At kahit nanghihina na ako, buong lakas akong tumayo at gumanti kay Adrian, nasuntok ko naman siya sa mukha at susuntukin ko na sana ulit siya ng may sumigaw .
" STOP!"
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Brix at Summer na nakatayo sa may pintuan. Awang awa ang tingin niya kay Adrian at nang tumingin siya saakin bigla siyang sumeryoso. Teka? Bakit ganyan siya makatingin saakin? Ginawa ko lang kong ano ang tama para hindi na ni Adrian ulitin ang pang babastus nito sakanya.
"What the hell are you doing?" tanong niya saakin. She looked so mad. Habang naglalakad si Summer ay tumingin saakin " Jade sabi ko sayo diba? Just don't, pero ginawa mo parin!" sigaw niya sakin.
Nang akala ko sakin siya lalapit kay Adrian siya dumeritso. Kumirot ang puso ko nang mas unahin niya ang gagong yon kesa saakin. Hinawakan niya ang mukha ni Adrian at sinuri ang mga suntok ko doon.
Gumanti ako para sakanya tapos ganto? Mas yun pa uunahin niya? Fuck!
" Adrian a-are you o-okey?"
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Bago sumagot si Adrian ngumisi muna siya saakin na ikinainis ko.
" Tangina yang boyfriend mo pag-sabihan mo nga! Inaano ko ba yan?" tanong nito kay Summer.
Tumingin saakin ng masama si Summer sabay balik ng tingin kay Adrian " Hindi ko siya boyfriend."
Tuluyan akong napaluhod dahil sa narinig ko galing sakanya. Totoong di niya ako boyfriend pero sana naisip niya manlang kong anong sinapit ko sa Ex niya para lang ipagtanggol at ipaghiganti siya. Hindi ko inisip na ganito pa ang ipapalit niyang ganti saakin, ang layo sa salitang 'thank you'.
Wala siyang kwenta.
Walang siyang utang na loob.
Tumakbo papunta saakin si Brix at tinulungan akong tumayo. " Hatid na kita sa clinic pre"
Gabi na ng umuwi ako sa condo ko buong hapon nandoon lang ako sa loob ng clinic. Kahit nakakainis na sa kabilang side ko lang sila Summer at Adrian tiniis ko para sa mga sakit na ininda ko kanina.
Mga usapan nilang kanina pa pabalik balik sa isipan ko. Tangina talaga!
" Ayos ka lang talaga? Masakit pa?" Boses ni Summer na halatang nag-aalala talaga, pero sariling kaibigan, kaibigan nga ba? Sariling ako di niya manlang kinamusta.
" Ayos lang ako. Wag mo akong intindihin." sagot ng gago.
" Sorry dahil saakin nagkaganyan ka, hindi ka dapat nandidito "
Napapikit ako ng mariin ng masabi yon ni Summer. Gagang Summer na ito! Siya na nga binastus siya pang nag sosorry? Maling mali naman ata? Nasan na ang utak niya? Nasa talampakan ba? O baka hindi niya nadala bago siya pumasok sa school. NAG IISIP BA SIYA KAHIT KUNTI SA MGA PINAGSASASABI NIYA. TANGINA!
" Akala ko kayo non? Di pala. So may chance pa rin pala akong makipag-balikan"
Gusto kong umupo at sumugod sa dalawa pero nanginginibabaw ang sikmura ko na hanggang ngayon masakit parin. kahit may bandage walang epekto.
" A-adrian?"
" Shhh. Di kita minamadali sa sagot mo. Take your time para pag-isipan kong papayag ka pa sa alok ko. And when you said yes, I will back to you.And marry you Love"
Sinuntok ko ang pader dahilan para dumugo ang kamao ko. Humiga ako sa kama ng dahan dahan at saka malalim na huminga. Napangisi ako ng maalala ko ang mga pangyayari kanina.
" Walang kwenta ang taong pinaghiganti ko kanina. Walang kwenta" at saka ako pumikit.
Hindi ba iniisip ni Summer na gagamitin lang siya nito para manatili
si Adrian sa Pilipinas dahil kay Wella? Siya na mismo ang nagsabi na ganito lang ang gagawin sakanya ng lalaking yon tapos...jesus christ nakakabaliw ka Summer.
BINABASA MO ANG
You Changed Me
Teen FictionMaaring di madaling mag move-on sabi nga ng iba pero sa totoo mas mahirap magmahal ng iba ng hindi kapa tapos magmahal sa isa. COMPLETED ©Theang