8

72 1 0
                                    

And yes, I'll wait him around 10 minutes? Nah it's already 20 minutes. He's a liar too or baka napatagal lang ang pagbili niya ng pinapabili ko sa kung saan.

Knock* knock*

" Come in asshole!" sigaw ko sakanya.

Pumasok naman si Jade at ng tingnan ko siya gulong gulo ang kaniyang buhok, nakakatuwa pang makita na nakapajama lang siya at nakasando lamang. And yeah he's kinda cute wearing pajamas, ang hot niya din tingnan sa sando niya.  God. Kong ano ano ng nasasabi ko sakanya.

" Ang cute mo" nasabi ko nalang habang nakangiti ako sakanya.

Lumapit naman siya sa tapat ng simula ulo hanggang paa kong salamin. " I'm not cute, I'm handsome. " pagyayabang niya, pero mas pinili ko nalang hindi sumagot at baka kong ano pang masabi ko sakanya. Ang hangin talaga.

Kinuha niya ang lamesang maliit at inilagay sa gilid ng baba ng kama ko. Inilagay niya sa ibabaw ng lamesa ang mga pinamili niya. Meron don mga junkfoods, may fries rin that i don't know kung saan pa siya nakabili ng fries sa ganitong oras? And specially wine.

" I thought 10 minutes lang? " Pagpaparinig ko sakanya " 20 minutes na ang nakalipas nung dumating ka " nakatingin ko ng sabi sakanya. Hindi sa nagrereklamo pero ni-aasar ko lang siya. May pa 10 minutes 10 minutes pa kasi siyang nalalaman, ano siya si flash? No way.

Tumingin siya sa clock na nasa dingding " Mabuti nga dumating pa eh. Wag kana nga mag reklamo" okay ang sungit talaga.

" Okey. So how about Brix, bakit di mo yon sinama?"

" Busy nga daw siya kulit?" sagot niya ng nakakunot ang noo. Napakasungit talaga! Kung babae lang siya i swear mapagkakamalan ko siyang may regla palagi.

Nang pumunta siya sa kitchen agad kong di-nial ang number ni Brix na nangunguna sa contact list ko.

Unang ring palang  sinagot na agad ni Brix.

" Hey? busy ka?"

" Di a? Bakit? Nakauwi kana ba?" aba teka sabi ni Jade busy si Brix. So sino ang sinungaling samin ngayon ha?

"  Yeah kanina pa. Asan ka?"

" Papuntang club Wahahah!" okay busy nga talaga ang gago na to.

" Psh. Mang hahunting ka nanaman!"
Pagsermon ko sakanya. God ito lang nakilala ko na kapag boring na boring sa buhay walang ibang ginagawa kundi mambabae. I mean hindi naman siya nag hahakot ng babae sa kung saan para you know-sex thing pero no his not that. Nag iinum lang siya while flirting and dancing with the girls.

" Always."

Pagkapatay ko ng tawag lumakad na ako papunta sa pwesto ni Jade. So ayun tumabi siya sa pwesto ko at sinimulan ng buksan ang alak na nasa harapan namin.

" Only 2 bottles lang"

Napa-pout ako " Why 2 only? Paano kong gusto ko pa?"

Umiling siya at tinakpan ang bibig ko ng kamay niya " Remember what I say to you before?"

Umiling ako. Wait aalahanin ko pa. Masyadong masakit ang puso ko damay utak ko. Lol ang drama nanaman.

" I kissed you again if i can't handle my tem—"

" Yah. Ha—ha. Okay stop that! don't you dare finish your line, it gave me goosebumps"

Tumango nalang siya. Yan good. Sinimulan nanaman tuloy akong kabahan. Humarap ako sakanya at sa gulat ko subrang ang lapit na pala namin sa isa't isa na halos muntik ko na siyang mahalikan. Ang lapit naman kasi e! Tumitig muna siya saakin bago niya ako layuan ng kaunti kaya wala akong nagawa kundi tumingin sa ibang direksyon.

Nakakailang talaga siya.

Pero bakit kay Brix hindi naman ako naiilang, hinahalikan pa nga ako ni Brix sa noo eh pero wala naman akong nararamdaman na kaba kapag ginagawa niya yon. So tiningnan ko si Jade and say..

" Kiss mo nga ako sa noo" utos ko sakanya kaya naman napatingin siya saakin ng seryoso.

"Ha?"

Tinuro ko pa ang noo ko sakanya " Kiss me in my forehead"

Napapikit nalang ako ng lumapat iyung bibig niya sa noo ko, at oo nandoon parin yong feeling na kaba at panlalambot ng buong katawan ko. Nakakapanghina. Bakit ganito? Bakit ganito nalang kung kumilos itong katawan ko?

Lumayo na siya saakin at iniabot saakin ang sarili kong alak kaya agad ko namang kinuha at tinagay iyun. Ang init parin sa lalamunan katulad nang naramdaman ko dati nong una  akong uminom. Shit. Sabi ko pa naman sa sarili ko na hinding hindi na ako iinum kahit kailan pero..what now?

" Sana pag-kaubos ko nito, ubos narin yung sakit ng nararamdaman ko" inom ulit sabay yuko.

"Bakit ano bang nangyari? Bakit pati ang tagal mong nawala kanina? Tagal naman ng usapan niyo? Nga pala yung bag mo —— hey umiiyak ka? Bakit ka umiiyak?" Ramdam kong lumapit nanaman siya saakin at hinimas-himas ang likodan ko.

*No One's POV.*

Nagulat ang binata ng ibinagsak ng dalaga ang alak na hawak nito kaya't nabubo lahat ang laman na alak nito sa sahig.

" Okey ka lang? Bakit ka umiiyak?"
Bakas sa binata ang pag-aalala sa dalaga na bigla bigla nalang umiyak sa di niya malaman na dahilan.

" I'm such a liar Jade. Liar " sabi ng dalaga kahit na pahikbi hikbi pa.

Walang tigil ang dalaga sa kaiiyak kaya wala din siyang tigil sa pagpapatahan dito. Ngalay na ang kamay niya kadadampi sa likodan ng dalaga pero di parin siya titigil hanggang hindi ito tumitigil sa pag iyak.

" J-Jade" umiiyak nitong sabi.

Nagulat siya ng yapusin siya ng dalaga ng subrang higpit. Sa buong buhay niya pangalawang beses niya nang nararamdaman ang kakaibang pakiramdam na nararamdam niya sa tuwing si Aizel lang ang gumagawa non. Pinipilit niyang isipin hindi siya nabibihag sa dalaga. Dahil sa una tinutulungan niya lang naman itong makalimot sa sakit ng nakaraan niya.

" Summer are you all right?"

" No, always no Jade " mabilis na sagot ng dalaga sakanya.

" What's wrong? May nasabi bang hindi maganda sayo yung Ex mo kanina?"

Magkayakap parin sila ng dalaga at ramdam na ramdam niya ang mga luhang pumapatak sa damit niya. Hinimas himas niya nalang ang likod ng dalaga ganon din sa buhok.

" He just want to marry me not because he love me because he want to stay in Philippines for Wella. I thought his still have a feelings for me but I was wrong "

" Shhh. Don't cry of that man. He don't deserve your tears "

Lalong humigpit ang yakap ng dalaga sa kanya at umiyak nanaman ito ng malakas.

" Binastos niya ako Jade. I hate him " sabay iyak ng dalaga ng subra subra.

" Paanong binastos ka? " tumayo ang binata sa harapan ng dalaga at hinawakan sa tig-kabilang balikat ang dalaga. " Kaya ba paga ang mata mo? Kaya ba malungkot ka ng dahil sa gagong yon? Sabihin mo sakin, anong ginawa sayo ng fucktard na yon!"

Umiling ang dalaga sakanya.

" Tell me Summer. Akong bahala sakanya. Gago pala yon e babae ka dapat nirerespo hindi ginagago lalo nang hindi binabastus!"

Napatingin sakanya ang dalaga at dahan dahan itong tumayo. Inaantay niyang magsalita ito pero nagkamali siya ng akala niyang iimik ito. Nanlaki ang mga mata niya ng bigla siyang halikan ng dalaga at subrang idiniin pa nito ang labi ng dalaga sakanya.

Muli nanaman niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na ayaw niyang maramdaman kapag si Aizel ang rason nito.

You Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon