C-8

47 4 0
                                    

" WAVE OF LOVE "

Written By QUILLE

Chapter 8

SAMANTALA pagdating ni Daniel sa kanilang resthouse ay agad nitong hinahanap si Mang Berto.

" Mang Berto.....? sigaw niya pagpasok niya sa loob ng resthouse.

" S-sir nandiyan na pala kayo?... Nakahanda na po ang hapunan ninyo sir." sabi nito sa binata.

" Alak ang gusto ko Mang Berto… please ho pakikuha ako......"

"Eh sir, may usapan tayo na....." hindi pa tapos magsalita ang katiwala ay tumaas na agad ang boses ng binata. “Mang Berto naman! Ikuha nyo nalang kasi ako please…”

" Okey, Okey ...ito na,.. bibili na po ng alak….relax lang po kayo diyan." Nagtataka ito sa kinikilos ng binata. " Ano na naman ba ang problema nun?" Inisip nito habang naglalakad papunta sa tindahan para bumili ng alak

magkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang katiwala bitbit ang inuming binili para sa amo.

" S-sir, ito na po ang pinabibili ninyo. Ano ang gusto mong pulutan? Ipagluluto kita." Sabi nito sa amo.

" Wala, ala akong gustong pulutan....halika mang berto.. samahan mo nalang akong mag-inum dito para naman may kasama ako, " Yaya niya ito sa katiwala.

"Naku sir, wag na ho... matagal na ako hindi umiinum ng alak."

"Sige na, saluhan mo na ako... wag na po kayo mahiya sa akin. samahan mu na 

ako uminum para naman may kausap din ako."

Wala ng magawa si mang Berto kung hindi umayon sa gusto ng binata.

" Mukhang may problema tayo sir?" kunwaring nagtatakang tanong niya.

" Ikaw ba mang Berto, bakit hindi mo naisipan mag asawa at magkaroon na pamilya?." Tanong nito sa katiwala.

" Teka lang sir, hindi ako ang mayproblema dito ah,...bat naman sakin napunta ang usapan eh kayo nga ang tinatanung ko kung bakit umiinum na naman." aniya

" Nagtatanung lang naman po," napapangiti sagot ng binata na waring nahiya sa katiwala.

" Okey lang iyon sir, masyado madrama ang talambuhay ko, kaya hindi na ako nag asawa pa" Sagot nito sa binata, ngunit ang katotohanan ay nais talaga nitong maging lihim na lamang ang pangyari sa kanyang buhay.

" Kayo sir, mukhang ang lalim ang iniisip ninyo?" tanong niya sa binata

" Tama ka Mang Berto medyo naguguluhan ako ngayon sa sarili ko." sagot nito

" Ano gumugulo sa isip ninyo sir? hangang ngayon ba hindi nyo matangap ang nangyari sa inyo ni Ma'm Janice.?"

" Hindi naman…..may iba lang gumugulo sa isip ko,"

" Ha, ibig mo sabihin may ibang babae nagpapatibok sa inyong puso?" nakangiti tanong nito.

" Hindi naman sa ganun.....kaya nga naguguluhan ako eh, pero alam mo naman kung gaano ko kamahal ang girlfriend ko diba" naguguluhang sagot nito kay Mang Berto. 

Gustuhin man nyang sabihin ang nangyari sa kanila ni Christine ay minabuti nya na munang magwalang-kibo tungkol dito.

" Siguro nga Mang Berto, may mga dahilan si Janice kaya niya nagawang iwan ako.... Kilala naman nyo si mama,.. hangang ngayon ay hindi pa rin niya matangap si Janice, bilang kasintahan ko."

" Sabagay, may punto ka Sir…masyadong matapobre ang Mama ni ninyo" may diin na sagot ng katiwala.

Sa kabilang dako, hindi namalayan ni Christine na nakasunod sa kanya ang tiyahin habang papasok sa kanyang kuwarto. Ikinagulat na lamang nito ng may nagsalita sa may likuran niya.

' Mukhang inlove ang akin pamangkin ha?" panunukso sa kanya ng tiyahin.

" In love? Tita magkaibigan lang po kami ni Daniel…”.

" Kaibigan na kong kaibigan pero paalala lang. wag mo hayaan na mahulog ang damdamin mo sa lalaking iyan hangga 't hindi ka nakakasigurado sa nararamdaman niya para sa iyo.

" Opo tita, makakaasa po kayo." pasinungaling sagot niya sa tiyahin niya dahil hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob nito sa binata lalo na’t matapos ang nangyari sa kanilang dalawa..

" Salamat naman kung ganun, ...sige na maiwan na kita dito at may gagawin pa ako sa baba.”

Pag-alis ng tiyahin ay bigla na lamang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata dahil marahil sa silakbo ng kanyang damdamin na nararamdaman tungo sa binata. Bagay na hindi nya pinagsisisihan.

Lumipas ang dalawang oras na pag-inum ng alak ng dalawa ng magpasyang magpaalam na si Mang Berto sa Amo para magpahinga. Hilo na ang matanda at hlos namumungay nadin ang mga mata ng binata.

“Paano sir…papahinga napo ako baka di pa makapagtrabho ng maays bukas”

“Sige ho mang Berto…salamat ho”

Sabay na silang tumungo sa kanilang mga silid para magpahinga. Paghigang-paghiga ni Daniel, di mapigilang maisip ang dalaga at ang nangyari sa kanilang dalawa. Pakiramdam ng pagkasabik ang dumaloy sa kanyang katawan..ala-ala ng init ng pagsumpong ng kanilang katawan. Buntong hininga ang lumabas sa binata, bahagyang nakaramdam ng kalungkutan sa pagnanais na muling makasama ang dalawa. Nagtatalo ang kanyang isipan at nararamdaman. Kakaiba na parang di nya mismo matukoy kung saan nagmumula ang damdaming iyon.

“Mahal ko si Janice…sana maramdaman ko muli ang kanyang mga yakap….I miss you so much Janice…..” tanging banggit nya sa kanyang sarili.

ITUTULOY

enjoy reading po....pa coment at vote plsssss:)

Wave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon