C-7

60 3 0
                                    

" WAVE OF LOVE "

STORY BY QUILLE

Chapter 7

Sa pananalita palang ng dalaga ay nahalata na ni Daniel na selos na selos ito sa kinakasama ng kanyang ama.

"Ano na ngayon ang plano mo? balik ka paba sa Maynila?"

" Plano? sa ngayon ay wala pa akong nabubuong plano....malaman nalang next month… hindi pa rin nga ako nakapag-enroll eh." 

" Saan ka mag aaral at anong course?." Tanong nito sa dalaga.

" Journalism." maiksi niyang sagot.

" Nice.. kung sakaling maging sikat na journalist ka…wag mo sana ako kalilimutan hA."

" Sira,,,, binibiro lang kita nuh,"

Pareho sila napangiti at patuloy silang nagkwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga buhay. Kahit papaano ay gumaan ang kanilang mga pakiramdam dahil narin sa saya ng kanilang usapan lalu na’t panay ang biruan nila sa isa’t-isa. Waring nagkapalagayan na sila ng loob.

Nakaraan pa ilang oras ay nagpasya ng ihatid ni Daniel ang dalaga sa kanilang bahay.

" Christine pasyal tayo ulit bukas ha," anyaya na muli ni Daniel sa dalaga.

" Sure... dito nalang uli tayo pumunta ha..." napapangiti na sgot nito.sa kanyang 

imbitasyon.

SAMANTALA napansin ni marie na kakaiba ang sigla ng kanyang pamangkin. Ang dating lungkot na nakikita sa kanyang mata ay napalitan ng ningning.

" mukhang ang saya mo ngayon ah… masaya ako at nakikita kitang ganyan 

kasaya.” masayang bati niya dito habang nagluluto ng hapunan nila.

" Masaya lang po ako tita dahil mayroon akong bagong kaibigan…masarap kausap na para bang reporter na hindi nauubusan ng tanong… nalilibang naman ako sa pagsagot ng mga tanong nya…napaka-palabiro pa nya"kwento niya sa tiyahin.

." Mabuti naman kung ganun...sana ay magtuloy-tuloy ang pagbabago mong iyan. Tiyak na matutuwa ang iyong papa na malaman niyang bumabalik na ang dating Christine."

Bigla ito sumimangot na marining niya tungkol sa kanyang ama. Masyado siyang nasaktan sa pag-aasawang muli ng ama.

" Naku tita hindi po iyon matutuwa dahil wala naman siyang pakialam sa akin. ..pinagpalit na po niya ako sa kanyang babae ngayon."

" Hindi totoo iyan pamangkin,... Mahal na mahal ka ng iyong papa"

Hindi na niya sinagut huling sinabi ng kanyang tiyahin. Matapos nilang maghapunan ay umakyat na ito sa kanyang silid.

" Haysssss ...Christine….ano ba ang nangyayari sayo.? wika nito sa sarili. Papasok na pagpasok nya sa kanyang silid ay si Daniel na agad ang sumasagi sa kanyang isipan....Hindi maikakailang excited na siya sa pagkikita nilang muli....kahit katatapos lang nila magkita ay nasasabik na uli itong makita at makausap ang binata.

Kinabukasan..halos hapon na ng sunduin siya ni Daniel sa kanilang bahay.

" Kanina ka pa ba nag hihintay? sorry ha, medyo na late ng konti…may ginawa pa kasi ako sa bahay" paliwanag ng binata.

" Okey lang iyon." mabilis itong sagot

" Saan tita mo? para maipag-paalam na kita."

" Wala eh... kakaalis lang din..”

" Ganoon ba? Oh sige, halika na..”

Halos malapit na sila sa may dalampasigan ng mapuna ni Daniel na may bitbit ang dalaga na isang basket. 

Wave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon