" WAVE OF LOVE "
Story By Q U I L L E
Chapter 11
Pagkatapos magbihis ni Christine ay agad itong bumaba sa naghihintay na tiyahin.
" Bakit ngayon ka lang umuwi? alam mo ba na halos hindi ako makatulog sa kahihintay sayo? Nag-aalala ako baka may nangyari sayo!” singhal ng tiyahin.
" I’m sorry tita…nagkasarapan po kasi kami ng kwentuhan nila Mang Berto kaya diko namalayang malalim na ang gabi…dun na nila ako pinatulog." pagsisinungaling na sagot niya sa tiyahin.
" Umamin ka nga…may namamagitan ba sa inyo ni sir Daniel? " aniya
" W-wala po tita,... magkaibigan lang po kami." mabilis na sagot nito. " Mabuti kong ganun....kilala kong mama niya..sobrang matapobre kaya mas makabubuti kung di kayo magkaroon ng anumang relasyon
" “Hindi po mangyayari iyon tita,.. hindi naman po ako nililigawan ni Daniel..kaya huwag po kayo mag alala.
" malungkot na sagot nito sa tiyahin. Lalo pang nakadagdag sa bigat ng kalooban nya ang nalaman mula sa tiyahin tungkol sa ugali ng Mama ng binata.
" Halika at kumain na tayo...siguradong nagugutom ka na." wika ng tiyahin Hindi mapakali ang dalaga at palinga-linga sa paghahanap kay Daniel. “ Ahmm umuwi na siya...nagmamadali nga eh..
" Sabi ng tiyahin na halata naman niya na si Daniel ang hinahanap ng pamangkin. Hindi na pinansin ni Christine ng sinabi ng tiyahin para lang matapos na ang usapan. Tahimik na kumain ang magtiyahin at agad na bumalik sa silid si Christine matapos kumain para magpahinga. Samantala hindi alam ni Daniel ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi makapaniwala sa ibinalita ng kanyang mama tungkol sa pagbabalik ni Janice.
" Ma, pwede po ba next week nalang po ako susunod sa inyo sa Maynila?" pakiusap ng binata sa ina. Waring nagdadahilan ang binata na halos walang naramdamang kasiyahan sa narining mula sa ina. Para sa kanya, kung hindi niya nakilala si Christine ay siguradong sobrang kaligayahan ang kanyang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan, parang unti-unti nyang nakakalimutan si Janice na parang balewala na sa kanya kung magbalik pa ito o hindi
" Hijo.. sumama ka… sigurado akong susundan ka niya dito kapag hindi ka ka agad bumalik sa Maynila.” “Excited si Janice na makita ka dahil may maganda siyang ibabalita sa iyo…..3 months pregnant ang girlfriend mo anak!”
“Po?
” gulat na sagot ni Daniel. “Huwag kang mag-alala Hijo…mula ngayon ay hindi na ako hahadlang sa inyong dalawa…ngayon pa magkaka-Apo na pala ako” dugtong ng Ina ng binata. Bakas sa mukha ng Donya ang kasiyahan habang ibinabalita sa anak ang lahat ng napag-usapan nila ni Janice. Nanatiling tahimik ang binata at parang walang anumang pumapasok sa isip nito. Hindi alam kung ano ang tamang maramdaman sa lahat ng ibinalita ng ina.
Bawal salita ng ina na patungkol sa kasintahan ay tungkol naman kay Christine ang kanyang naiisip. Samantala, nakukunsensya ang dalaga sa ginawang pagsisinungaling sa kanyang tiyahin. Mga bagay na ngayon nya lamang ginawa. Mula ng may nangyari sa kanila ng binata ay tila hindi na tiyahin nya.
PArang walang lakas para tumanggi man lang sa binata. Damdamin na tanging lumalabas lamang dulot ng malalim na pagmamahal.
“Anu ba itong nararamdaman ko…hays….bakit ganun?....pangalawang beses may nangyari sa amin,… pero ni cellphone number ko eh hindi nya tinatanong…Samantala sa maynila, halos lahat ng lalaki sa campus gusto malaman ang number ko…”
napapabuntong hininga ang dalaga sa pag-iisip na parang balewala siya sa binata.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Wave Of Love
Romance" WAVE OF LOVE " Written By Quille Teaser NEW STORY Kabiguan ang naghatid kay Daniel sa beach house nila sa Cebu. Habang nagmumuni-muni sa may dalampasigan, natanaw niya sa di kalayuan ang isang babaeng waring may tinatawag sa may malalim na bahagi...