C-4

68 3 0
                                    

" WAVE OF LOVE "

By Quille

Chapter 4

Iniwan ni Daniel ang dalawa habang nag-uusap para kunin ang sasakyan niya para masamahan si Marie sa paghahanap nang kanyang pamangkin. Sumagi sa isip ng binata na mas mabuting puntahan muna nila ang bahay nila Marie ng sa ganoon ay malaman nila kung talagang hindi pa nga nakakauwi ang dalaga sa mga oras na iyon..

"Sana tama ang hinila ko na si Miss taray at Christine ay iisa." Umaasang sambit nito sa sarili habang pipaandar ang sasakyan nito.

"Mang berto, pakikasamahan nyo nalang po kami ni Ate Marie na hanapin ang kanyang pamangkin…kung okey lang po sa inyo." pakiusap niya sa katiwala. 

"Sakay na po kayo dito para mas mabilis nating mahanap ang pamangkin ninyo” anyaya nito kay Marie.

Nagmadali naring sumakay si Marie kasunod si Mang Berto.

" Sir Daniel… saan natin hahanapin ang pamangkin ko?" Tanong ni marie sa binata na labis na humanga sa kabaitang ipinapakita nito.

" Ituro nyo nalang po ang daan papunta sa inyo” hindi na niya sinagot ang tanong ng tiyahin ng dalaga dahil hindi rin naman talaga siya sigurado kung saan hahanapin ang dalaga. Nais nya lang magbakasakali na maaaring umuwi narin ito sa kanilang bahay lalo na’t malalim na ang gabi.

" Diyan po sir Daniel kumanan kayo diyan sa maliit ng kalye." Mabilis na sagot ni Marie.

" Sir.. bakit dito ninyo naisipan hanapin ang pamangkin ni Marie, samantalang hindi naman ito umuwi buong maghapon?" usisa ng katiwala nila.

Maging si Marie ay nagtataka rin at hindi malaman kung ano ang nasaisip ng binata.

Pagkaraan ng ilan minuto ay dumating na sila sa tapat ng bahay nila Marie. Nagkatitigan na lamang ang dalawa at naghintay kung ano ang susunod ng sasabihin ng binata.

"Ate Marie, patingnan ninyo na po kung nandyan na ang pamangkin nyo sa loob ng bahay ninyo.” utos ng binata.

Agad itong bumaba sa kotse upang tingnan kung nandoon ang hinahanap nila pero bigo ito ng makitang wala parin ang dalaga.

" Asan na kaya ang batang yun?" tanong nito sa sa sarili.

"Ano Marie? nandiyan naba siya?" nag-alalang tanong ni Mang Berto.

“Wala pa din eh… hindi ko na alam kung saan pa hahanapin yun" pahabol na sagot nito.

" Ah, Mang Berto… samahan nyo na muna dito si Ate marie…ako na ang bahala maghanap sa kanya… basta hintayin ninyo lang po ako dito." bilin ng binata.

" Ho? Saan kayo pupunta Sir? samahan ko napo kayo."

"Huwag napo Mang Berto," sagot nito.

Mabilis siyang bumaba sa kotse at nagmamadali ito pinuntahan ang lugar kung saan sila dalawang bases na nagkatagpo ng babae.

Nasa gawing likuran lang ng bahay nila ang dalampasigan na kung saan nya huling nakita ang dalaga…umaasang maaring nandoon pa ang hinahanap.

May halong pagka-dismaya at pag-aalala ang naramdaman ng binata ng makita nyang wala rin doon ang dalaga.

Nilingon ng binata ang kapaligiran ng dalampasigan ngunit dahil sa dilim na bumabalot dito, halos wala rin siyang makita.

Binaybay ni Daniel ang kahabaan ng dalampasigan habang patuloy na lumiling-linga.

Nasa may dakong batuhan na si Daniel ng mapansin niya na parang may nakaupo sa may dulong bato lampas ng dalampasigan.

Sa dilim ng lugar, hindi nya matukoy kung ito na nga ang hinahanap na dalaga.

Patuloy siyang tumungo papalapit at tuluyang naibsan ang pag-aalala nya ng makitang Si Christine na nga ang kanyang natanaw

" Christine!.....Christine!... sigaw nito sa babae.

Mabilis lumingon ang babae at biglang napangiti ng makita siya.

"Nagbalik ka?" tuwang wika nito sabay yakap ng mahigpit sa kanya. 

Nabigla si Daniel sa ginawa ng babae

"Ano ang ginagawa mo dito? akala ko umuwi kana kanina?" sunod-sunod ang tanong ng binata sa kanya.

" Mabuti pa ay ihahatid na kita sa inyo..alalang-alala na sa iyo ang tiyahin mo." sabi nito.

"Basang-basa ang damit mo... baka magkasakit ka nyan.

Ramdam ng binata ang lamig ng katawan ng dalaga kaya’t alam nyang kanina pa ito giniginaw lalo na’t inabot na ito ng dilim sa may dagat.

Walang sabi-sabi’y binuhat ng binata si Christine at dahan-dahang lumakad papunta sa buhanginan.

“Salamat ha” maigsing sambit ng dalaga habang nakakawit ang mga braso sa ulo ng binata.

Tanging ngiti lamang ang itinugon ng binata…ngiti na wari’y naibsan ang labis na pag-aalalang naramdaman sa pag-aakalang may masama ng nangyari sa dalaga.

Pagkatapak nila sa buhanginan, agad na hinubad ng binata ang suot na t-shirt at dahan-dahang ipinasuot sa dalaga. Nangangatal ang katawan ng babae sa ginaw kaya’t mabilis nya itong inakay patungo sa kanilang bahay.

Kulong ng malapad na braso ng binata… waring unti-unting nawawala ang lamig na kanina pang bumabalot sa katawan ni Christine.

ITUTULOY

Wave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon