Wave of love chapter 13

42 2 0
                                    

" WAVE OF LOVE

BY Q U I L L E

CHAPTER 13

Abot-abot ang tanaw ni Christine sa papalayong sasakyan lulan ang lalaking minamahal at ang kasintahan nito. Tanging ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi ang naging kasama sa mga sandaling iyon. Sobrang sakit dala ng di inaasahang pagdating ni Janice..ang babaeng matagal ng hinihintay ni Daniel.

SAMANTALA pagdating nila Daniel sa resthouse ay nakita niya ang kanyang Mama na nakaupo sa may verranda ng bahay na waring nakangiti sa kanila habang sila’y papalapit.

" Oh nandiyan na pala kayo? Janice hija, magpahinga ka na muna, alam ko na pagud ka sa biyahe.,. baka mapaanu pa ang aking apo ." wika nito kay Janice.

" Opo Ma, halika ka honey samahan mo ako sa kwarto mo….na miss talaga kita..." Sumunod ang binata sa kanya ngunit at hindi mawala sa isipan nito ang dalagang iniwan sa may dalampasigan.

Pagpasok nila sa kuwarto ng binata ay agad itong nilalambing ni Janice ngunit ni wala man lamang reaksyon ang binata. Kapuna-puna ang lamig ng pagsalubong nito sa kasintahan na agad namang napuna nito.

" Honey, hindi mo ba ako na miss?" Agad ng tanong nito sa binata.

" Na miss din kita.....kaya lang baka makasama sa bata eh,..." Pag-aalalang sagot nito sa kanya

" Hindi ah....ahmmm" sabay yakap sa may likuran ng binata.

“honey. tama si Mama, magpahinga ka na muna diyan, ...may mahala pa

kaming dapat pagusapan." katwiran nito, pero ang totoo’y iniisip niya si

Christine na marahil ay naroon padin sa may dalampasigan

.

" Para saan ang pag-uusapan ninyo?" makulit na tanung niya sa binata.

" Huwag kang mag alala, ikkwento ko naman sayo ang mapaguusapan namin."

" Promise...?" tumango ang binata bilang sagut niya sa kasintahan.

" Bumalik ka agad ha..." Pahabol wika niya

Samantala nanatili parin naka upo si Christine sa may buhanginan habang umiiyak. Hindi niya matangap na tuluyan nag mawawala ang pinakamamahal niyang lalaki,

" Bakit hindi mo magawang mahalin ako Daniel? " tangi niyang tanung sa sarili.

Halos isang oras siya umiiyak sa may dalampasigan at bigla siya nakarinig na boses nagmula sa kanyang likuran, kahit nakatalikod ito ay alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

" Christine?" Tawag nito sa kanya.

Nagulat siya at madali niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. dahil ayaw niyang makitang umiiyak ito.

" Oh, nagbalik ka? Anong ginagawa mo dito? diba dapat ay kasama mo ang girlfriend mo? Baka magalit iyon kapag malaman niya na bumalik ka dito." wika nito sa binata

" I'm sorry kung naiwan kita kanina dito... Ako man ay nagulat din dahil hindi ko akalain na susunod pala kay mama si Janice." paliwanag nito sa dalaga

" Okey lang iyon.. naiitindihan ko." sagot nito.

" Halika at ihatid na kita sa inyo...baka hanapin ka ng tiyahin mo." Yaya ng binata sa kanya.

Pumayag ang dalaga na magpahatid dito. Sabay silang naglakad na kapwa walang kibo hangang sa makarating sila sa bahay ng tiyahinay nanatiling walang salitang namutawi sa kanila. Agad na pumasok ang dalaga sa loob ng bahay na hindi namamalayan na nakasunod din pala sa kanya ang binata.

" Christine......" tawag sa kanya ng binata ngunit hindi niya ito pinansin..." Sandali lang please.. mag usap naman tayo…ayaw kong umalis ng hindi kita nakakausap." pakiusap niya sa dalaga. Patuloy parin sa paglakad papasok ng bahay ang dalaga na parang hindi naririnig ang hinaing ng binata. Akmang aakyat na ng hagdanan, maagap na hinawakan ni Daniel ang braso ng dalaga para pigilan ito.

" Please.... need nating magusap…pakinggan mo naman sana ako." pakiusap niya sa dalaga

" Daniel, wala naman tayo dapat pagusapan eh, ....wala naman talaga diba? ginusto ko naman lahat ang nangyari eh...kahit alam kong.......? hindi pa nito natatapos ang pagsasalita ay niyakap na siya ng binata ng mahigpit.

" Tama na… ayaw kong marining pa ang susunod na sasabihin mo...gusto kong lang na malaman mo na nandito ka sa puso ko Christine...at napakahalaga mo sa akin”

“Nag-aalala lang ako dahil sadyang napakabata mo pa…gusto kong matupad mo muna lahat ang mga pangarap mo sa buhay...tapusin mo ang pag aaral mo…ayaw ko masira ang buhay mo dahil sa akin.

" Pero mahal kita Daniel...." sa sobrang awa sa sarili ay hindi na niya napaigilan umiyak sa binata.

Lalo siya niyakap ni Daniel ng mahigpit saka hinalikan sa labi. Nais ipadama ni Daniel kung ano ang tunay nyang nararamdaman sa dalaga. Pareho man ang kanilang damdamin sa isa’t-isa, hindi pa din maiaalis na may malaking hadlang sa pagmamahal nila, lalo na’t may nakaabang na papanagutan ang binata sa kasintahang si Janice.

" Bumalik ka agad ha..." pahabol wika ni Christine matapos siyang pakawalan ng binata sa mahigpit nitong pagkakayakap.

“Pipilitin ko Christine….hindi dapat mawala ang communication natin..” wika ni Daniel sabay dukot sa bulsa ng kanyang wallet para ibigay sa dalaga ang kanyang calling card.

“Dito pwede mo ako tawagan, pagbalik ko naman sa Maynila ay malimit naman ako sa trabaho…medyo matagal-tagal din akong nag-leave….sana wag mo akong kalimutan na tawagan kung sakaling pumunta ka rin ng Maynila.” Bilin ng binata.

“Sige…”maikling sagot ng dalaga.

Tuluyang lumabas ang binata ng bahay ng dalaga ng hindi lumilingon pang muli sa dalaga. Bigat ng dibdib ang nararamdaman ng binata sa sandaling iyon. Sa maikling panahon na nakilala at nakasama nya ang dalaga ay di nya maitanggi na sadyang gusto nya si Christine.

ITUTULOY

Wave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon