PRIMO'S POV
Hi guys! My name is primo trinidad childhood friend ko si maria here in manila pero when she came back on puerto for a while hindi na nya ko naabutan sa manila dahil nagpunta na ko sa america. Dun na ko nag HS hanggang sa grumaduate na ko ng SHS at yes im came back here in manila to finish my study in college.
Hindi ako perpektong tao, hindi rin ako ganun kasamang tao. Pero noon ko pa sana sinabe sakanya. Na mahal na mahal ko siya higit pa sa pagkakaibigan. Na handa ko isakripisyo ang pinagsamahan namin alang alang sa relasyong gusto kong mabuo mula samin. Bakit ako nainlove sakanya? Dito lahat nagsimula..
Nasa labas ako ng bahay nang mga oras na yun, naglalaro mag-isa nang may babaeng dumaan sa harap ko at tumigil.
"Hi" bati sakin ng batang babaeng nakangiti ngayon sakin.
"Hello sino ka?" Sagot ko.
"Ako nga pala si maria" sagot niya.
"Tagasaan ka? Bagong lipat lang ba kayo dito?" Sagot ko.
"Hindi matagal na kame nandito hindi lang ako lumalabas ng bahay dahil wala akong friends" sagot niya.
"Gusto mo tayo na lang magfriends?" Sagot ko.
"Sige ba. Pero hindi pa kita kilala ano pangalan mo?" Tanong niya.
"Oo nga pala ako nga pala si primo" sagot ko.
"Hello primo? Ano nilalaro mo?" Tanong niya.
"Sa Ipad ako naglalaro ung temple run" sagot ko.
"Bakit nasa labas ka?" Tanong niya.
"Ang dami mo naman tanong" sabay napakamot sa ulo ko.
"Sorry (sad face)" sagot niya.
"Wag kang masad. Sige sasagutin ko na tanong mo nasa labas ako kase mas mahangin dito kesa doon sa loob namin" sagot ko.
"Ahhhh" sagot niya.
Habang naglalaro kame sa IPAD ng temple run nang tinawag ako ni daddy para pumasok na kase naman 6pm na nasa labas parin ako hindi naman kase normal sa kagaya namin na 7yrsold e nasa labas pa ng gantong oras.
"Sige na maria mauuna na ko tinatawag na ko ni daddy e"sagot ko.
"Sge uuwe na rin ako baka hinahanap na din ako" sagot niya.
"Laro ulit tayo bukas ah" sagot ko.
"Oo naman sabay ngiti" sagot niya.
Simula non araw araw na kamemg naglalaro madalas nasa playground kame parehas kase kame ng problema ayaw kase namin na tumatambay sa bahay dahil na rin sguro sa boring at wlang makausap.
Lumipas ang linggo at buwan. Nagpaalam sakin si maria na puounta raw sila sa puerto para bisitahin ang lola niya doon.
"Primo babalik din kame maglalaro ulit tayo pagbalik ko" sagot niya.
"Oo naman aantayin kita" sagot ko.
Lumipas ang tatlong araw nang makatanggap ng phone call si daddy mula sa lolo ko na nasa america.
"What? Okay okay we will be here there as soon as we can" sagot ni daddy sa lolo ko.
"Daddy, si lolo po ba yon?" Tanong ko.
"Oo anak, we need to go to america for your lolo he's sick mukang hindi na siya magtatagal" malungkot na sagot ni daddy.
"Pupunta tayo sa america? Kelan?" Sagot ko.
"Sa isang araw na anak kaya be ready okay? Baka dun na rin kita pag aralin for a while" sagot ni daddy.
WHAT? dun ako pag aaralin ilang taon pa ko hindi uuwe non? Hnd alam ni maria na aalis na ko hindi ako nakapagpaalam sakanya. Sguro pag umalis ako hnd na nya ko kaibigan dahil sa hnd ako nagpaalam sakanya.
After a few dayss...
Paalis na kame ngayon ang flight namin hnd ko alam pero 7yrs old palang ako ramdam ko na ung lungkot sa paligid ko. Ramdam ko na may maiiwan akong kaibigan na minahal ko ng sobra kahit sa 6 na buwan ko syang nakilala. Masakit pala mawalan ng kaibigan. Siya na lang kaibigan ko. Sana pagbalik ko kilala mo parin ako. At sa pagbalik ko liligawan kita at pakakasalan.End of the past.
Pinangako ko noon sa sarili ko na paguwe ko dito sa pilipinas na likigawan ko sya. Ilang taon din akong nagtiis para antayin etong pagkakataon na to. Kinakabahan ako na naeexcite. Kinakabahan kase hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya e alam kong may tampo un dahil hindi ako nakapagpaalam sakanya. Naeexcite kase masisilayan ko muli ang muka niyang mala anghel.
Nakapagenrolled na ko same school ni maria, sinadya ko talaga para hindi nako mahirapan.
Nasa cafeteria ako nang makita ko si maria na kasama si aly. Yes kilala ko si aly. Siya lang ang tanging babaeng naging bestfriend ni maria since nung nawala ako dito sa pinas. Updated parin ako sakanya tru social media kaya kilala ko sya not in the personal pero halos kase lahat ng poat ni maria ay about kay aly.
"Maria?" Bati ko nang makita ko siya. Ewan hindi ko na patatagalin to.
"Primo? OMG! Your back! Gosh! (Sabay yakap) sagot niya.
"Haha yes im back. Long time no see. Gumaganda ka lalo ah" sagot ko.
"Oo nga ikaw ah! Nakakainis ka hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka nawalan tuloy ako ng kaibigan no choice tuloy ako kay aly. Kung hindi ka sguro umalis malamang hnd ko kaibigan tong si aly mas magaan buhay ko." Asar na sagot ni maria dahilan para mainis sakanya si aly.
"Hoy! FYI lang ah. Hindi ko hangad na sirain ang pagkakaibigan niyo pero hiyang hiya naman ako no. Ako ba ang nangiwan ha? Pati tagal kong nasa tabi mo para naman sinabe mong pinagtitiisan moko" sagot ni aly.
"HAHAHAHAHAHAHA joke lang ano kaba! O.A to thankful ako at naging kaibigan ko kayo. Wala na sakin kung sino nauna sainyo ang mahalaga hindi nyoko kinalimutan" sagot ni maria. Hindi talaga kita kinalimutan maria hinding hindi.
Habang nagkekwentuhan kame sa cafeteria may tumawag kay maria mula sa pinto ng cafeteria. Isang lalaki na emmanuel daw ang pangalan.
Tunakbo si maria papalapit sakanya dahilan para magtanong ako kay aly kung sino ung lalaking yon.
"Aly? Sino ung lalaki?" Tanong ko.
"Ah yan si emmanuel. Kababata rin yan ni maria sa puerto nakakatuwa nga e kase sinundan niya si maria dito sa manila para mag aral din."sagot niya.
"Ahhh so wala parin boyfriend si maria?" Sagot ko.
"Feeling ko may something sila iba kase ung ngiti ni maria tuwing nakikita niya sa emmanuel at ganun din si emmanuel. Alam mo bagay sila" sagot ni aly. Dahilan para kumirot ang puso ko. Hindi ko maintindihan pero iba ang nararamdaman ko ngayon para akong binuhusan ng kumukulong tubig.
Hindi kaya...
Ayokong magisip ng masama pero sana hnd pa huli ang lahat para sa plano ko.
-------Hi! Salamat sa suporta na hanggang ngayon nandito parin kayo! 😊💕
#PRIMOISBACK
#MBIAG
YOU ARE READING
MY BOYFRIEND IS A GHOST (NOT COMPLETED)
RomanceAPRIL 7, 2018 A SHORT STORY 💕 This story is based on what I read what I watching and what I experience yes. experiencing im inloved with the ghost na hindi naman normal para sa iba. pero when true love hits you no one who will judge you about what...