A/N: Nakalimutan kong ilagay sa last chapter yung tumawag si Alexis para ireport yung nangyaring gulo. Yung mga pinatumba niyang mga kabataan, nangyari yung pagtawag niya nung naorder si Caleb. Yieeee mwahhh
Dedicated to Chleinx dahil muli siyang nagbabalik sa pagsusulat. Support niyo yung story niya entitled “It's Still You”
Chapter 6: Meet the Playboy
Valdemor's POV
"Caleb Santiago?"napasigaw naman ako sa sobrang pagkabigla. Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong pangalan nang tumatawag
"Ahmm...Yes, Why?"mahahalata naman sa tono nito ang pagkapahiya.
"Ha? Wala naman . Bakit napatawag ka?"
"I'm just checking if you got home safely."
Parang may kung ano nanaman ang gumagalaw sa loob ng tiyan ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung nadudumi ako pero hindi naman.
Hindi ko alam paano ako nagkaroon ng contact number niya. Naalala ko naman yung pag gamit niya ng phone ko tapos may pangiti-ngiti pa. Ayun pala kinuha lang number ko, at ang walanghiya nilagay pa number niya hindi ko naman hinihingi. Sandaling napatigil ako nang mapagtanto ang nangyari. Hindi ko maiwasang hindi mapangisi.
Mukhang ang isda na ang lumapit sa pusa.
"Good night. See you soon."
"Good night. Hehehe" nauna ko ng binaba ang linya dahil nakaramdam ako ng kakaibang kaba.
Bakit naman may see you soon pa? Makukulong ba siya? Ay oo nga pala babantayan ko siya kaya magkikita kami. Teka hindi niya naman yun alam ha. Pucha! Ang natatanga ako.
Napangiti na lang ako at nahiga na ulit. Ang daming nangyari ngayong araw na 'to kaya sobrang pagod na ko. I need to rest my mind and also my body.
K I N A B U K A S A N
Maaga akong nagising dahil sa pagtawag ni mama. Binalita niya na nakauwi na raw si dad sa bahay kaya magluluto siya mamaya ng dinner namin. Gusto niyang sabay-sabay kaming magdinner for family lang daw at mga close friends. Iniimbitahan din niya si Ninong at Inspector Leonido. Sinabihan niya na din ang best friend kong si Aliah Letisha Carranza. "Ang ganda ng name niya diba?"
Dahil maaga na lang din naman akong nagising napagdesisyunan ko na maaga na lang pumunta sa presinto. Nagsuot lang ako ng white na sando na pinatungan ko leather jacket, fitted black pants and leather boots.
Sumakay na ko sa baby ko na pinakuha ko kaninang madaling araw kay Awa. Napaayos niya na rin ito kaya balik nanaman sa dati ang bilis ng takbo nito. Naramdaman ko naman ang pagdampi vibrate nang phone ko na nakalagay sa bulsa nitong suot kong jacket.
Agad ko itong kinuha at tinignan ang message ng aking ina. Wala naman pinagbago ang text nito puro paalala lang.
from: Mamansterrr♥
Hoy! Babae pumunta ka dito mamaya ha! Malalagot ka sakin paghindi ka sumipot.
5:45 AM
------
Nakapukaw naman ng atensyon niya ang isa pang mensahe kanyang natanggap. Napakunot na lang ang kanyang mga noo.From: Caleb S.
Good morning.:)
5:44 AM
Hindi ko naman alam ang irereply ko kaya ito na lang ang nasabi ko...
To: Caleb S.
Same to you.:)------
Napangiti naman ako sa text ni totoy. Nireplyan ko siya ng simpleng same to you diba ang sweet ko may emoji pang smiley na kasama. Pagkatapos kong magreply ibinalik ko na ang phone ko sa loob ng aking bulsa.
BINABASA MO ANG
Ms. Officer on Duty
RomanceIsang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine National Police Academy. Magtatlong taon na rin siya sa pagiging pulis at kasalukuyang position ay ang pagiging isang Inspector . Miyembro siya...