Chapter 37: The Intruders
Mabilis kong pinaandar ang kotse ni Aliah, mabuti na lang talaga at nagdala kami ng sasakyan. Agad ko rin tinawagan si Awa na ngayon ay nasa headquarters.
Nang makarating kami sa may kanto bago makarating sa paaralan ay itinigil ko ang sasakyan. Mababakas din sa mukha ng dalawa kong kasama ang pagtataka.
“Bakit tayo huminto?” tinatamad pa ring saad ni Storm.
“May kutob akong may nangyayari sa loob ng school na 'yan!”
“What do you mean?” may halong pag-aalala sa boses ni Aliah.
Napabuntong hininga na lang ako, at isinalaysay ang nangyari kanina at ang biglaang pagtawag ni Caleb. Sinubukan kong macontact ulit ang number ni Caleb, ngunit cannot be reached na ito.
Ilang minuto rin kaming natahimik sa loob ng kotse at inobserbahan ang paligid. Nakakapagtaka rin ang pagiging tahimik ng lugar malapit sa eskwelahan. Wala man kabahay-bahay malapit dito sa paaralan ngunit sa mga oras na ito dapat marami ng estudyante ang tumatambay sa labas. Kung dati ay makakakita ka ng mga estudyante sa labas nito, ngayon ay sobrang linis at walang katao-tao.
“What's the plan?” naiinip na saad ni Storm. Maya-maya pa ay nilabas niya ang kaniyang baril at umaktong lalabas na ito ng sasakyan.
Mabilis naman itong napigilan ni Aliah, nagpagplanuhan namin sa likurang bahagi kami dadaan. Mabuti na lang at lagi naming dala ang mga baril namin, lalo na kailangan namin ito sa mga ganitong sitwasyon.
Nasa likod na kami ng paaralan at plano namin akyatin lang ang malaking pader ng paaralan. Nauna na ring umakyat si Storm na mabilis lang nakaakyat. Napili ko na lang magpahuli upang manman din sa paligid. Nang nasiguro kong walang nakakita sa amin ay umakyat na rin ako.
Maayos naman akong nakababa at ganoon din ang dalawa. Wala namang kakaiba ang sumalubong sa amin, pero iba ang nararamdaman ko sa sobrang katahimikan ng buong school.
“May kakaiba ngang nangyayari dito.” dahan-dahan kaming naglakad bitbit ang aming mga baril.
“Aliah and Storm, wala ba kayong contact dito sa loob?”
Napailing na lang ang dalawa bilang sagot. Nang nasa bukana na kami ay natanaw na namin ang likod na building ng mga dormitory. Agad naman kaming nagtago ng makarinig ng kalampag galing sa isa sa mga kwarto sa dormitory.
“Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito sa kwarto ko?” sigaw ng isang babae at bakas dito ang takot.
Nagtanguhan naman kaming tatlo, dahan-dahan akong sumilip sa bintana ng silid. Napakunot ako ng noo ng may makita akong tatlong lalaking may dalang mataas na calibre ng baril. May mga takip din ang mga mukha nito at halos lahat sila ay nakaitim. Napansin ko din ang tattoo nila sa kamay na scorpion.
Agad naman akong bumalik sa pagtatago at inilahad sa dalawa ang aking nakita. Napagpasiyahan naming pumunta sa aming kwarto para makuha ang aming mga gamit na inimbento ni Travis.
Naging maingat ang aming mga galaw at napansin namin na nasa baba pa lang ang mga lalaking mga nakaitim at may takip sa mukha. Mabilis ngunit maingat ang aming mga galaw, hindi nila pwedeng malaman na may mga baril kami. Iniiwasan din namin mapalaban, masyado pang maaga para ilantad namin ang aming mga sarili.
At kung mapapalaban man kami ngayon, siguradong mahihirapan kami dahil limitado lang ang aming bala.
Nang makarating kami sa pangalawang palapag kung nasaan ang aming kwarto. Agad kaming pumasok at nilock ang pinto. Mabilis namin nilikom lahat ng mga special weapon na maaari naming magamit. Inilagay namin ito sa special belt na ginawa rin ni Travis.
Nagkatinginan naman kaming tatlo ng makarinig kami ng mga yabag papalapit sa aming kwarto. Nakita rin namin ang paggalaw ng doorknob.
Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay na napatingin sa kisame. Napangiti na lang kami ng marahas na bumukas ang pinto.
“Walang tao dito, boss.”
“Halughugin niyo ang mga gamit.” utos ng lalaking nanatili lang nakatayo sa tapat ng pinto.
Nagsimula naman maghanap ang dalawang lalaki sa mga gamit namin.
“Aish! Hinahawakan nila ang mga gamit ko.” pabulong na saad ni Storm na halata mong naiinis na.
Sa aming tatlo siya ang pinakamainipin sa lahat.
Nanlaki naman ang mata ko ng bigla na lang mag ring ang phone ko.
Pakshet! Sino ba itong tumatawag?
Nang tignan ko ang cellphone ko nakita ko sa caller id ang pangalan ni Awa. Pahamak talaga ang isang ito.
“Boss may tao dito.” narinig namin ang sigaw ng isa sa mga lalaking nakamaskara.
“Nasa kisame.” sigaw pa ng isa.
Hindi na kami nag-intay na paulanan pa ng bala, lumantad na kami. Agad naman nila kaming tinutukan ng baril, pero bago pa man nila makalabit ang gatilyo ay mabilis kaming kumilos.
Nang makalapit ako sa lalaking malapit sa pinto ay agad kong sinipa ang kamay niyang may hawak ng baril. Nabitawan niya naman ito at ngayon naghanda na rin ito para sa mano-manong laban.
Nakita ko rin na nakipagbuno na rin ang dalawa. Natawa pa nga ako dahil mga nakadress ang mga ito, ngunit walang pinagbago ang mga galaw nila. Sobrang pulido ng mga galaw nila, hindi masyadong mabilis ngunit kung susuriin mo fatal na parte ng katawan nila pinapatamaan ang mga kalaban. Halata naman hindi ito nahahalata ng kalaban nila, dahil panay lang ang pagsugod ng mga ito ng walang direksyon.
Napaurong naman ako ng matamaan ako ng sipa sa aking braso.
Aish! Madaya siya ah alam niyang hindi ako nakatingin tapos aatake siya.
Pinaningkitan ko ito ng mata at unti-unting lumapit na ikinalayo naman ng aking kaharap.
“Hindi mo ako matatalo, babae ka lang!” sumugod na siya sa akin.
Iniiwasan ko lang ang mga atake niya, hahayaan ko muna siyang mapagod. Napangiti na lang ako ng makita ang pagbigat ng paghinga nito. Mabilis kong sinuntok ang dibdib nito kaya napaurong ito.
“Isang suntok pa lang ang ginagawa ko namimilipit ka na agad.” hindi ko napigilan ang sarili kong asarin siya.
“Hoy, Alexis! Bilisan mo diyan, magbibihis lang kami. Hindi na ako kumportable sa suot ko ngayon.” malakas na sigaw ni Storm at nakita ko siyang pumasok sa banyo.
“Wala bang popcorn?” saad naman ni Aliah na ngayon nakaupo na sa kama.
Napailing na lang ako sa kalokohan ng dalawa. Muli sana akong sisipain ng lalaki kaya inunahan ko na siya sa kaniyang binabalak. Nagpakawala ako ng sipa na tumama sa kaniyang mukha na nagpatumba sa lalaki.
“Bakit mo agad pinatumba?”
“Nagmamadali tayo. Magbihis ka na,” napatango na lang ito at naghanap ng komportableng maisusuot.
Nilapitan ko naman isa-isa ang mga lalaki at nakumpirma kong iisa lang ang tattoo na nasa kanilang kanang kamay. Agad ko itong kinuhaan ng litrato.
Malalaman ko rin kung sino ang nasa likod nito.
Itutuloy...
----------
Last 3 chapters na lang at panandalian na muna nating hindi makakasama si Alexis Valdemor. Pinag-iisipan ko pa kung may Book 2. Stay stunned<3Pakibasa rin yung iba kong stories. Police story din pala yung “Captivated”.
Thank you sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa lamang nitong istoryang ito.
BINABASA MO ANG
Ms. Officer on Duty
RomanceIsang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine National Police Academy. Magtatlong taon na rin siya sa pagiging pulis at kasalukuyang position ay ang pagiging isang Inspector . Miyembro siya...