JADE POV
Hawak hawak ko ang labi ko habang papaakyat sa sarili kong condo, di ko parin makalimutan ang nangyari saamin kanina, ilang beses ko nang nahalikan si Aizel and I feel addicted on her kiss. Pero agad na napawi ang saya ko ng makita ko ang familiar na babae na nakatayo sa harap ng pintuan ng condo ko.
" Jade."
Bigla akong nanlamig at hindi makakilos sa kinatatayuan. Bakit nandito siya?
" W-what are you doing here Wella?" nakakunot kong tanong sakanya.
Itinulak ko siya papalayo sa pintuan ng condo ko at saka sinusian ang door knob ng pinto. Nang mabuksan ko ito pumasok na ako ramdam ko namang sumunod siya saakin kaya't humarap ako nang masama ang tingin sakanya. Ano bang pinunta dito ng babaeng ito? Bakit ba nangungulit sila ng boyfriend niya saamin ni Aizel? Hindi ba at masaya na silang dalawa sa kong anong meron sila?
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" matapang na tanong ko sakanya.
Pero para bang wala akong tinanong sakanya dahil deri-deritso lang siyang pumasok sa loob ng condo ko at umupo sa kama na akala mo pagmamay-ari niya ang loob.
Hinawakan ko ang sintido niya ng mahigpit " Umalis ka dito!"
Niwakli niya ang kamay ko at nginisian ko " Why? Di mo ba ako namiss?"
Wow! Napahilamos ako sa mukha ko sa subrang inis. Hindi porke mahal na mahal ko siya dati ay itratrato niya ako ng ganito. Pero wag na siyang umasa na itratrato ko parin siya kung paano ko siya tratuhin na parang tanga ako dati.
" Hindi ka welcome sa condo ko. Kaya umalis kana Wella kung ayaw mong masaktan kita!" nagtatagis na ang galit ko habang nakatingin sa kanya.
Tumayo siya at umikot ikot saakin.
Oh shit.
Ito nanaman siya. Bibilugin niya nanaman ako, lolokohin at iiwan ulit. Ayoko ko nang maulit iyon kaya isinandig ko siya sa dingding.
" Ano na naman bang pinaplano mo?" inis na tanong ko sakanya
Ang nakangisi niyang mukha napaltan ng seryosong mukha " Ano sa tingin mo Jade?"
Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan iyon. At damang dama ko ang init ng labi niya. Kung yong dati halis di na ako makahinga dahil sa mga halik niya pero iba na ngayon. Wala na akong nararamdaman na kahit na anong emosyon.
Anong ibigsabihin nito?
Napalunok ako ng dumampi ang labi niya sa leeg ko pataas sa pisngi ko ulit. Nanlaki ang mga mata ko ng kagatin niya ang likod ng tainga ko at saka bumulong.
" I'm back " with her seductive tone.
Tumigil siya paghalik at tumingin saakin ng nakangiti. Sumeryoso ang mukha ko sa sinabi niya. " You surprised?"Lalong sumama ang tingin ko sakanya. Babae din siya kaya dapat nirerespeto pero bakit parang gusto kong mamuntok ngayon, at talagang uunahin ko ang mukha niya.Hinawakan ko siya sa mga balikat niya at itinulak papunta sa labas ng condo ko.
" I don't need you Wella. Get lost!"
***
" Ano na pre ang plano?" tanong saakin ni Brix.
Nakatambay kami sa labas ng corridor namin at inaantay ang aming kaisa-isang prinsesa at sa di kalayuan nakita ko na siyang kumakaway saamin. Ang ganda niya kahit malayo. Mga ngiti niyang minsan ko lang makita at di na talaga mawala sa isipan ko. Pero napailing ako dahil sa mga pinagi-iisip ko.
" Hey! Ang aga niyo naman ata " Nakangiti niyang bati saamin.
Inayos ni Brix ang uniform nito at inayos ko naman ang buhok niyang gulo. " Ayos kana?" tanong ko, baka kasi hindi siya nakatulog ng maayos kagabi eh baka umiyak nanaman siya kagabi.
BINABASA MO ANG
You Changed Me
Teen FictionMaaring di madaling mag move-on sabi nga ng iba pero sa totoo mas mahirap magmahal ng iba ng hindi kapa tapos magmahal sa isa. COMPLETED ©Theang