C-2

84 3 2
                                    

" WAVE OF LOVE "

Written By Q u i l l e

Chapter 2

Hindi mapakali ang donya sa kanyang kinauupuan dahil alalang-alala ito sa kanyang anak dahil umalis ito ng wala man lang paalam buhat sa kanyang ina.

Bigla sumagi na lamang sa kanyang isipan na maaring nagpunta sa kanilang resort sa Cebu ang binata. Agad nyang tinawagan si Mang Berto para kumpirmahin ang kanyang nasasaisip.

Inis ang naramdaman ng Donya ng makailang beses na siyang tumatawag ngunit walang sumasagot sa kabilang linya.

" Sagutin mo!....." Nangigil na sabi nito.

"Ilan minuto pa ay sinagot na ito ni Mang Berto.

" Hello!, hello! Berto!!"

" O..Opo…., Madam." Nanginginig na sagot ni mang Berto sa Donya

" Kumusta na kayo diyan berto? Tanong ng donya sa katiwala.

" Okey naman po Madam” mabilis na sagot nito

"Nandiyan ba ang Sir Daniel mo? Umalis siya dito ng walang paalam, naisipan ko baka diyan siya dumiretso… ngayon sabihin mo kung nandiyan nga ba o wala…..nag-aalala ako sa batang yun!..."

" Naku madam, wag napo kayong mag-alala, nandito po si Ser….kararating lang niya dito." Mabilis na sagot niya sa donya.

" Mabuti naman kong ganun Berto." napana

tag ang kalooban ng Donya matapos marining mula sa kanilang katiwala na nadoon nga ang nag-iisang anak sa beach house.

"Oh sige, mamaya tatawagan kita ulit…paki-bilisan ang sagot ha?" bilin ng Donya.

" Sige po M-madam...."

Pagkatapos niila mag-usap ay umakyat na si Mang Berto sa taas para linisan ang silid ng kanyang among lalaki.

Laking gulat niya ng makitang nakahiga na rito ang binata at marahil narin sa sobrang pagod ay nakatulog na ito.

" N-naku si Sir.....nakatulog nalang agad…ni hindi ko pa nalilinis ang kwarto.” Ang tanging nasabi nito sarili.

Samantala... gumaan na ang pakiramdam ng Donya mula ng nalaman nito na nasa mabuting kalagayan naman ang kanyang anak.

" Inday! Nasaan si Ate Doris mo?” tanong ng Donya isa sa mga maid nila sa mansion.

" Nasaloob po ng kuwarto namin Madam.” natarantang sagot nito sa donya.

" Tawagin mo at pakisabi na hinahanap ko."

" Opo madam." Mabilis na sagot sa amo at malayo pa ito ay tinatawag na niya ang mayordoma.

" Na unsa ka at sumisigaw ka?" gulat na tanong ng mayordoma sa kasamahan.

" Tawag ka ni Madam" hingal na sambit nito.

" Bakit daw? “

" Basta puntahan mo na lang para malaman mo kung bakit ka pinapatawag." sagot nito sa mayordoma.

Paglabas niya sa kanilang silid ay nakita niya agad ang donya na nakatayo at waring hinihintay siya.

Nagmamadali itong lumapit sa kinaroroonan ng Amo.

"M-madam pinapatawag ninyo daw po ako? "

" Oo, magbihis ka at aalis tayo?" utos ng Donya.

" Sige po Madam."

******

Pag gising ni Daniel ay nagpalit na ito ng damit ay pagkatapos ay nagpunta siya sa veranda upang lumanghap ng sariwang hangin.

Habang nakadungaw sa veranda at waring may iniisip….isang malakas ng tili ang gumambala sa malalim niya pag iisip. Nilingon nya ng tingin kung saang dako ang tili at nakita niya ang isang babae tumatakbo at sumisigaw sa tabing dagat.

" Mama....mama....Nasaan na po kayo!” sigaw ng babae na para bang may tinatawag sa gitna ng dagat.

Nagtataka ang binata dahil wala naman siya nakikitang tao o anumang Bangka sa laot.

"Anong nangyari doon?" Tanong niya sa sarili.

" Mama..... bumalik ka na at na mi-miss na kita...!!" Paulit-ulit na sigaw ng babae habang papalusong sa dagat.

" Parang wala na yata sa tamang pag-iisip yun ah!”

“Magpapakamatay pa yata…" bulong nito sa sarili.

Nagmamadali siya pumunta sa kinaroroonan ng babae upang alamin kung bakit ganoon ang ikinikilos ng dalaga.

" Miss!! Miss!!" Malakas tawag nito sa babae.

Hindi man lamang siya nilingon nito at para bang wala itong narinig.

" Miss ano ba prolema mo ha? magpapakamatay ka ba?" muli sigaw niyakahit na hindi pa rin siya pinasin ng babae.

Wala ng maisip pang gagawin pa si Daniel kundi ang puntahan ang dalaga lalo na’t nakita nyang patuloy itong lumulusong sa kailaliman ng tubig.

" Hoy!!... Miss, Adik ka ba? at bakit gusto mo magpapakamatay?" sita nito sa dalaga at sabay hawak sa balikat nito. 

Ikinagulat ito ng dalaga at agad siyang sinampal.

“Ano ba!!" hindi ako magpapakamatay!” sigaw nito sa binata.

“At ano naman ang pakialam mo kung sakaling gusto kong 

magpakamatay ha?” mataray na sigaw nito.

Bagama’t at nabigla si Daniel sa ginawa sa kanyang ng babae, pinili na lamang niyang huwag muna kumibo hanggat hindi nya naaakay ang dalaga sa dalampasigan.

" Ano bang problema mo? nagmamagandang loob na nga ako tapos sampal ang iginanti mo?"

" Pakialamero ka kasi?" mabilis na sagot ng dalaga.

" Ako pa ngayon ang pakialamero?”

“Bahala ka nga sa buhay mo!" Inis na sagot ng binata habang akmang tatalikod at nagsimulang maglakad palayo sa babae.

" Abnormal ka pala eh!"pahabol na sigaw ng dalaga kay Daniel.

" Anong sabi mo?"paangil na sagot ni Daniel.

Sasagot pa sana ang dalaga ngunit bigla siyang hinila sa baywang ng binata at hinalikan ito ng madiin sa labi.

Laking gulat ng dalaga sa ginawang iyon ni Daniel. Halos hindi siya makahinga sa pagkakadiin ng kanilang mga labi.

Unti-unting humihigpit ang pagkakakapit ni Daniel sa baywang ng dalaga. Ngunit bago pa man tuluyang masakal sa mga yakap ng binata, nagawang maitulak ng dalaga ang nagbabagang galaw ni Daniel.

" Bastos....... ka!!" sigaw ng dalaga kay Daniel.

Parang walang nangyaring tinalikuran ng binata ang galit na galit na dalaga at tuluyang lumisan sa tagpong iyon.

ITUTULOY

Wave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon