A/N:Dedicated to anne06maria dahil sa walang sawang pagsupport. Yieeee lovelotssss<3
Alam niyo ba na favorite ko itong chapter na itooooo! Pasensiya na kayo ha hindi ako magaling sa fight scenes hahahaChapter 5:Meet Caleb Santiago
Lumapit ang dalaga sa kumpol ng kabataang na may ngiti dahil sa pag-aakala niyang nagkakasiyahan lang mga ito na nakapwesto sa di kalayuan. Nang mas makalapit na siya ay napansin niya na medyo may kadiliman sa pwesto ng mga ito na kanyang ipinagtaka. Agad napawi ang mga ngiti sa labi ng dalaga nang tuluyan makalapit sa kumpol ng mga kabataan. Napailing na lang siya say tumambad na eksena sa kanyang harapan. Nakapalibot ang higit sampung lalaki sa nag-iisang binata. Nakatayo lang ang binata na akala mo'y walang nagbabadyang kapahamakan. Napakunot na lang ang noo nang dalaga ng mapansin niyang may mga dalang armas ang iilang kabataan na nakapalibot sa binata. Habang ang binatang nasa gitna ay maangas lang na nakatayo. Naalerto naman ang dalagang pulis at agad kumilos nang biglang nag-amba nang pagsugod ang isang sa mga lalaking nakapalibot sa binatilyo.
Agad siyang pumasok sa loob ng bilog na ikinagulat naman nang lahat. Samantalang tinignan lang siya ng katabi na parang sinasabing “Anong ginagawa mo? Huwag ka ngang makialam”look.
Hindi naman nagpatinag ang dalaga at maangas na tinignan ang mga taong nakapalibot sa kanilang pwesto. Napangisi siya at iniunat ang kanyang mga braso. Bumaling naman siya sa gawi ng lalaking may hawak na kutsilyo.
“Hoy! Ikaw totoy bitawan mo yang kutsilyo mo.”dinuro niya ang lalaking may hawak ng kutsilyo. Pinanlakihan niya pa ito nang kanyang mga mata.
“Sino ka ba ha? Masiyado kang pakialamera!” pasugod siya ng saksak sa gawi ng dalaga kaya agad na itong kumilos at umiwas sa mga attempt nitong pagsugod.
Base sa pangangatawan at mukha ng kanyang mga kaharap ay mga menor de edad pa ang mga ito. Napailing na lang ang dalaga at muling nagseryoso.
Malakas na sipa ang pinakawalan nito na tumama sa kamay ng lalaking may hawak na kutsilyo kaya tumilapon sa ere ang patalim nito. Agad ulit siyang nagpakawala ng sipa na tumama sa mukha na naging sanhi ng pagbagsak nito. Agad naman siyang kumilos upang saluhin ang patalim na agad naman sana itong masasalo ng dalaga ng bigla may sumugod sa gawi nito. Nagkamali tuloy ito nang sambot sa kutsilyo na dahilan kung bakit nahiwa ang kanyang palad. Napatingin na lang siya sa palad niyang muling dumudugo. Napailing na lang siya nang makita ang pagkalat ng kanyang dugo sa benda na nakalagay sa kanyang kamay.
Yumuko muna siya sandali para pakalmahin ang kanyang sarili ng biglang makaramdam siya ng malakas na pagpalo sa kanyang balikat. Nang iaangat niya ang paningin ay nagtama ang kanilang mata ng taong pumalo sa kanyang balikat. Nakita niya sa mga mata nito ang takot at nakita niya rin ang panginginig nang kamay nito habang nakahawak sa baseball bat na hawak.
Hindi napigilan ng dalaga na ihagis ang kutsilyo na tumama naman sa dulo ng bat. Napasinghap naman sa gulat ang lalaki dahil sa gulat sa biglaan niyang pagkilos kaya mas napangisi na lang ang dalaga.
Dahan-dahang lumapit ang dalaga na ikinaurong naman nito at itinutok lang ang bat sa kaharap. Wala namang takot na nilapitan ng dalaga ang lalaki at malakas na tinabig ang bat at kinuwelyuhan ang kaharap at idinikit sa pader.
“Sa susunod huwag kang susugod kapag nakayuko pa ang kalaban mo...”pasigaw na saad nito at lumapit ng kaunti sa tenga ng kaharap.
“Kilalanin mo muna ang nasa harap mo”ang huli ay ibinulong niya na lang niya dito.
Sa isip-isip nang dalaga may lakas lamang ito ng loob siya labanan dahil hindi alam ng mga ito na isa siyang pulis.
Pasalamat sila hindi ako nakauniporme ngayon kaya malakas ang loob nilang labanan ako kung alam lang nila. Baka magtakbuhan sila kapag may nalamang isa akong parak.
BINABASA MO ANG
Ms. Officer on Duty
RomanceIsang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine National Police Academy. Magtatlong taon na rin siya sa pagiging pulis at kasalukuyang position ay ang pagiging isang Inspector . Miyembro siya...