C-1

95 6 1
                                    

" WAVE OF LOVE "

Written By Quille

Chapter 1

Lasing na lasing nanaman si Daniel…bagay na kinaiinis ng kanyang ina na si Mrs. Dela Rosa.

" Ano ka ba Daniel? hangang kailan ka ba magkakaganyan? “ ang mataas na boses na sita ni Mrs. Dela Rosa

" Wala ka na bang ibang gagawin kung di maglasing? Napapabayaan mu na ang sarili mo ah!"

"Ma…h..hangat hindi pa pumabalik shakin ang a..aking pinaka…mamahal na si J-Janice…." utal na sagot sa ina.

" Anim na buwan na nakalipas Daniel!! Hindi mo parin ba matangap ang katotohanan na sumama na sa ibang lalaking ang walang kuwentang babaeng yon?"

" Hindi totoo iyan Mama!" pasigaw na sagot nito sa ina..

“Hindi nya akoh pinagpalit Ma!!” dugtong nito.

Bagay na ayaw nyang tanggapin….ang relasyon sa pagitan ng kanyang kasintahang si Janice at ang kanyang matalik na kaibigang si Kier…lalo na’t wala siyang sapat na patunay sa ugnayan ng dalawa.

" Sira talaga ang ulo mo Daniel! dahil lang sa isang babae… sinisira mo na ang buhay mo!. Ang dami pa naman diyan at nababagay sayo!" bulalas ng kanyang ina na labis na panghihinayang sa nakikitang pagpapabaya ng anak sa sarili

Tuluyang tinalikuran ni Daniel ang kanyang ina at dumiretso sa kanyang silid.

" Daniel!.... huwag mo ako tatalikuran kapag kinakausap kita!" sigaw ng ina.

Pinili ni Daniel na wag ng sumagot sa Ina dahil alam nyang hindi siya mananalo sa pangangatwiran dito.

#########

Kinabukasan ay maagang bumangon si Daniel at nagmamadali itong nagbihis para umalis. Ni hindi na nito nagawang nagpaalam sa kanyang ina. Tanging ang gusto nya lamang ay magpakalayo muna sa beach house nila sa Cebu.

" Sir.....Saan kayo pupunta? usisa ng kanilang mayordomang si Doris.

Hindi na niya itong pinansin at mabilis itong lumabas sa kanilang mansion.

" Sir!......bilin po ng iyong Mama ay...." pahabol sa salita ni Doris ngunit di na nya nagagawang matapos sa pagsasalita ay agad ng nakalabas ng gate ang binata at daliang sumakay ng taxi.

" Naku ko po! lagot ako nito kay madam….ano kaya ang sasabihinko kapag nagising na at hanapin niya si sir Daniel."nag-aalalang sabi nito sa sarili.

" Doris....?"

" Ma..madam!" [sabay bagsak ng tasang hawak nya] gulat na sagot ni Doris ng marinig ang tawag ng Amo.

" Anong nagyayari sayo?" tanong ng kanyang amo.

" Good morning po Madam!, W-wala po ito madam lilinisan ko na lang po." Nanginginig nasagot niya sa amo.

" Ano ang ginagawa mo dito sa labas? kanina pa kita hinahanap ha?. Gising na ba ang sir Daniel mo?"

" P-po....."

" Ang tanong ko…gising na ba ang sir Daniel mo?" pasigaw na tanong ng Amo na waring nagtataka sa ikinikilos ng mayordoma.

" Aaah ehh...si sir po Madam kasi..."

" Ano?" usisa ng kanyang amo. " May nangyari sa Anak ko?"

" W-wala po nangyari kay sir Daniel po Madam…." mabilis na sagot ng mayordoma.

" Ano ba nangyayari sayo Doris ha? Hindi na ako natutuwa sa mga kinikilos mo. Sige na gisingin mo na ang sir Daniel mo at sabihin mo na hinihintay ko dito sa baba."

" Iyong nga po Madam….gising na po siya, kaya lang nagmamadali umalis kanina at hindi ko po alam kung saan niya pupunta. Hinabol ko nga po kaya lang po napakabilis ng lakad ni Sir." namumutlang sagot ni Doris.

" Ano? diba kabilin-biliinan ko sayo na gigisingin mo ako kapag nagising si sir Daniel mo?"

" Opo Madam, kaya lang hindi ko namalayan pag gising niya. hindi ko naman po alam na may lakad pala si sir ngayon umaga. Hindi na nga po nagawang mag kape man lang." paliwanag ng katulong.

" Pambihira ka naman Doris! Umalis nalang bigla ang Sir mo di man lang natin alam kung saan pumunta yun!" may pag-aalalang tugon ni Mrs. Dela Rosa.

" Sorry po Madam."

******

Biglaan ang pagdating ni Daniel sa beach house nila sa Cebu at hindi nakapag handa si Manong Berto dahil walang pasabi ang kanyang amo na darating siya.

" S-sir ... Kayo pala? kasama mo ba ang iyong mama?" tanong ng matang lalaki sa binata.

" Hindi po Mang Berto, ako lang po magisa. Kung sakali pong tumawag si Mama, sabihin nyo nalang po na nandito lang ako, wag na siya kamo mag-alala pa” bilin ng binata."

" Sige sir, pasensya na kayo kung hiindi ako nakapaghanda ng masasarap ng pagkain dahil hindi ko alam na darating pala kayo dito." Nahihiyang sagot ni Mang Berto sa kanyang amo.

" Okey lang iyon mang Berto…biglaan lang po talaga at hindi rin naman po ako nagugutom...salamat nalang po" magalang na tugon ni Daniel.

ITUTULOY

Wave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon