" Oh sino pang wala? Lahat na ba nandito?" Sigaw ni Ma'am samin habang nasa pinakaunahan siya ng bus.
" Si Adrian at si Jade nalang po ang kulang oh bale si Jade nalang po ang kulang Ma'am"
Napatingin kaming lahat kay Adrian na papaakyat ng bus, naghahanap to nang mauupuan nang magtama ang tingin namin saka tumingin sa tabi kong wala pang nakapwesto.
Oh no.
Lumapit ito papunta sa pwesto ko kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana na sakto namang nakita ko sila Wella at Jade na magkasama nanaman.
Again?
At kailangan naka-pulupot talaga braso ni Wella sakanya? Psh! At talagang hinahayaan niya lang gawin yon sakanya ng babaeng yon? Bwisit!
Bakit ba ako naiirita? E ano bang pakialam ko kong lagi silang magkasama? At saka ayos lang MAG-EX nga pala sila!
" May nakapwesto na ba sa tabi—"
" Wala, diyan kana maupo" Walang kaemosyon-emosyon kong banggit kay Adrian.
Ramdam ko namang umupo na siya sa tabi ko kaya di ko na ito nilingon pa.
" Diyan ka?"
Napatingin ako kay Jade na pasigaw na nagtanong kay Adrian.
" Nauna ako tol" sagot sakanya ni Adrian.
Tiningnan naman ako ni Jade pero hindi ko nalang siya pinansin. For what? Don siya sa kabilang bus sumakay, kung saan nandodoon si Wellang malandi!
Habang nasa byahe itinaklob ko nalang ang panyo ko sa buong mukha ko, huminga ng malalim at papikit na sana nang magsalita ang katabi ko.
" Ayos ka lang?"
" I'm fine" kahit mabigat ang kalooban ko. Mabigat? Tsk ewan basta umiba ang mood ko para akong bigla nalang nanghina.
" About sa natanong ko sayo last wed—"
" Still no" at saka na ako pumikit ng tuluyan.
Kahit kailan di ko na siya pagbibigyan ng second chance.
Second chance? Para ano? Saktan , lokohin, at iwan nanaman? Paulit-ulit nalang. Sa ngayon di ko pa kayang maniwala sa lahat nang sinabi niya saakin. Di pa talaga.
Naramdaman kong di na siya gumalaw pa hindi sa patay na pero tumahimik na siya.
" Sa wakas nasa Baguio na tayo!"
Nagising ako dahil sa sigaw ng kaklase kong daig pa ang NAKALUNOK NG MICROPHONE kaasar! Tumayo na ako at kukunin na sana ang bag kong nasa itaas nang may mauna saking makakuha noon.
" Akin na yan!" Hinalbot ko ang bag ko kay Jade na ngayo'y nakakunot noo nang nakatingin saakin.
" May problema ba?"
Sinamaan ko siya ng tingin " WALA!"
Nauna na akong lumakad sakanya at pumababa na nang sasakyan, di na ako nagulat nang nasa tabi ko kaagad si Jade at inagaw saakin ang bag.
" Ako na magdadala mabigat e" Sabi niya agad saakin nang sinamaan ko nanaman siya ng tingin.
Hindi ko nanaman siya pinansin at tumuloy lakad nalang ulit nang makasalubong namin ang kinaayawan kong makita. And it's Wella →_→
" Jad—"
" Get lost Wella!"
Namula naman ako at naramdaman kong may kung anong kumuryente sa katawan ko nang hawakan niya ang kamay ko sabay higit papunta sa cottage nang section namin.
BINABASA MO ANG
You Changed Me
Teen FictionMaaring di madaling mag move-on sabi nga ng iba pero sa totoo mas mahirap magmahal ng iba ng hindi kapa tapos magmahal sa isa. COMPLETED ©Theang