18

65 2 0
                                    


Kinabukasan papasok pa lamang ako sa school nang biglang may umakbay saakin, nilingon ko kong sino yon at nagulat ako nang malamang si Adrian. What the fuck?

" A-adrian?"

First of all, simula ng naging mag Ex na kami ngayon lang siya umakbay saakin, because lately palagi siyang nakadikit kay Wella kaya nagtataka ako kung bakit dikit siya ng dikit saakin.

" Hi Ex"  nakangiti niyang sabi.

Ew

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang naka akbay saakin " B-baka makita tayo ni W-wella"

" Uh? Si wella? Tsk hayaan mo siya" sabi niya lang.

Umiling ako at inunahan siyang maglakad pero agad din naman siyang nakasunod saakin kaya lumingon ako sakanya.

" Please Adrian keep distance"

Tumawa naman si Adrian at umakbay nanaman saakin " Distance? Psh di na kailangan"

Sinamaan ko siya ng tingin " Baka makita nga kasi tayo ni W-well—"

" Di na kami" seryosong sabi niya.

Napatigil ako maglakad at tumingin sakanya. " Seriously?"  Tumingin ako sa ibang deriksyon. Di ako masaya bakit ganon?

" Nakipag-break siya sakin"

Lumakad ulit ako at sinundan niya nanaman ako " Then ako naman kukulitin mo?" inis na sabi ko. At saka ano naman kong wala na sila? Anong connect ko pa sa buhay nila? Kasi ang pagkakaalam ko wala naman akong konektado na sakanila lalo na sakanya.

" Oh bakit ganito naman gusto mong mangyari diba? Ang landiin ulit kita?"

Di ako nakapagsalita, dahil don sa nasabi niya nasaktan ang puso ko. Parang dinurog niya nanaman ang puso paunti-unti dahil nagbabalik nanaman siya para saktan at lokohin ako pero...pero pinapalabas  niya bang malandi ako? Oo may pagkamalandi ako pero di ako ganon kadesperada!

Nagklaklase na kami ng dumating nang sabay sila Wella at Jade. And worst pa don, nakapulupot iyung kamay ni Wella sa braso ni Jade. Saka lang inalis ni Wella ang kamay niya nang pumasok na si Jade sa classroom namin.

What the hell happening on them?

Tinaasan ko nang kilay si Jade pagkaupo sa upuan niya katabi ng upuan ko.

" Anong meron?" masungit na sabi ko
Pero ang tinutukoy ko ay yung silang dalawa ni Wella kanina. Bakit sila magkasabay pumasok? Bakit!

Tiningnan niya ako sa mata " Si Brix wala pa?"

I rolled my eyes. " Hindi si Brix ang pinag-uusapan Jade." pag-papaalala ko.

" Ah oo may pupuntahan nga pala yon chat sakin kahapon"

" Ewan ko sayo!" saka na ako nakinig sa naglelecture sa unahan.

Kakabwisit! Halatang iniiwasan yung tanong ko.

Wait? Bakit ba ganito ang ini-aact ko ngayon? Weird.

Nililigpit ko na ang gamit ko nang may kumalabit saakin.

" What?" I asked on Jade. Tsk tampo parin ako sakanya kasi hindi ko din alam. Siguro dahil hindi niya sinasagot ang tanong ko kanina kung bakit sila magkasabay ni Wella pumasok.

" Tara mag rerecess" akit niya saakin.

" Si Wella akitin mo hindi ako" mataray na sabi ko.

Pinaharap niya ako sakanya at sinabing " Ah sige wait lang"

Umalis siya at naiwan akong nakanga-nga sa sinabi niya. Ah sige wait lang?  What the... Seryoso sinunod niya yon?

Nakabusangot ako habang nanunuod sa mga tao sa loob ng classroom. Geez bakit ngayon ka pa nawala Brix! I need you. I feel alone. Hays.

Nagulat ako nang may bumagsak na plastic sa harapan ko, tiningala ko kung kaninong kamay ang nakahawak doon at namula ako nang si...

" Jade? Ano yan?" I asked.

Umupo siya sa tabi ko at nilabas lahat nang nasa loob nang plastic, ice cream na tig-50 pesos, Extreme na tatlo na biscuit tapos yakult na 2 ang nandoon.

Napanga-nga ako sa mga nasa harapan ko. " Is this all for me?" Nakanganga ko paring tanong sakanya. Well im feel surprised, i didn't expect that he will buy foods for me. Akala ko isasabay niya talaga si Wella sa recess time niya, thanks God at hindi niya ginawa kundi lalo ko siyang susungitan.

Pinagdikit niya naman ang bibig ko dahilan para ikagulat ko.

" Ayaw mo akong samahan e. Oh ayan baka kasi magutom ka kaya pinagbili narin kita"

Hinanap ko ang wallet ko at aabutan ko na sana siyang pera nang pigilan niya ako.

" How stupid you are. I don't need your money!  May pera din ako"
Kunot nuo niyang sabi sakin

" Pero—"

" No but's instead say thank you" nakangiting sabi niya sakin

" T-thank you Jade"

Ginulo niya lang naman ang buhok ko. Nagsimula na akong kumain ng mga binili niya nang maramdamang kanina pa siya nakatitig saakin.

" Huwag mo nga akong titigan!" utos ko sakanya

" Bakit masama ba?" sagot niya habang nakahawak ang kamay niya sa pisngi.

Uminom naman ako ng yakult bago sumagot sakanya " Yah. I feel awkward"

Ngumisi siya " Ang cute mo kasi" then he pinch my right cheek.

"Ang cute mo kasi"

"Ang cute mo kasi"

"Ang cute mo kasi"

Okey! That's enough!  (っ´▽')っ

Nabalik lang ako sa katinuan ng mag-paalam siyang mag Cr. Pagkaalis na pag-kaalis niya si Adrian naman ang lumapit saakin.

" Aizel gusto ka daw makita nang parents ko mamaya"

Nabitawan ko yung extreme at napakurap-kurap kay Adrian.

" Ako o si Wella? B-baka si Wella ha-ha!" nag fake pa akong tumawa kahit nakaramdam na ako ng kaba.

" Ikaw Aizel ang gustong makita, alam mo naman napalapit sayo mga parents ko diba?" sagot niya bigla

Kumamot ako at umiwas ng tingin " Ano...ahm ano kasi"

" Sumama kana"

Napatingin ako kay Jade na nasa likod ni Adrian. Kinunutan ko to ng noo dahil sa sinabi niya pero di niya lang ako pinansin.

Nang makaalis si Adrian sa tapat ko kita kong binangga niya si Jade bago niya ito lampasan. Nang makaupo si Jade sa tabi ko ay agad ko siyang kinurot sa tagiliran

" Arayy Aizel!"

" Ayoko ngang sumama tapos pinapasama mo naman ako?" inis na sabi ko sakanya

" Tsk. Hayaan mo na."

Mas lalo kong diniinan ang kurot ko sakanya " Sasama ako pero pagkatapos non tulungan mo na talaga akong mag move on sakanya"

Napatigil siya sa pag-aray at tumingin saakin ng seryoso.

" Liligawan na kita pagkatapos non"
Seryoso niyang sabi

" L-ligaw?" ramdam kong nag-iinit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin saakin " Kong payag ka?"

Kinuha ko yung kamay ko sakanya at uminom nang yakult ulit. Pagkatapos kong maubos lahat nang mga pagkain saakin, tumayo ako at humarap sakanya.

" Tapon ko lang to" tukoy ko sa mga basura upang maka-ligtas sa puro awkwardness na nagaganap ngayon.

Nang makalabas na ako, tudo pinaypayan ko ang sarili ko dahil ramdam kong subrang nag-iinit ako, hinawakan ko din ang dibdib ko at subrang bilis ng tibok non.

" Ano na?"

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Jade sa gilid ko kaya't napalayo ako ng kaunti sakanya. Inunahan ko naman siyang bumalik nang classroom at don umub-ub.

God. Kayo na po bahala saakin.





You Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon