Bwisit bwisit bwisit! urgh! Bwisit kainis! Nasan na ba yon? Alam mo yong nakakainis? Sabi ni Ma'am magugustuhan daw namin ang activities ngayon, but hell! Anong kinagusto ko dito? WALA! AS IN WALA!Paghanapin ba naman ng mga baryang pera sa ilalim ng dagat. Letche! Ang init pa naman nang araw mabuti nalang nalagyan ko ang katawan ko nang lotion pang protect sa sun. Nagsisid ulit ako at tuwang nakakuha nanaman ng barya. Hindi naman masakit sa mata yung tubig dito at super linaw nag blueblue na nga eh. Ang ganda.
Dahil kanina pa naman ako may nakukuha at napapagod na ako naisipan kong umahon na at pumunta sa kagrupo ko para ibigay yung mga baryang nakuha ko kanina.
" Wow ang dami nang sayo Aizel"
Bati sakin ng kaklase kong babae.Nginitian ko nalang ito at saka na pumasok sa Hotel na aming tinutuluyan sa ngayon. Pumunta ako sa room at naligo na.
Matapos kong ayusin ang sarili ko nag-sipasukan naman ang ibang classmates kung di ko masyadong ka-close kaya di ko nalang sila pinansin.
" Nakita mo ba kanina yung nangyari?" sabi ni Mela habang nagsusuklay.
Nilingon naman siya ni Moira ng walang ka-emosyon emosyon " Sila Jade at Wella ba? Psh!"
Para namang biglang nanlaki ang tenga ko at gustong makinig bigla sa pinag-uusapan nila, umupo ako sa gilid ng kama habang sila nasa may tapat ng bintana kung saan kita ang mga tao sa labas.
" Ang sweet ni Jade kanina kay Wella! Putek yan sana ako nalang!" kinikilig na banggit ni Mela
" Lol! As if! At saka mag Ex kaya sila like duh? Malay ba nating meron parin palang something sa kanila"
Napaubo ako dahil sa nasabi ni Moira na ikinatingin naman nilang dalawa.
" Ayos ka lang Aizel?" Tumango naman ako at saka tumalikod sa kanila.
" Sana ako nalang niligtas niya kanina wahhh!" tili ni Mela.
Niligtas? Kunot noo akong napatingin sa kanila. About san ba pinag-uusapan nila bakit parang di ko alam?
Tinapunan lang naman nang masamang tingin ni Moira si Mela. Si Moira sadyang straightforward yan at may pagkamataray kaya medyo kabisa ko nadin ugali niya kahit di kami close. Which is ganyan ang gusto ko sa mga kakaibiganin ko.
Like her.
" Alam mo kasi Mela. Di ko alam kong sinasadya or hindi ni Wella ang nangyari kanina at saka ang BABAW lang kaya nang pinag sisidan natin kanina? Nasa 4 feet or 3 feet nga lang ata yon?"
Umiling si Moira at tumingin saakin " OA lang talaga si Wella, gagawin lahat makapag-papansin lang sa Ex niya, right Aizel?" nakangisi nitong banggit saakin.
Di ako sumagot at nakatulala lang habang iniisip lahat ng pinag-usapan nila simula una.
Lumabas akong wala parin sa sarili. Niligtas? At kailan pa siya naging saver? Bayani? The heck! Lalong nag-init ang ulo ko nang makita ko sila Wella at Jade na magkatabi sa duyan.
Really? Ang alam ko by sections lang dapat ang magkakasama? Bakit nandoon ang gagong yo—
" Jealous?"
Sinamaan ko ng tingin si Adrian.
Himinga siya ng mamalim at tumingin din kela Wella at Jade " Alam mo, may mga taong dapat iniiwasan nalang makita"
" Katulad mo" Bulong na sabi ko.
" Look at them, their cute couple right?" sabay tingin saakin ni Adrian.
" I-im sorry I have to go"
Tumakbo ako papalayo kay Adrian hanggang sa mapad-pad ako at dalhin ng sarili kong paa sa puro batuhan.Habang nakaupo, bato ako nang bato sa dagat.
" Mahal mo ba talaga ako?" sigaw ko
Bumato nanaman ako pero binalik lang naman ng alon ang batong pinangbato ko kanina.
" I think No. Kasi kong mahal mo ako kusa ka nang lalayo sa kanya—kay Wella"
Bumato ulit ako ng malayo
" Handa akong kalimutan si Adrian para sayo pero a-ano tong ginagawa mo? "
Napatingin ako sa huling batong hawak ko, tumayo ako at huminga nang malalim.
" Jade—m-mahal na din kita" Tinapon ko sa malayo ang bato at mapait na ngumiti.
" Mas mahal kita"
My heart start moving past when I suddenly hear his voice. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at nang magtama ang mata naming dalawa namutla ako at nagsimula nang tumibok nang mabilis ang puso ko na halos marinig ko na ito.
Lumapit saakin si Jade at niyakap ako nang mahigpit.
" Mahal na mahal din kita Summer"
"J-jade"
" Shhh." pagpapatigil niya saakin
Pinapakalas ko naman siya sa pagkakayakap saakin pero dahil mas malakas siya saakin ay di ko siya mapaalis sa pagkakayakap sakin nito
" Rinig ko, narinig ko ang sinabi mo"
I gulp " All I say?"
Umiling siya" Last part, yung sinabi mong mahal mo din ako" ramdam kong ngumiti pa siya non nang sabihin niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap saakin at iniharap ako sakanya habang nakahawak naman ang dalawang kamay niya sa tigkabilang pisngi ko
" Thank you Summer. Thank you for loving me back"
Animo'y para akong istatwa at hindi alam ang kasunod na gagawin at sasabihin.
" Thank you Summer. I'll do my best to make you move on in Adrian.Gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang siya promisee"
Ngumiti naman ako at napaluha nang biglaan.
" Hey! Why are you crying?"
Ngumiti nalang ulit ako ng pahidin niya ang luhang pumatak sa pisngi ko.
Tinitigan ako ni Jade at nginisian ako " So? Wala na bang ligawan na magaganap? Beside...mahal mo din naman pala ako?"
Di ako sumagot. Di ako makasalita. Ugh! Ano bang nangyayari saakin? Pero alam ko sa sarili kong subrang ang saya saya ko din tulad niya.
" Ugh! Summer naman. Wag mo naman akong pahirapan pa. Seryoso ako sayo at lahat gagawin ko para sayo dahil ganyan ako kaseryoso sayo"
Tumingin ako ng seryoso sakanya
"You do everything for me? Are you sure?"" Yes!" mabilis na sagot niya.
" Then move away on Wella"
Sumeryoso ang mukha niya pero agad napaltan nang ngiti iyon at saka ako niyakap ng mahigpit, kinagat niya ang likod nang tainga ko dahilan para makiliti at magkaroon nang kumukuryente sa katawan ko. Omygod!
" Sige"
Ngumiti nalang ako at niyakap nadin siya.
BINABASA MO ANG
You Changed Me
Teen FictionMaaring di madaling mag move-on sabi nga ng iba pero sa totoo mas mahirap magmahal ng iba ng hindi kapa tapos magmahal sa isa. COMPLETED ©Theang