CHAPTER 19 (COMPLICATED PT.1)

165 4 3
                                    

Emmanuel"s Pov

Naglalakad kame ni maria. Kasama ko sya pero ung isip ko nasa iba.

Oopps. Mali kayo ng iniisip. Hindi ako nagiisip ng babae. Ang iniisip ko is yung lalaking kasama nila maria kanina. Yung...

PRIMO ang pangalan.

Iniisip ko sino siya? Bakit ganun na lang siya kung makatingin kay maria? May nakaraan ba sila? Ex ba niya?

Naguguluhan na ko. Sguro kailangan ko na magtanong...

"Huyy! Emmanuel!" Sigaw sakin ni maria na kanina pa pala may kinukwento.

"Ano yon?" Sagot ko. Wala talaga kase ko sa wisyo.

"Ay grabe! Kanina pa ko dumadaldal dito wala ka man lang narinig ni isa? Ang layo kase ng iniisip mo ano ba kase yon?" Tanong ni maria na mesyo naasar sakin.

"Sino si primo?" Tanong ko sakanya na wala man lang preno preno o pagentry man lang. Yun na agad lumabas sa bibig ko.

"Childhood friend ko sya. Hindi pa tayo magkakilala or hindi pa kita nakikita kame na magkasama niyan. Nawala lang sya nung pumunta sya ng america para dun mag aral" sagot ni maria

"E bat nandito sya?" Tanong ko.

"Dito na nya ipagpapatuloy pag aaral nya at take note kaklase natin siya" sagot ni maria na may halong saya at excitement sa muka niya.

"Ahh ganun ba?" Maikli kong sagot ewan ko ba sa tuwing nakikita ko syang masaya na hindi ako ang may gawa o dahilan naiinis ako sa sarili ko na pag niligawan ko si maria e alam kong maraming hadlang, oo maraming nagkakagusto sakanya dito pero proud ako na ako ang pinili nyang mahalin. (E ANG TANONG KAYO BA?)

HINDI PA KAME SA NGAYON pero diba pwedeng ganito na lang kame mahal namin ang isat isa pero hinsi naman kame?

Natatakot kase ko na sa oras na bawiin na ang hiram na buhay ko e masaktan lang si maria sa mangyayare.

At alam kong mangyayare yon. Wala na kong ibang choice kundi sulitin ang pagkakataon na binigay sakin ni mang luis.

Oo hindi ako normal. Di ko deserve tong buhay na meron ako.

MARIA'S POV

"bakit ba kase ang layo ng iniisip mo? At bakit naging interesado ka kay primo? Aha! Nagseselos ka no?" Pang aasar kong sinabe sakanya.

Ewan ko ba. Iba rin kase talaga feeling ng mahal mo bilang kaibigan ang mga to. Ang problema ung isa higit pa sa kaibigan turing ko.

Si primo? Malabo un ibang babaeng tipo non. Halos lahat ata ng ex's niya mga model sa america.

"Kung sabihin ko bang oo may magbabago ba jan sa nararamdaman mo?" Sagot ni emmanuel na natahimik ako at nagulat.

"Kung sabihin kong layuan mo, susundin mo ba ko?" Sunod na tanong niya dahilan para matigilan at matitigan ko sya.

Kitang kita ko sa mga muka niya anv lungkot at dismaya. Hindi ko alam kung bakit niya kailangan magselos ng ganito kay primo e hindi pa niya kilala ng husto si primo.

Hindi pa ba sapat na mahal ko sya at mas matimbang sya? Bat kailangan ko pang umiwas kay primo? Anong nagawa nung tao para layuan ko?

"Pero..." sagot ko pero hindi natuloy dahil agad nagsalita si emmanuel

"Pero ano? Hindi mo kaya? Alam mo bang malakas ang kutob ko sa primo na yan. Hindi sa masama ang tingin ko sakanya" sagot ni emmanuel

"Bakit ba? Hindi masama? Hindi paba masama ang tingin mo sakanya e pinapalayo mo nga ako sa bestfriend ko. Bestfriend ko sya emmanuel katulad mo" sigaw kong sagot sakanya.

Ewan ko ba galit ako na ewan. Naiinis ako na hahantong pa sa ganitong sitwasyon. Wala naman masama.

"Ayun na nga maria! Hindi mo kase ko naiintindihan kaibigan mo dun din tayo nagsimula at natatakot ako na baka one day sya na ang mahal mo at hnd na ko" sagot ni emmanuel para lalo akong magalit sakanya.

"Yan ba tingin mo sakin? Madaling makuha? Marupok? Alam mo naman kung ano ang nararamdaman ko! Hindi ako ganun klaseng tao para  makuha na lang basta basta! Kaibigan ko si primo at hanggang doon lang yun. Kung meron mang dapat mahalin ko e ikaw yon. Di pa ba sapat na nakikita mo ko araw araw na nakakasama para pagdudahan pa ko at ang kinikilos niya? Hindi pa tayo emmanuel pero nakakasakal kana" Sagot ko sakanya sabay alis. Hindi ko alam pero pag pinagpatuloy ko pa baka kung ano pa masabe ko sakanya.

Alam kong nasaktan sya sa sinabe ko. Gusto kong bumalik para bawiin yon pero mas pinangunahan ako ng galit at tampo.

Hindi man lang nya ko pinigilan o hinabol. Nasaktan ko nga sya. Sorry emmanuel.

EMMANUEL' S POV

Hahabulin ko sana si maria pero hindi na kaya pang gumalaw ng mga paa ko at hindi ko akalain na masasabe yon ni maria sa akin.

Aaminin ko nasaktan ako at sa pagkakataon to alam kong malinaw sakin na mas pinili niya si primo kesa sakin.

Napapraning na ba ko? Bakit ba ganito na lang ako magselos sa lalaking yon?

Mali ba yung ginawa ko? Mali ba ung kutob ko at kaba na nararamdaman ko?

Na baka mawala sakin ung taong mahal ko.

Tama ba na pagbawalan ko sya kahit hindi kame?

Nagbago ba ko? O talagang mahal ko lang sya kaya ultimo kaibigan nya pinagseselosan ko.

WALANG KAME pero....

Nawala ang atensyon ko kay maria nang may bumunggo saking babae

"Ay sorry" sagot ng babae sakin

Napatingin ako sakanya. Para kong nakita si maria sakanya. O baka naman naiisip ko parin si maria kaya ganun. Haysss.

"Okay lang" maikli kong sagot. Aalis na sana ko pero bigla nya kong hinarang.

"Wait Im nadine" sagot nya sabay abot ng kamay.

"Emmanuel" sagot ko pero diko siya kinamayan.

"Ahmm. Alam mo cute ka" sagot niya. Pero di na ko umimik. Ayokong makitang magalit ulit si maria sakin.

"Im taken sorry i have to go nice to meet you" mabilis kong sagot sabay alis.

LOYAL AKO KAHIT WALANG KAME HAHAHAHA

"Sungit mo! Gwapo ka pa naman." Narinig kong sabe niya.

Hindi ko na sya pinakinggan o sinagot pa. Wala na ko sa wisyo ang gusto ko ngayon magisip ng plano kung paano ako mapapatawad ni maria.

--
#MARIAEMMANUEL
#COMPLICATEDPT.1
#MYBFISAGHOST

*Marami pong salamat sa pag aantay ng next chapter neto. As much as possible sana po matapos na tong story na to this month. Sana sana hahahaha maraming salamat po 😊*

💑

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY BOYFRIEND IS A GHOST (NOT COMPLETED)Where stories live. Discover now