Habang naglalakad ako pauwe nang may mabunggo akong isang...
"Aray ko!" Sigaw ko. Ang sakit ng impact ah.
"Sorry mis... maria! Juskopo saan kaba nanggagaling kanina pa kame nag aalala sayo." Sagot ni emmanuel.
Yap si emmanuel. Pero bakit sya nandito?
"Ano ginagawa mo dito?" Pataray kong tanong. (PABEBE AKO)
"Hinahanap ka malamang simula nung nagwalkout ka kanina habang naguusap tayo akala ko dumiretso kana ng mansion hindi pa pala. Alam mo bang delikado dito pag gabi" sagot niya
"Alam ko. Pero gusto ko lang mapagisa. Pauwe na rin naman ako e bakit ba." Sagot ko.
"Galit kapa rin ba? Ay sorry diko dapat tanungin yon dahil alam ko habang buhay na yang galit mo sakin dahil sa pag amin ko." Sagot niya. (ADVANCE MAGISIP)
"Hindi ako nagalit nagtampo ako sayo. Dahil kaibigan kita at hindi ako makapaniwala na kaya mong gawin sakin yon" sagot ko.
"Maria.. hindi moko naiintindihan. Sorry..." sagot nya.
"No emmanuel. Ako dapat ang magsorry kase hindi kita inintindi at pinakinggan man lang" sagot ko.
"Maria. Salamat" sagot niya.
"No salamat sayo kase kung hindi kita nakilala malamang ang boring ng buhay ko" sagot ko.
"Alam mo sa mansion na tayo magusap. Padilim na ng husto baka kung ano pa makasalubong natin dito." Sagot niya.
Madilim ang paligid puro puno at damuhan ang mga nasa gilid ng kalsada walang dumadaan maliban sa iilang sasakyan malayo pa ang mansion dito nasa dulo pa.
"Ang layo pala ng nilakad ko" sagot ko
"Malayo talaga nagtataka nga ako bat napunta ka dito napakalayo ng playground dito." Sagot niya.
"Lutang ako e. Wala akong ibang inisip kundi ung mga sinabe mo sakin" sagot ko.
Nung sinabe ko yon hinawakan lang ni emmanuel ang kamay at naglakad kame. Sa mga oras na to ramdam na ramdam ko na okay na ko at alam kong okay na rin siya.
Sana umamin na din ako sayo kanina at hindi inuna ang galit para hnd ganito ang nararamdaman ko. Tama nga si kuya... ang hirap..
Habang nagiisip ako nang mga oras na yon e diko namalayan na nasa mabsion na kame 45 minutes din namin nilakad yon. Nakakapagod.
Nakakatakot pumasok sa mansion for sure pagagalitan ako..
"Jusko maria! Anak saan kaba nagsusususot!" Sigaw ni mommy pagkapasok ko pa lang ng pinto.
"Sorry mommy. Nagpahangin lang po ako" sagot ko.
"Anak gabi na. Hindi mo ba alam na delikado dito pag dumidilim?" Sagot ni mommy.
"Opo alam ko sorry" sagot ko. Ilang beses kaya nilang sasabihin at ipapaalala sakin na delikado lumabas dto pag gabi 😒
"Alam mo maria. Matulog kana tumaas kana" sagot ni mommy.
"Opo momm.." tigil kong sagot nang sumabat si emmanuel
"Tita kausapin ko po muna si maria saglit lang po bago po sya matulog" sagot ni emmanuel.
"Okay sge pero after nyan matulog na kayo wala nang lalabas ng mansion" sagot ni mommy.
"Opo tita" sagot ni emmanuel at hinila niya ako papunta sa balcony.
"Emmanuel ano yon?" Tanong ko.
"Gusto ko nang linawin ang lahat ng nangyare 2days lang tayo dito sa mansion gusto ko bago tayo bumalik ng manila e maiiwan na natin sa mansion na to ang pagkakamali ko sayo" sagot niya.
"Sige pakikinggan kita" sagot ko.
"Maria bata palang tayo nung unang araw na nakita kita sa mansion mga panahong wala pa kong buhay at ikaw palang ang kayang makakita sakin minahal na kita oo alam ko kaibigan ang turing mo sakin pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko pero sa bawat araw na nagkikita tayo at sa bawat araw na magkasama tayo diko kayang pigilan ung tukso ng pagmamahal ko mula sayo pero nung nalaman kong pwede kong kunin ang buhay ni mang luis nagdalawang isip pako. Masakit sa kalooban ko kase naging makasarili ako pero wala na kong ibang choice kundi tanggapin na never ko nang mapipigilan ang pagmamahal ko sayo. Kaya nagawa konyon. Sinubukan ko ang hirap kase dala dala ko sya hanggang ngayon" sagot ni emmanuel.
"(Ngumiti) alam mo emmanuel malinaw naman sakin ang lahat alam ko naman na mahirap talaga. Kase kahit ako nararamdaman ko yan hanggang ngayon." Sagot ko.
Teka wait, tama ba ko ng sinabe? Eto na ba talaga ang oras para umamin na din ako? Well nasabe ko na ipupush ko na to.
"Nararamdaman ang alin maria?" Sagot niyaa.
"May mali din ako sayo emmanuel.. mahal na din kita emmanuel noon pa nung unang beses na nagsama tayo sa maynila. Mas napalapit ka sakin hindi ko alam pero nahulog ako sayo. Hindi ko agad sinabe kase mahirap piliin ang gusto ko sa pagkakaibigan natin. Kaya mas pinili kong maging magkaibigan tayo para hindi moko iwan." Sagot ko.
"Pero sabe mo kanina kaibigan lang turing mo sakin" sagot niya
"Sinabe ko yon kase hindi ko pa kayang harapin ung nararamdaman ko takot ako" sagot ko
"Maria hindi kita pababayaan. Hinding hindi kita iiwan" sagot niya.
"Alam ko pero natatakot ako kase hiram lang yang buhay mo" sagot ko.
"Maria makinig ka kahit hiram yong buhay ko kayang kaya kitang mahalin at ipaglaban" sagot niya.
"Pano kung isang araw bawiin na ni mang luis ang buhay mo paano na ko?" Sagot ko.
"Ayun nga yung sinasabe ko sayo maria, na bago tayo umuwe ng maynila gusto naiwan na dito lahat dahil gusto ko paguwe natin ng maynila magsimula ulit tayo. Hinding hindi ko na sasayangin ang pagkakataon habang may buhay pako" sagot niya.
"Emmanuel(sabay yakap) pleaseee. Ayokong mawala ka (umiiyak)" sagot ko.
"Shhh. Tahan na hindi kita iiwan pangako" sagot niya.
AFTER 2DAYSS.
Pauwe na kame ng maynila at ang gaan pala sa pakiramdam nang nailalabas ang lahat ng nararamdamann feeling ko kakalabas ko lang ng simbahan at nagbawas ng kasalanan haha.
"Ready to go home?" Tanong sakin ni aly.
"Yes im ready" sagot ko.
Sumakay na kame ng van at habang papalayo kame sa mansion may isang babaae ang nakita ko mula sa balcony ng mansion.
Isang babaeng nakaputi at nakangiti sakin. Oo na sge na multo sya at kamuka ko sya malamang si lola yon.
Hawak hawak ni emmanuel ang aking kamay at nakatitig lang ako sakanya. Alam ko na hindi ako bibiguin ng taong to. Alam kong hanggang dulo ipaglalaban moko.
--------
Hi guys! Thankyou sa suporta! 😊💕
#COMEBACKHOME
#EMMANUELMARIA
#MBIAG
YOU ARE READING
MY BOYFRIEND IS A GHOST (NOT COMPLETED)
RomanceAPRIL 7, 2018 A SHORT STORY 💕 This story is based on what I read what I watching and what I experience yes. experiencing im inloved with the ghost na hindi naman normal para sa iba. pero when true love hits you no one who will judge you about what...