7am na ng umaga medyo inaantok pako pero kailangan dahil pupunta na kame ng puerto ngayon. Actually mamayang gabi na ang alis namin pero kailangan ko gumising ng maaga para ayusin pa ang mga kulang sa debut ko bukas.
Bukas na yung pinaka aantay kong okasyon. Medyo kabado ko dahil hindi ko alam kung anong magiging resulta nito. At sana magawa namin ni emmanuel yung balak namin.
Oo alam ko masamang gawin yon. Pero anong magagawa ko? Gusto ko siya. Kaibigan ko siya. Mahal ko siya bilang kaibigan. Gusto ko siya kase kaibigan ko siya. Gets mo?
Hindi pa namin alam kung paano ang gagawin namin kung sasabihin ko ba kay allan o hindi. Dalawa lang kase ang option na pwedeng mangyare in case na gawin namin to.
Una pag sinabe namin to kay allan baka hindi siya pumayag dahil alam mo na isa rin siya sa mga 18roses ko at isa pa dun na baka hindi siya maniwala at magwala lang yon at magalit sakin.
Pangalawa pag hindi ko naman sinabe at hnd namin alam kung kaya ba ni allan yung sanib na gagawin ni emmanuel o hindi baka mapahamak siya.Maling mali to. Pero anong magagawa ko 😢 siya lang ang pag asa ko para maging masaya ang once in a lifetime birthday ko.
*habang nagiisip ako ng mga possibleng mangyare e bigla kong natanaw si emmanuel sa salamin again sa cr ko na naman*
"Emmanuel. Buti na lang nagpakita ka ulit sakin. Naguguluhan na ko" sabe ko sakaniya habang nakatitig lang sya sakin. Ang weird na naman niya.
"Bakit? Sinabe mo ba sakaniya?" Tanong niya.
"Hindi. Pag sinabe ko magkakagulo pag hnd ko naman sinabe may mapapahamak" sagot ko.
*napayuko ako at hindi ko napigipang tumulo ng bahagya ang luha ko. Habang pinupunasan ko e niyakap ako ni emmanuel at saba'y sabing..*
"Wag kang mag alala. Kaya naman siguro niya e. Pero may isa pang problema" sabe niya.
*nabitaw sa pagkakayakap sakin si emmanuel at nagkatitigan kame* PS: WAG KAYONG KILIGIN
"Ano yon?" Tanong ko.
"Siguro hindi nga kaya ni allan to. Kaya ibang tao na lang ang gagamitin ko. Hindi mo siya kilala basta. Nakita ko na lang sya. Siguro siya kakayanin niya kase ibang pagsanib ang gagawin ko maria hindi basta sanib to ng kaluluwa ko. Etog mukang makikita mo sakin e eto rin ang makikita mo once na sumanib na ko." Sagot nya.
"What?! So ibig sabihin kung sino man ang saniban mo panget man o hnd bakla man o hindi mataba man o mapayat e okay lang? Kase kung ano yung nakikita ko say ngayon na gwapo makisig macho matangkad at matipuno e yan rin ang makikita ko pag sanib mo?" Tanong ko.
"Oo maria, medyo delikado to kase magpapalit kame ng anyo. Siya ang magiging kaluluwa at ako ang magiging buhay na tao" sagot niya.
"Emmanuel. Delikado to. Ano kaba! Hindi natin pwedeng gamitin ang ibang tao para lang sa nais natin." Sagot ko.
"Pero maria anong gagawin natin? Eto lang ang paraan para mabuhay ulit ako" sabe niya.
"Emmanuel hindi kaya napakamakasarili naman natin sa gagawin nating to?" Tanong ko.
"Hindi tayo makasarili. Etong gagawin natin ay magiging masaya hindi tayo patago at lalong hindi ako multo. Pati ang kukunin ko naman katawan e yung buhay pa na malapit nang mamatay" sagot nya.
"Sino?" Tanong ko.
"Si mang luis na caretake care ngayon ng mansion niyo. Malapit na syang mamaatay. Ilang araw na kong nagpapakita sakaniya at nagpapahiwatig nagmumulto sakaniya ako sasanib once na sumanib na ko sakaniya habang buhay na kong magiging tao parang pangalawang buhay kumbaga. Pero etong buhay na to e tatagal lang ng limang taon maria. Limang taon para makasama ka okay na ko don" sabe niya.
"Limang taon? Okay sge kelan natin gagawin yan emmanuel sana naman walang mangyareng masama" sagot ko.
"Ngayon na pagkaalis nyo from puerto once na dumating kayo don magkita tayo mismo sa kwarto ni mang luis nandun sya ngayon at malapit nang mamatay sana makaabot tayo" sagot niya.
"Oo. Hayy emmanuel sana ngaaa" sagot ko.
*habang naguusap kame e biglang kumatok si mommy at tuluyan nang nawala si emmanuel*
"Anak? Nanjan ka ba?" Tanong ni mommy.
"Opo nandito po ako cr mommy" sagot ko sabay bukas ng pinto ng cr ko.
"Oh? Umiiyak kaba?" Tanong ni mommy.
"Huh? Bagong gising ako mommy natural ganto mata ko" sagot ko. PANISZX KAYO NAILUSOT KO HAHAHAHAHA
"Ganun ba tara na hindi na natin paaabutin ng gabi ang alis natin kase nandun na yung bday coordinator mo para makita mo yung mga ihahanda nila bukas sa party mo" sabe ni mommy.
Agad agad akong kumilos tulad na rin nang sinabe ni emmanuel na dapat makaabot kame bago pa tuluyang mawalan ng buhay si mang luis.
"Sige po mommy mag aayos na po ako pakihintay na lang po ako sa baba" sagot ko.
"Sige anak dalian mo ah"
After 2hrs.
Nandito na kame sa barko at oo malayo ang tingin ko iniisip ko yung mga sinabe at gagawin ni emmanuel mahirap pero kailangan. Sana mang luis hindi mo kame multuhin pag inagaw namin ang buhay mo.
Siguro naman dumaan ka din sa gantong sitwasyon na lahat ng bagay na gusto mo e may kapalit na pasakit at pagdudusa.
After 5hrs.
Nandito na kame sa puerto at nandto na kame sa mansion. Napakaganda na ulit ng mansion napaka ayos at bumalik ito sa dati na wow! Alam niyo naman yun mansion diba basta para kong prinsesa na naghahanap ng prince charming.
*habang pumapasok kame e sinalubong kame ni mang luis na naka wheel chair na*
"Mang luis magandang hapon po" bati sakniya ni mommy.
"Eto na ba si maria? Napakagandang bata at dalagang dalaga na" turo sakin ni mang luis.
"Ay opo mang luis ayan na po siya. Dalagang dalaga na at mukang magkakaboyfriend na nga e" sagot ni mommy.
"Hello po mang luis." Bati ko sakaniya.
*matagal kong siyang tinitigan at nakipagtitigan din sakin si mang luis nang nakangiti at hinang hina na ang katawan na para bang may gusto siyang sabihin sakin*
MANG LUIS KUNG ALAM NYO LANG PO ANG AWA AT SAKIT NA NARARAMDAMAN KO ONCE NA MANGYARE MAMAYANG GABI YUNG NAIS KO. MANG LUIS NGAYON PALANG HIHINGI NA KO NG MALAKING KAPATAWARAN SAINYO. ALAM KO MAMAMATAY RIN PO KAYO PERO PASENSYA NA PO MUKANG HINDI NA PO KAYO AABOT SA MISMONG ARAW NANG BDAY KO. MARAMING SALAMAT PO MANG LUIS HANGGANG SA MULI.
*Yan na lang naisip ko habang nakikipagtitigan ako kay mang luis nabaling ang tingin sakin ni mang luis nang tinawag na kame ni mommy para kumain*
Sana maging masaya si mang luis sa gagawin namin. At alam kong maiintindihan niya ko.
--
IHOPEYOULIKEIT!
MORE VOTES FOR MORE STORY!💕
YOU ARE READING
MY BOYFRIEND IS A GHOST (NOT COMPLETED)
Storie d'amoreAPRIL 7, 2018 A SHORT STORY 💕 This story is based on what I read what I watching and what I experience yes. experiencing im inloved with the ghost na hindi naman normal para sa iba. pero when true love hits you no one who will judge you about what...