2

129 2 0
                                    


Nakaupo ako sa armchair ko ng may sumapak sakin sa ulo. Sinundan tingin ko lang si Brix habang papaupo sa upuan niya. Nakakabobo kaya kapag palaging nasasapak ang ulo hays.

"Iniisip mo nanamam Ex mo no?"

" Hin–"

" Wag mo ng isipin,  hindi kana mahal non" then he laughed so hard  mabilaukan ka sana tsk.

" I know Brix, wag mo ng ipamukha pa!" singhal ko naman sakanya.

Tumawa ng tumawa naman siya kaya umub-ub nalang ako. Nang mapansin kong parang nanahimik na si Brix saka ko lang narealize na may tinititigan siya kaya tumingin din naman ako sa tinitingnan niya.

" Pareeeeeeeeee! tangina pareeeee dito kana?" tumayo si Brix sa upuan niya at inambahan ang nakangiting si Jade. Magkakilala sila? Well i didn't know that huh.

Inaya niyang pumunta sa pwesto namin si Jade. " Dito ka nalang sa tabi ni Zel ha? May nakaupo kasi sa tabi ko." pagbanggit sakanya ni Brix.

Tumingin sakin si Jade pero I have no reaction lang.

" Ayos lang bang dito ako umupo? Well kung ayaw mo siguro ahm" lumingon siya sa kaliwa't kanan harap at gitna at tumingin ulit sakin
" Dito parin ako. Walang vacant chair e " sabay kamot niya sa ulo.

I laughed of what he say, may pagka joker rin pala ito but his cute.  " Okay no problem" Wala sa mood kong sabi saka umub-ub ulit.

Pagkaub-ub ko narinig ko pang may binulong ang gagong si Brix kay and Jade. " Pagpasensyahan mo na yan ha? Ganyan talaga mga taong di parin makamove—"

Inangat ko ang ulo ko at sinamaan ng tingin si Brix. Magsisimula nanaman ng ingay ang isang to. Binabawi ko na yung sinasabi ko, hindi masarap sa feeling na may boy bestfriend ka kasi minsan ang sarap rin nilang kitilin ng buhay dahil lagi lang binibwisit ang buhay ko.

" What? What did you say? " Nanlilisik na tanong ko kay Brix.

Hindi naman sumagot si Brix at tuloy iwas lang ng tingin sakin sabay sipol psh. Uub-ub na ulit sana ako ng magsalita si Jade.

" Hindi ka parin ba nakakamove on?"

Sa subrang asar ko tumayo ako at hinarap silang dalawa. Nakatitigan ko pa sa mata si Jade. Shit brown na brown yung eyes niya ang ganda. Pero no! Galit ako di mapapawi ng brown eyes niya ang galit ko, di ako nagpatinag at tuloy sinamaan sila ng tingin. " Oo di parin ako nakakamove on at hanggang ngayon hirap padin ako mag move on! Okey na? happy Brix?" Sabay tingin ko kay Brix ng masama.

He just gulp at umupo nalamang saka nag maang-maangan nagbabasa ng books. Ang kupal na to ma-lbm sana mamaya.

Lumingon naman ako kay Jade na nakatitig parin sakin. " Tinitingin-tingin mo diyan?" Singhal ko sakanya. Mang iinis din ba siya?

"Aizel Summer right?"

Kumunot noo lang ako.

" I'm Jade Cortijo"  sabi niya pa.

Wala akong balak makipag-shake hands sakanya pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at saka ni shake ng ni shake. Napanganga ako sa ginawa niya.

" Nice to meet you again Ms. Summer"

Inagaw ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Hindi sa pagiging masungit ngayon pero nakakabeast mood talaga ang gagong Brix na nakangiting nakatingin saamin.

" May nakakangiti ba samin? Look at your face your so ugly psh!" sabi ko.

" Ang cute niyong dalawa. Mas bagay  sayo si Pare kesa sa manloloko mong Ex "

Walang anumang tiniik ko siya sa leeg sa subrang inis magmulat una. Tumigil lang ako ng mapansin kong pumasok na sa classroom ang kaisa-isang lalaki sa mundo na hanggang ngayon mahal ko parin.

Si Adrian. And yes we're classmates :(

" Muntikan na akong di makahinga!" Pagalit na sabi sakin ni Brix.

" Dapat nga natuluyan kana!" sigaw ko naman sakanya.

Maya maya nakaramdam ako ng may kumuwit sakin sa tagiliran " Problema mo?" Tanong ko kay Jade

Tinuro niya si Adrian kaya kumunot ang nuo ko " Classmate pala natin yan?"

Napasimangot ako habang tumatango-tango sakanya.

" Hay." sabay ayos ng upo niya.

" Why do you ask?" i asked.

Lumingon siya sakin " Mahirap nga talaga mag-move on kung yung taong gusto mong kalimutan ay lagi mo namang nakikita tsk tsk poor Summer. "

Alam niyo ang hilig niyang humugot pansin ko lang. Daig niya pa ang babae sa hugutan e. Pero isa pa siyang pinamumukha saakin na ang hirap talaga mag move on sa taong may mahal ng iba. But his right. Subrang hirap talaga at di ako maka-concentrate sa pag aaral it because of that asshole.

Pero panong nalaman niya ang tungkol sa past namin? Tsk. Paano pa nga ba? Tumingin ako ng masama kay Brix na tinaas-taasan lang naman ako ng kilay.  Jablo talaga.

You Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon