" WAVE OF LOVE "
Written By Quille
Chapter 3
Pabalik na si Daniel sa bahay bakasyunan ng matanaw ng katiwala.
" Sir, nandiyan na pala kayo… nakahanda na po ang hapunan ninyo sir." " wika ng katiwalang si Mang Berto.
" Salamat po Mang Berto… maliligo lang ako at magpapalit ng damit." sabi nito sa katiwala at nagmamadaling tumungo sa banyo dahil narin sa ginaw na nararamdaman nito.
Nagmadali na ito maligo at makaraaan ang ilang minute ay nakabalik na ito sa kusina para kumain ng hapunan.
" Sabayan mo na akong kumain Mang berto."
" Naku sir, mamaya na ako kakain pagtapos ko ng mga gawain ko dito… hindi pa rin naman ako nagugutom eh" katwiran ni Mang berto sa binata.
" Maiwan ko na muna kayo dito Sir, dahil mayroon pa akong gagawin.. at siya nga pala sir, inayus ko na ho ang kuwarto ninyo at puwede na ho kayong magpahinga pagkatapos ninyo maghapunan."
" Sige po mang berto, salamat po." mabilis niyang sagot.
Matapos siya maghapunan ay umakyat ito sa kanyang kwarto at nahiga sa kama.
Habang nakahiga at nakatingin sa kisame…di maiwasang sumagi sa kanya ang nangyari sa kanila ng babae sa may dalampasigan.
" Kakaiba rin ang babae na iyon...ang taray pero may pagka-cute, at saka mukang bata pa..." wika nya sa sarili.
Sa tanang buhay nya, ngayon laman siya nakaranas ng ganitong klaseng tagpo.
Halos dalawang oras na syang nakahiga ay hindi parin siya dalawin ng antok kaya nagpasya siyang lumabas sa kanyang silid at tumungo sa kusina hanap si Mang Berto.
Nang hindi niya ito matagpuan, naisipan nalang niyang maglakad-lakad sa tabing dagat para magpahangin at baka sakaling dalawin ng antok.
Naka ilang hakbang pa lang siya ay bigla siya nakarinig ng hikbi.at naisip nito na hindi siya nag iisa sa lugar na iyon.. Napahinto ito maglakad at iginala ang mga paningin. Dahil madilim na ang kapaligiran, hirap siyang matukoy ang kinaroroonan ng naririnig niyang hikbi.
Ipinag patuloy niya ang paglalakad ay nakita niya na may bakas ng mga sa buhanginan. Sinundan niya ang mga bakas na iyon at laking gulat niya sa nakita…
" Oh my God, anong ginagawa niya dito? mukhang nababaliw na yata ang babaeng ito…sayang naman..” iniisip nito habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng babae.
" Ikaw na naman? anong ginagawa mo sa lugar na ito? aba ineng gabi na ah... diba dapat ay nasa bahay kana ng ganitong oras." lakas loob niyang wika sa babae.
Bigla napatayo ang babae nang marining niya ang boses ng lalaki at agad siyang niligon.
" Bakit ikaw? ano ang ginagawa mo dito?" pasigaw ng sabi nito sa binata.
" Relax! wag mo akong sisigawan…hindi kasi ako makatulog kaya pumunta ako dito..at malay ko ba ikaw na naman ang makikita ko dito”
“Ano ba kasing problema mo baka makatulong ako." Sunod-sunod na tanong ng binata.
" Wala! at wala ka ng pakialam doon." Paangil na sagot nito kay Daniel.
" Nagtataka lang ako sayo miss mataray?….Yan ba ang pangalan mo? Lumalalim na ang gabi… hindi ka ba natatakot para sa katulad moong babae na inaabot ng ganitong oras?”
Hindi na siya sinagot ng babae at mabilis ito tumalikod at nagmamadaling naglakad palayo sa kanya.
" Hoy ineng! saan ka pupunta? Pahabol na tanong niya sa babae na patuloy na binilisan ang paghakbang.
" Uuwi na ako" sagot nito sa lalaki at hindi na niya ito nilingon pa.
" Sandali lang! ihahatid na kita sa inyo." Alok nito sa dalaga.
" Huwag na, baka magkaroon pa akong ng utang na loob sayo!...at puwede ba, huwag na huwag mo akong matawag na mataray dahil hindi iyan ang pangalan ko….at wala rin akong balak sabihin sayo ang pangalan ko." mataray na wika nito.
Napapangiti lang si Daniel sa inaasal ng babae
.
" Oh sige, kung iyon ang gusto ay bahala ka na sa buhay mo… mag iingat ka at maraming mga adik diyan na nakakalat sa daan." Pananakot niya ito sa babae.
Hindi man lang siya nilingon ng babae at nagpasya na rin itong umuwi sa kanila.
Ng di kalayuan sa beachhouse, natanaw nya na parang may kausap ang katiwala.
" Sino kaya ang kausap ni mang berto ?" Tanong nito sa sarili habang naglalakad papalapit sa kanila.
" Sir, Ikaw pala? si Marie nga pala, sir." pakilala niya sa binata.
" Good evening Marie," Bati nya sa babae na medjo may edad na.
" Good evening din sayo, sir Daniel." mabilis ng sagot nito sa kanya.
" Siya nga pala sir, kaya naparito si Marie dahil hinahanap niya ang pamangkin niya na nawawala daw at maghapon na hindi umuwi sa kanila." wika ni mang berto sa kanya.
" Ha? Ano po ang nagyari sa pamangkin ninyo?"
" E-eh sir, kanina umaga pa siya umalis at hangang ngayon ay hindi parin umuuwi. Nag alala na ako sa kanya sir, kasi hindi niya kabisado ang pasikot-sikot dito. Anak po siya ng kapatid kong lalaki at nag babakasyon lang siya dito."
Bigla niya naisip ang babae sa tabing dagat.
" Ano po ang pangalan n pamangkin ninyo?" Tanong ulit nito kay Marie.
" Christine, Christine javier ang pangalan niya sir daniel, 17 year old po siya sir, daniel."
" Christine ba ang pangalan noon?" Naalala niya ang babae na dalawang bases na niyang nakita.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Wave Of Love
Romance" WAVE OF LOVE " Written By Quille Teaser NEW STORY Kabiguan ang naghatid kay Daniel sa beach house nila sa Cebu. Habang nagmumuni-muni sa may dalampasigan, natanaw niya sa di kalayuan ang isang babaeng waring may tinatawag sa may malalim na bahagi...