C-9

46 3 0
                                    

" WAVE OF LOVE "

Written By Quille

Chapte 9

SAMANTALA, maghapong naghihintay si Christine sa kanilang bahay, umaasang dadalawin muli ni Daniel, ngunit padilim napero hindi pa rin ito dumating. Di nya maiwasang makaramdam ng lungkot dahil sa maikling panahon ay nakaramdam na siya ng pagmamahal sa binata. Dismayado dahil sa kaalamang wala siyang karapatang sumbatan o pilitin ang binata na tapatan ang kanyang nararamdaman dahil una palang ay alam na niya kung gaano nito kamahal ang kasintahan..

Nagpasya ang dalaga na pumunta sa dalampasigan upang magpahangin at para din mabawas- bawasan ang sakit nararamdaman nito.

" Oh, my God, ano ba ang nangyayari saakin… ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Paano kung…?" Hindi na nya itinuloy pa ang nasasaisip dahil alam nyang lalo lamang siya masasaktan. Wari nya’y mas makabubuti na wag nalang umaasa na mahalin din siya ng binata.

Ilan minuto na siyang nakaupo sa may buhangin ng biglang may narining siyang nagsalita sa may likuran nya. Laking gulat nito at biglang napatayo sa kinauupuan.

" Ano ang ginagawa mo dito?... ang lakas talagan g loob mong pumunta dito na magisa?" nakakunot ang noong pagsita ni Daniel sa kanya.

" Ikaw pala…." maiksi niyang sagot sa binata na waring nataranta dahil hindi niya inaasahan na pupunta pa ito doon.

" Diba sinabi ko sayo noon na huwag kang pupunta dito magisa?" Pasinghal na sagot ng binata.

" Nagpapahangin lang ako at uuwi rin naman akong agad." paliwanag niya sa binata...

Hindi na umimik ang binata sa sagot nito dahil alam niya na may katigasan din ng ulo ang dalaga.

" Eh,bakit ikaw?...ano ang ginawa mo dito?" Tanong niya ulit sa binata.

" W-wala, sinabi kasi saakin ng tiyahin mo na nandito ka daw," sagot nito sa kanya.

" Galing ka sa bahay?"

" Oo galing ako doon. inihatid ko iyong basket na dala mo kahapon na nakalimutan kong ibaba ng gabing iyon.

" Ganoon ba,?" dismayadong sagot nito. Inaasahan nyang na-miss siya nito kaya ito muling pumunta sa kanila.

" Oo, ganoon iyon....". pang asar na sagot ni Daniel habang nakatitig sa dalaga. Tila natigilan ang binata dahil napansin nito na lalo ito gumanda sa kanyang paningin gayong simpleng -simple lang naman ang kasuotan nito. Short na maong at tinernuhan ng kulay orange na t-shirt at siya ang dahilan kung bakit tumingkad ang kaputian ng kutis nito.

" Bakit? Tanong niya sa binata ng mapansin niya nakatitig ito sa kanya.

" W-wala, wala naman.... halika at ipasyal kita sa amin."

" Ako ipapasyal mo ako sa inyo? B-bakit? anong mayroon." sunod sunod naman ng tanong ng dalaga na nakaramdam ng kasiyahan.

" Oo ikaw... bakit ayaw mo?"

" H-hindi, gusto ko." Mabilis niya sagot.kulang na lang ay yakapin niya ang binata sa tuwa dahil sadya namang gusto niyang makasama ang binata.

" Halika na..." hinila ng binata ang kanyang kamay para lisanin ang lugar.

" Teka lang, daan mo na tayo sa bahay, para magpaalam naman ako sa tiyahin ko, baka hanapin ako noon." wika nito sa binata.

" Huwag kang mag alala, alam niya na magkasama tayo ngayon....dahil siya ang nagsabi saakin na puntahan daw kita dito para may kasama ka" nakangiti na paliwanang ng binata sa kanya.

" Sure ka ha?" aniya.

Pagkaraan ng ilan minuto ay nakarating na sila sa resthouse nito. Namangha ang dalaga sa laki ng kanilang bahay. Hindi napigilan ni Christine ang sarili na mag tanong ito sa binata.

Wave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon