Huling araw na namin dito sa mansion at ilang araw na lang may bibili na neto. Napakabilis ng 2weeks para sa naging bakasyon namin dito. Napakaunfair pero sa 2weeks na inabot namin hindi ko man lang nakita yung sinasabe ni kommy na multo na batang lalaki.
"Anak? Tapos kana ba magimpake?" Tanong ni mommy
"Opo mommy. Mommy? Ngayon na ba talaga tayo babalik ng maynila? Hindi pa po ba tayo magtatagal pa dito kahit 1week lang po please mommy pleaseee" tanong ko kay mommy.
"Hindi na anak. Babalik na lang siguro tayo pag bumalik dito yung bibili ng mansion. Pati next week pasukan na. Back to school remember" sabe ni mommy.
"Pero babalik tayo? Kelan?" Tanong ko.
"Siguro anak matagal tagal pa pero dont worry mabilis lang ang panahon hindi ka pepwede umabsent 1st week ng school aabsent ka." Saway sakin ni mommy.
"Pero mommy, bago palang ako mageenjoy dito bago ko palang nakikilala si.." biglang nagsalita si mommy.
"Sino? Si emmanuel yung imaginaty friend mo? Anak, ilang ulit ko pa bang sasabihin sayo na walang bata dito. Batang multo oo,pero yung sinasabe kong kaibigan na tao talaga e wala anak. Walang bata dito" sagot ni mommy sa kaweirdohan ko.
"Mommy totoo yug sinasabe ko hindi sya imaginary friend. Hindi sya fiction or what totoo siya." Pagtatanggol ko.
"Oh sge kung totoo man sya ipakita mo sya sakin" hamon sakin ni mommy.
"Ayun na nga mommy e. Hindi mo sya maabutan dahil sa tuwing darating ka bigla siyang nawawala" explain ko kay mommy.
"See? Anak kakabasa mo yan nang kung ano ano. Pati bata kapa para intindihin yan" sabe ni mommy.
"Anong problema dito hon?" Tanong ni daddy.
"Etong anak mo pinipilit na may kaibigan daw sya dto e wala naman bata dto bukod sakaniya. Ang layo natin sa bayan wala tayong kapit bahay dito" explain ng mommy ko.
"Anak, napakaliblib ng lugar na to para sa sinasabe mong kaibigan." Sagot ng daddy ko.
"Haynako tama na yan. Tayo'y umalis na baka maiwanan tayo ng barko tama na yang pagiimagine mo" sabe ni mommy.
"Bumaba kana ah" dugtong ni mommy.
"Opo susunod na po ako" sagot ko.
Hayy. Aalis na talaga kame. Ewan ko ba bakit gustong gusto ko pang magstay dito. Ngayon ko palang kase nakikilala si emmanuel actually hindi ko pa sya lubos na kilala.
"Maria." Tawag sakin ni emmanuel
"Huy! Grabe ka! Bat ngayon ka lang sumulpot kanina nandito sina mommy hindi ka nagpakita edi sana naniwala na sila sakin" sabe ko.
"Sorry naman. Ngayon lang ako pinayagan lumabas at pumunta dito e." Sagot nya.
"Ganun ba. Aalis na kame ngayon babalik na kame ng maynila" sabe ko.
"Ha? Uuwe na kayo, wag muna wala akong kalaro, wala akong kaibigan" sabe nya habang hawak hawak ang kamay ko.
"Ayoko rin naman umalis e. Pero magpapasukan na kase hindinako pepwedeng umabsent pagagalitan ako nila mommy at daddy" sabe ko.
"Pano na ko? Kelan ka babalik?" Tanong nya.
"Matagal pa siguro. Hindi ko din alam, mabilis naman ang araw e magkikita ulit tayo" sabe ko.
"Sana nga makita ulit kita, sana nga bumalik ka kaagad" sabe nya.
"Bakit wala kabang ibang kaibigan?" Tanong ko.
"Wala e. Nilalayuan nila ko" sagot nya.
"Nilalayuan? Bakit? Hindi ka naman masamang tao ah ang bait mo nga e." Sabe ko
"Mahabang storya. Pero may ikekwento ako sayo pero satin satin lang to ha?" Sabe nya.
"Oo sige. Mapagkakatiwalaan naman ako e. Magkaibigan nga tayo diba" sagot ko.
"Promise?" Sabe nya.
"Oo promise! 😊" sagot ko.
"Mahabang panahon na kong patay. Actually kasing edad moko nung namatay ako dahil sa salvage" sabe nya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA JOKE BA YAN? EXCUSE ME EMMANUEL hindi ka multo 😂 nahahawakan nga kita e" tawang sagot ko.
"Ayun na nga. Nahahawakan moko, nakakausap moko pero diko alam kung bakit." Sagot nya.
"Totoo? Ikaw yug tinutukoy ni mommy na nagmumulto dito?" Tanong ko.
"Oo pero wag kang maingay. Hindi na ko nagmumulto dito. Kaya lang naman ako nagpapakita sa mga dumadalaw dito dahil sa kagustuhan kong alagaan at wag pabayaan ang mansion ng lola mo, noon pa paborito ko na tong mansion. Hindi ko na nilisan to simula nung mamatay ako"kwento niya
"Whaat? So meaans all this time multo pala ang kinakausap ko?" Tanong ko
"Oo multo ako pero diko alam kung bakit kita nakikita o bakit moko nakakausap kung susuriin mo ako mas matanda na ko sayo ng mga 20 years." Kwento niya.
"Seryoso ka? So means muka ka lang bata kase 7 years old ka lang pero 27 years old kana?" Sabe ko.
"Oo please maria wag mong sasabihin to kahit kanino" sabe nya.
"Kaya pala pag tuwing darating si mommy e bigla kang nawawala" sagot ko
"Oo yun ang dahilan ikaw lang ang bukod tanging nakakausap ko, hindinko nga alam kung bakit hnd ka natatakot sakin nung nakita moko" sabe niya.
"Hindi ako takot makakita ng multo actually gusto kl makakita ng ghost" sabe ko.
"Kaya pala ang lakas ng loob mong kausapin ako" sagot nya.
"Ganun na nga. Pero nakakakilabot larin nahahawakan kita normal ka naman bakit ganun?" Tanong ko.
"Hindi ko nga alam ang kulit mo" sagot nya.
"Edi sorry. Alam ko na tutal magkaibigan na tayo kailangan magsumpaan tayong walang makakaalam ng pagkakaibigan natin lalo na sila mommy" sabe ko.
" maaasahan ka talaga. Sana hindi ka magbago. Babalik ka ha?" Sagot nya.
"Promise. Babalik ako at pagbalik ko sisiguraduhin ko na magkikita tayo at magkakasama ulit" sabe ko.
Habang nagkekwentuhan kame narinig ko boses ni mommy na tinatawag na ko. Napahaba ata kwentuhan namin.
"Emmanuel mauna na ko. Tinatawag na ko e. Promse ko sayo babalik ako kaibigan ko" sabe ko.
"Salamat maria. Hanggang sa muli mag aantay ako sayo. Eto ang bracelet tanggalin mo to bilang ala'ala sakin ako gumawa niyan ginawa ko talaga yan para sayo" sabe niya sabay abot ng bracelet na puno ng perlas.
At bago sya mawala nakita ko kitamg kita ng dalawang mata ko ang dahan dahan niyang pagtagos sa pader at dahan dahan na pagkawala nito.
Nabulong ko na lang sa sarili ko na "HANGGANG SA MULI KAIBIGAN"
--
IHOPEYOULIKEIT!💕
MORE VOTES FOR MORE STORY.PS: SORRY KUNG NATAGALAN SA PAG UPDATED BUSY ANG LOLA NIYO HAHAHAHAHA xiao!😘
YOU ARE READING
MY BOYFRIEND IS A GHOST (NOT COMPLETED)
RomantizmAPRIL 7, 2018 A SHORT STORY 💕 This story is based on what I read what I watching and what I experience yes. experiencing im inloved with the ghost na hindi naman normal para sa iba. pero when true love hits you no one who will judge you about what...