too absurd.

After taking a bath and brushing my teeth dinampot ko na ang bathrobe ko at lumabas sa banyo. Nang makalabas ako ay agad akong naghanap ng nighties at sinuot iyon. Nagblowdry na rin ako ng buhok and then naglotion na rin. Ngayon naramdaman ko nang nasa totoong bahay ako. Ganito na kasi ako lalo na kapag dito ako nakatira o natutulog sa bahay.

My Destiny (on hold★)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon