" WAVE OF LOVE "
BY Q U I L L E
CHAPTER 12
SAMANTALA napagkasunduan nilang mag-ina na kinabukasan na silang luluwas pabalik sa Maynila. Hindi mapakali ang binata at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. Tanging ang iniisip nya a si Christine.
Naisipan niyang pumunta sa bahay nila Christine para magpaalam na nagpasya siyang bumalik na sa Maynila para harapin ang kasintahang bumalik.
Pagdating niya sa tapat ng bahay ng dalag. ay nakita niyang palabas si Marie na tiyahin ng dalagang kanyang sadya.
" Magandang tanghali po tita Marie," magalang na bati nito sa tiyahin ng dalaga.
" Oh,ikaw pala yan Sir, magandang tanghali rin sayo." nakangiting sagot niya sa binata na waring natuwa sa pagtawag sa kanya ng “Tita”
“Tita, tanong ko lang po kung nandiyan si Christine?"
" Oo sir, halika pumasok ka muna, at maupo…hintayin mo na ako diyan at tatawagin ko lang si Christine."
" Sige po. maraming salamat po." Mabilis niyang sagot
Makalipas ng ilang sandali ay bumaba si Marie kasama ang kanyang pamangkin. Agad itong napangiti at napatayo sa kanyang kinauupuan ng makita ang dalaga.
" Oh, maiwan ko muna kayo dito at may pupuntahan lang kami ng kumare ko….Christine, ikaw na ang bahala kay sir Daniel ha.." bilin ng tiyahin.
“Opo tita, magiingat po kayo. Sagot ng dalaga.
Ng makalabas ang Tiyahin, agad na umupo ang dalawa sa sofa at ilang sandal ring napatahimik sa pagkakaupo. Tila naaalangan sa isa’t-isa dahil sa kanya kanyang isipin tungkol sa kanilang sitwasyon.
“Hmm..naligaw ka yata?” sarkastikong tanong ni Christine sa binata.
“Actually sadya ko talagang pumunta dito….kamusta ka naman?” ganting sagot ng binata.
“Heto, buhay pa naman…bat mo naman naitanong?” seryosong sagot ng dalaga.
“Sobra ka naman…kinakamusta ka na nga eh parang napaka-sarcastic ng mga sagot mo sa akin…. Me problema ba?”
“Ay naku! Wala….bakit kaba napapunta dito?”
“Ah…ehh,,,,” parang nauutal ang binata na halos di nya masabi ang pakay nya sa dalaga.
“Lika pasyal tayo…dun sa dalampasigan..” mabilis na pag-aya ng binata.
Napatahimik si Christine na waring nag-iisip. Nais nyang marinig sa binata na gusto siya muling makasama nito at nagsadyang puntahan siya dahil sa matinding kagustuhan tulad ng nararamdaman nya tungo sa binata.
“Sige, lika sa dalampasigan.” Sagot ng dalaga sabay tayo at hakbang papunta sa pintuan. Agad na sumunod ang binata at ng makarating sa may dalampasigan ay sabay silang naglakad sa may buhanginan na parehas bitbit ang mga sinelas.
Pasaltik-saltik sa mga hampas ng mga alon sa buhanginan. Nanatiling tahimik si Daniel habang naglalakad. “Kamusta si Mang Berto?” tanong ng dalaga.
“Ayun, mabuti naman… namiss ka nga eh..” napangiting biro ng binata sa dalaga.
“Mabuti pa si Mang Berto..namiss ako… sabihin mo miss ko na din siya ah” ganting sagot ni Christine.
Napangiti ang binata at hinawakan ang kamay ng dalaga. Napatingin si Christine sa ikinilos na iyon ni Daniel. Halos mapalundag ang dalaga sa sayang naramdaman. Alam nyang nais talaga ng binata na makasama siya sa mga sandaling iyon.
Mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa malambot na kamay ng dalaga. Muling nanahimik na tila nag iisip kung papaano sasabihin sa dalaga na lilisanin nya na ito at babalik sa piling ng kasintahang matagal na hinintay.
“Kailan ka mag-eenrol?” tanong ng Daniel.
“Hmm, pwede next month, or sa October na…bahala na…depende….Ikaw? kalian ang balik mo sa Maynila? Tanong ng dalaga na sadyang ikinagulat ng binata. Nagkaroon ng pagkakataon ang binata na ipasok ang totoo nyang pakay sa pagpunta sa dalaga.
“Sa totoo lang Christine….”di pa natatapos magsalita ang binata ay may biglang sumigaw sa di kalayuan nila… “Danieeeel!!”
Napalingon ang dalawa at nanlaki ang mata ng binata ng makitang ang pinagmulan ng tinig na iyon ay ang kanyang kasintahang si Janice. Agad napabitiw ang pagkakahawak ng binata sa kamay ni Christine at humakbang ng bahagya palayo sa dalaga.
Napalingon na lamang si Christine sa biglaang kilos ng binata.
“Ja…janice?” gulat na wika ng binata. Hindi siya makapaniwala sa nakita iyon. Di malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon, unti-unting humakbang patungo sa humahangos na kasintahan patungo sa kanila.
“Danieeel! Honey!” sinalubong ng mahigpit na yakap si Daniel ng kasintahan. Bagay na ikinagulat nito.
“Wohh… Anung ginagawa mo dito? Kailan kappa dumating? Tanong ng binata.
“Kanina lang, I’ve just decided to follow your Mommy here, gusto kitang makita at makausap..” paliwanag ng kasintahan.
“Hmm, Christine...” tunghay ni Daniel sa dalaga na kasalukuyang nakatulala sa pagkakatitig sa kanila. Waring napako sa kinatatayuan.
“Hi, I’m Christine, friend ni Daniel…”pakilala nito sa sarili.
“Yeh, honey..meet Christine, taga rito siya…kaibigan ko” dugtong ng binata.
“Nice to meet you Chris!” nakangiting bati ni Janice.
“Honey lets go back to the resthouse…we have a lot to talk about…” ani Janice.
Hinila pabalik sa sasakyan si Daniel ng kasintahan at tuluyang iniwan si Christine sa dalampasigan na nanatiling nakatayo habang unti-unting nakatingin sa papalayong lalaking lubos na nagpatibok ng kanyang puso...
vote at comment nmn jan...tnx
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Wave Of Love
Romance" WAVE OF LOVE " Written By Quille Teaser NEW STORY Kabiguan ang naghatid kay Daniel sa beach house nila sa Cebu. Habang nagmumuni-muni sa may dalampasigan, natanaw niya sa di kalayuan ang isang babaeng waring may tinatawag sa may malalim na bahagi...