Kinakabahan akong lumingon kay Adrian habang nagmamaneho ng sasakyan, gusto kong sabihin sakanyang ayaw ko nang tumuloy pero baka pagmulan lang namin ng away iyon kaya mas pinili ko nalang manahimik.
" Sasama ka sa camping sa Baguio?" biglang tanong niya.
Tumango ako at tumingin nalang sa bintana. Ayaw ko talagang tumuloy.
Napaisip naman ako kasi sa next friday na ang camping namin, yes! mas don ako na eexcite kesa sa pupuntahan ko ngayon, oo dati lagi akong excited kapag mag me-meet kami ng mga parents ni Adrian, but now? Hindi ko alam kong bakit ayaw na ayaw ko talagang sumama ngayon.
Kasi ano pang mukha ang ihaharap ko don? Wala na akong karapatan pumunta don kasi hindi na kami ng anak nila.Sa gitna ng katahimikan ay bigla na lang may nag text sa cellphone ko.
To : Jade
Akin ka na Summer.
Ingat kayo baby.
Did he called me baby?
Napangiti naman ako pagkatapos kong mabasa ang text niya. Ang lokong yon? Pfft.
" Aizel"
Tumingin ako kay Adrian habang nagdra-drive " What?" i asked.
Di parin nagbabago si Adrian, subrang gwapo niya padin katulad nang dati, at hindi ko maitatangging mas lalo pa itong gumwapo ngayon.
Pero wala eh kahit anong gwapo pa ang meron siya kong manloloko siya at gago wala rin." Nakailang years nga tayo dati?"
Napatabingi naman ang ulo ko at wala sa sariling sinabing " 4 years mahigit?"
Kita kong ngumisi siya't tumingin saakin " Sayang pala, nakakapang-hinayang"
Napatikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya. God! All this time ngayon lang siya nanghinayang? Wow! Ako nga simula una subrang nanghinayang. Ang landi niya kasi.
" Ang tagal pala natin dati no? psh. Kakainis lang isipin na hanggang ala-ala na lang yon."
Nakatitig lang ako sakanya habang umiimik hanggang sa di ko narin napigilan ang sarili kong questionin siya.
" Bakit kasi naghanap ka pa ng iba? Di ka pa ba nakuntento sakin noon?" seryoso kong sabi.
Parang bumalik lahat lahat ng sakit ng naramdam ko sakanya dati, para bang kahapon lang ito nangyari na ayaw ko nang balikang muli.
Umiling siya at tumitig ng ilang sigundo saakin " Siguro tanga lang ako at nabihag ako sa maling tao para lang iwan at saktan ka. Sorry Aizel"
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.Don't do this Adrian please..
I want to start to forget about the past of us. But what the heck are you doing now?" Were here" sabi niya ng makarating na kami sa tapat ng bahay niya.
Pagkapasok namin sa loob ng pamamahay niya ay laking gulat ko nang sumalubong agad saakin sila Tita at Tito at pinasadahan ako ng mahigpit na yakap.
" Aizel You came! I really miss you" Tita said.
Im simply gave her a simple smile.
Nginitian naman ako ni Tito at halata din sakanyang natutuwa dahil dumating ako.
Kumakain kami nang mapansin kong kanina pa sila sakin tingin ng tingin at naiilang na ako don! Yumuko nalang ako at tumingin sa pagkain
" Kamusta kaNa Aizel?" tanong ni Tito saakin
Ngumiti ako at sinabing " Okey lang naman po"
" May bagong boyfriend kana ba?"
Halos mabilaukan ako sa tinanong ni Tita. Ano ba namang klaseng tanong yan!
Saglit akong tumingin kay Adrian na nakatingin din naman saakin sabay balik nang tingin kaya Tita " W-wala pa po"
Ngumiti si Tita saakin " Bakit hindi nalang kayo magbalikan ng anak ko?"
Halos mabilaukan ako sa biglang nasabi ni Tita saakin. Seriously? Hindi niya ba alam kong paano ako sinaktan ng anak niya? Godness.
" Ah eh—"
" Mom let's not talk about this"
Napahinga naman ako ng malalim nang sumingit sa usapan si Adrian. Tiningnan ko si Adrian at simple lang niya akong nginitian.
Matapos naming kumain, nagpaalam na akong uuwi dahil gabi na at may pasok pa bukas.
" Thank you for dropping me here" nakangiting sabi ko kay Adrian.
" Aizel..."
Lumingon ako pabalik sakanya habang nakasandig siya sa sasakyan niya.
"Uhm?"
Lumapit siya sa kinatatayuan ko at hinawakan ang kamay ko.
" I'm sorry" nakayuko niyang sabi
Kumunot naman ang nuo ko pero pinaltan ko kaagad yun na may halong pagtataka
" S-sorry? Sorry for what?"
Humigpit naman ang kapit niya sa kamay ko at naramdaman ko nalang na may pumatak na mainit na tubig sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko at tumingin sakanya.
" A-are you crying? why?" tanong ko sakanya.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Anong nangyayari sakanya? Why he act like this?
" A-adri—"
" I'm sorry Aizel." Lalo niya pang hinigpitan ang yakap saakin at ramdam na ramdam ko ang paghinga niya ng malalim " Sorry dahil nasaktan kita, sorry kong lagi kitang iniiwasan sa school, sorry kong pinagpalit kita sa iba, sorry dahil iniwan k-kita. Im sorry "
Di ko rin naman napigilan ang sarili kong di mapaiyak habang yakap yakap niya, bakit ganito? Bakit masakit parin? Ang dami na naming pinagsamahan sa apat na taon at hindi ko maitatanging subrang ang hirap kalimutan at ibaon sa lupa ang lahat ng alaala namin noon.
Hinimas-himas ko naman ang likod niya upang matigil ito sa paghikbi " It's all right, it's just of our past moments" pilit akong ngumiti ng magkatitigan kami.
Umupo siya sa may gate at sumandal doon " Wag mong isiping di kita minahal dati, pero ang totoo mahal na mahal kita, natuwa din ako nang mapahal din sayo ang mga magulang ko, simula nang pinagpalit kita kay Wella doon na nagbago ang lahat..lahat lahat"
Umupo din naman ako sa tabihan niya at saka ko siya masin-sinang tinitigan.
" Adria—"
" Sana pala di nalang kita iniwan no? Sana pala di nalang kita pinagpalit sa iba, edi sana hanggang ngayon tayo pa? Pero anong ginawa ko? psh—" kasabay nang pag ngisi niya " Pinagpalit lang kita sa babaeng walang kwenta kundi lokohin at gamitin lang ako. Ngayon ko lang na realize kong—kong gaano kayo magkaiba ng ugali ni Wella, at ibang-iba ka sakanya"
Walang kurap niya akong hinawakan sa tigkabilang pisngi ko at automatic akong di na nakagalaw pa.
This man.. Anong gagawin niya?
" Aizel..."
Nakatitig siya saakin dahilan para bumilis ulit ang tibok ng puso ko,gantong ganto din ang nararamdaman ko dati magmula nang mainlove ako sakanya.
Mga panahong mahal ko pa siya
" Aizel handa akong magbago, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko,handa akong mahalin kang muli ang tanong handa kabang mapasaking muli?"
Seryosong seryoso ang mukha niya habang nagsasalita siya at tinatanong saakin ang bagay na yan. Bagay na hindi ko kayang mabigyan nang kasagutan.

BINABASA MO ANG
You Changed Me
Teen FictionMaaring di madaling mag move-on sabi nga ng iba pero sa totoo mas mahirap magmahal ng iba ng hindi kapa tapos magmahal sa isa. COMPLETED ©Theang