Chapter 10:First Datesaster #1
Araw ng Sabado
Akala ko makakapagpahinga na ako, hindi pa rin pala. Kahit pala sabado on duty pa rin ako sa pagsama kay Caleb. Kahit gusto kong tumanggi pinilit ako ni Chief Acosta. Maganda na raw na mapalapit ako sa mga studyante sa pinapasukan ko ngayon lalong-lalo na kay Caleb na anak artista. Haynakuuu!
Niyaya lang naman kasi ako ni Caleb na kumain ngayon sa labas. Alam niyo bang mas gusto ko pang magduty na lang sa headquarters. Namiss ko na rin kasi ang amoy ng headquarters. Pero dahil usapang pagkain hindi na rin ako tumanggi sayang ang grasya.
Dahil sa suhol na libreng pagkain hindi na ako nakatanggi pa. Alam niyo namang pagkain lang ang kahinaan ko. Kung iniisip niyo mataba ako? Nagkakamali kayo mga sisterets at brotherets.
Kahit matakaw ako hindi ko nakakalimutang mag-exercise kaya namemaintain ko ang figure ko.
Nag-ayos na rin ako para hindi ako ma-late sa lakad namin ni totoy, nakakahiya naman kasi diba. Kung matatawag nga tong date? Edi date ang itawag natin.
Nagsuot lang ako ng plain white dress above the knee siya kaya kumportable naman itong suotin. Nagdoll shoes na lang ako dahil hindi naman ako mahilig sa heels. Alam niyo ba kung bakit ako nagdress? Huwag kayo mag-imagine hindi ako nagdress para magpacute kay Caleb, nagdress ako para madali kong matago itong baril.
Inilagay ko na sa gilid ng hita ko ang baril. Maganda ng ready baka maisahan ako ng mga kalaban. Lalong-lalo na nakakasama ko pa ang kailangan kong protektahan.
Nagvibrate naman ang phone ko at agad ko naman itong tinignan.
Nakareceived ako ng message mula kay Caleb.
From: Caleb S.
Hey,are you ready?
10:45 a.m
-------
Nagcompose agad ako ng irereply sa kaniya.
To: Caleb S.
Yes, kita na lang tayo sa labas ng mall. See yahh:)
10:47 a.m
Message sent...
Napagdesisyunan ko na ang umalis na ng maaga para hindi ako matraffic. Hindi ko kasi gagamitin ang motor ko para hindi na hassle at tinatamad lang ako ngayong magmaneho. Mas gusto kong mag bus lang baka mabangga lang ako kapag nagdrive ako ng wala sa mood.
Malapit lang din naman dito sa apartment ko yung meeting place namin na hindi kalakihang mall. Isang sakayan lang naman at mararating mo na ito.
Sumakay na akong bus at medyo punuan itong aking nasakyan. Pero nakakuha ako ng bakanteng upuan na maaaring kong maupuan. May iilan ring nakatayo dahil wala ng mga bakanteng upuan.
Nakaupo ako sa bandang gitna ng bus at sa tabi ng bintana.
Buong biyahe nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nagugutom na ang lola niyo, pasensiya na may sawa ata ako sa loob ng tiyan.
Napatingin ako sa harapan ng biglang tumigil ang bus. May sumakay na dalawang weirdong lalaki. Hindi ko inalis ang aking paningin sa dalawang lalaking kapapasok lang sa loob ng bus.
Iba ang kutob ko sa kinikilos ng mga ito. Nakatayo na ang mga ito dahil punuan na sa loob ng bus. Hindi ko mawari kung bakit parang aligaga ang isang lalaki. Palingon-lingon ito sa kaniyang paligid at may parang may dinudukot sa kaniyang tagiliran.
Naging alerto naman ako at parang nabuhayan ng dugo. Inabangan ang sunod na naging galaw ng aking mga binabantayan.
Pinag-aralan ko muna ang kilos ng mga 'to at bumuo nang plano sa aking isipan. Dahil maliit ang espasiyo maaaring mahirapan akong kumilos. Marami na ang pasahero nitong bus at mabilis pa ang pag-andar nito.
BINABASA MO ANG
Ms. Officer on Duty
RomanceIsang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine National Police Academy. Magtatlong taon na rin siya sa pagiging pulis at kasalukuyang position ay ang pagiging isang Inspector . Miyembro siya...