Wave Of Love chapter 14

83 3 0
                                    

" WAVE OF LOVE "

STORY BY Q U I L L E

CHAPTER 14

Pagkagising ni Janice ay napansin niyang wala pa din si Daniel sa tabi niya kaya nagpasya itong bumaba para alamin kung nasaan na ang nobyo.

" Ma, nasaan po si Daniel?" tanong ni Janice sa Ina ng binata dahil sa pagkakaalam nito ay naguusap ang dalawa gaya ng paalam sa kanya ng binata.

" Ha? diba magkasama kayong umakyat kanina? " Nagtatakang sagot ng Donya.dahil hindi naman nagpaalam ang anak kung saan pupunta.

" Saan kaya pumunta iyon mama? Ang paalam nya sa akin ay may mahalaga lang daw kayong paguusapan. kaya pumayag naman akong iwan niya kanina." Paliwanag ni Janice.

Hindi alam ng Donya kung ano ang isasagut sa tanung ng kasintahan ng kanyang anak. Siya man ay nagtataka sa kinikilos ang anak mula ng dumating siya sa beach house nila.

" Teka lang iha, ipapahanap ko kay Berto, baka may pinuntahan lang siguro." aniya

" Sige po ma,...thank you po." Mabilis na sagut ng dalaga.

Lumabas ang Donya upang hanapin kung nasaan si mang Berto ng mapuna niyang papasok sa kanilang gate ang sasakyan ng kanyang anak..

" Oh, ma anong ginagawa mo dito sa labas?" nagtatakang tanong ng binata sa Ina. Alam nyang kapag naroon sa resthouse nila ay hindi talaga ito lumalabas ng bahay.

“ Saan ka galing anak? Nag-aalala sayo ang kasintahan mo… akala ko ay magkasama kayo kanina sa kwarto mo”.

" Diyan lang sa may kabilang kanto Mama… nagpaalam lang ako sa kaibigan ko....gising na ba si Janice?"

" Kagigising lang....halika at pumasok na tayo para mapanatag ang kalooban nun kapag nakita ka. sagot ng kanyang ina.

" Hi Hon," Bati ng binata kay Janice na nakaupo sa gilid ng kama at halatang nakasimangot ang mukha.

Pagkakita niya sa binata ay sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.

" Saan ka galing? bakit ngayon ka lang dumating honey?" nagglalabing ng tanung ng kasintahan.

" Diyan lang...kasama ko si Mang berto may tiningnan lang kami diyan sa kabilang kanto," pagsisinungaling sagut nito sa kanya.

Napataas nalang ang kilay ng Donya sa kanyang narinig na dahilan ng binata sa kanyang kasintahan.

" Ganoon ba?"

" Oo hon, sandali lang hon ha, magso-shower muna ako ....ang init kasi sa daan." paalam nito sa kasintahan,

" Okey! maghihintay ako dito..... or much better….gusto mo sabayan kita?" pabulong na wika nito sa binata.

" Huwag na hon..nakakahiya kay Mama.." mabilis niyang sagut sa kasintahan.

KINABUKASAN ay namamaga ang mga mata ni Christine sa halos magdamag na kakaiyak. Habang hawak ang calling card na bigay ng binata, matuon niyang tinititigan ang numerong nakasulat doon. Naglalaro sa isip nya na tawagan ito at bakasakaling marinig man lang ang boses ng binatang minamahal.

“Siguro nasa manila na sila…. tawagan ko kaya? ....wag na lang baka magalit pa sa akin…miss na miss ko na siya…kaya lang baka kasama nya ang girlfriend nya… hays tama ba itong ginagawa ko?" gulong-gulo ang isip na di alam ang nais at dapat gawin sa mga sandaling iyon.

Bumangon na bigla ang dalaga at dumiretso sa banyo para maligo. Matapos maligo ay agad siyang bumaba at naisipang magluto na lamang ng almusal. Pagkadungaw niya sa kanilang kusina, nakita niya ang tiyahin na nagluluto ng kanilang pang-almusal.

“Oh, Christine nandiyan ka na pala, saglit na lamang ito at maluluto na...alam ko na nagugutom ka na...."

" Sige po tita...., ako napo sana ang magluluto kaya lang naunahan nyo na pala ako eh" sagut ng dalaga sa kanyang tiyahin.

" Siya nga pala Hija, kanina galing dito si Sir Daniel, pabyahe na pala sila papuntang Maynila..gigisingin sana kita kaya lang sabi niya huwag na daw dahil nagmamadali siya, kinuha lang niya ang cellphone number mo sa akin."

" Ha? galing siya dito? kinuha niyang number ko?....sana ginising mo ako tita," hindi siya makapaniwala sa sinabi sa kanya ng tiyahin, hindi niya inaasahan na nais rin palang malaman ng binata ang cellphone number nito.

" Ohh isa-isa lang ang tanung! Siguro ko may gusto ka sa kanya nuh? kaya siguro namamaga ang mata mo dahil iniiyakan mo pag-alis nila dito....tulad ang sabi ko sayo noon Hija, wag si Sir Daniel dahil masasaktan ka lang." paalala ng kanya ng tiyahin.

Hindi maitatanggi ni Christine ang mga sinabi ng dalaga lalo na’t matalik na kaibigan ni Marie si Mang Berto at tuwina’y naikekwento nito ang mga naoobserbahan nito patungkol sa dalawa.

" Magkaibigan lang po kami tita," nakayukong sagut nito sa tiyahin.

Samantala nakabalik na sa manila sila Daniel kasama ang kanyang ina. Gaya ng naranasan sa resthouse, di maiwasan ni Janice na mapuna ang panlalamig sa kanya ni Daniel.

" Akala ko pa naman matutuwa si Daniel sa pagbalik ko…." Wika ng dalaga sa sarili na hindi makapaniwala sa pangbabalewalang nararanasan niya ng binata...." Anu kaya ang nangyari sa kanya….di kaya may iba ng mahal si Daniel kaya nanlalamig na siya sa akin? Sino naman kaya yun?...si Christine? sino naman kaya siya sa buhay ni Daniel?"

" Hon, saan ang punta mo? bakit nagmamadali ka?" Tanong ni Janice sa binata na nagmamadaling lumabas ng pinto ng mansion.

" Sa office hon, tumawag kanina lang si tyron at magkikita daw kami doon.." Sagut niya sa kasintahan at kinagulat ni janice dahil hindi niya akalain na nasa pinas na pala ito.

Pagkaalis ni Daniel ay di namalayan na sinundan ito ni Janice para alamin kung talagang si Tyron ang kanyang kakatagpuin.

Pagdating ni Daniel sa office niya ay nadatnan niya ang secretary nito na si Juliet..."Good Morning sir,....?" ahmm guwapo parin talaga sir.. Pacute na pagbati nito sa binata.

" Good morning Juliet..may tumawag ba dito at naghanap sa akin?" Tanong niya sa secretarya niya.

" Mayroon po sir." Mabilis naman sagut ng secretarya niya. para bang natataranta sa tuwing nagtatanung ang binata.

" Talaga? anong sabi niya?'" seryosong tanuung nito.

" On the way daw po siya Sir..... si Sir tyron po ang tumawag sir...".

Napangiti na lang ang binata sa sagot ng sekretarya. Dumiretso ito sa loob ng kanyang opisina at umupo sa kanyang upuan. Napasandal sa malambot na swivel chair nya sabay napabuntong hininga.

“Haayy…..Christine…” mahinang bigkas ng binata. Tila lumilipad ang isip na nakatinga sa kisame ng opisina. Inaasahang tawagan siya ng dalaga para makausap. Pinapangarap na muli nyang makasama ang dalaga na patuloy na gumugulo sa kanyang isipan.

itutuloy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon