Chapter 17

2.1K 68 1
                                        

Chapter 17: The Unexpected Visitor

Napagdesisyunan na naming tatlo na manatili na sa dorm ng paaralan upang mas mapag-aralan namin ang buong pasilidad. Kasama ko sa kwarto ay si Storm at sa katabing kwarto naman nag-stay si Awa.

Wala pa kaming nabubuong plano dahil lumipas na ang isang linggo ay wala pa ring galaw ang mga kalaban. Nagtataka na nga kami kung bakit wala pa ring nagtatangka sa buhay ni Caleb, wala pa rin kaming napapansin kay Tyronne.

Araw ng sabado ngayon kung kaya't wala masyadong studyanteng nanatili sa paaralan ang iba ay umuwi sa kanilang mga sariling tahanan. Nakahiga lang ako habang nakatingin sa kisame. Samantalang ang kasama ko naman sa kwarto ay mahimbing pang natutulog.

Sa pagitan ng pagmumuni-muni ko nakarinig ako ng malakas na katok. Tinatamad man ay tinungo ko ang pinto. Sa lakas ng mga katok ay inakala ko na si Awa lang ang kumakatok para mag-aya kumain. Wala naman iba pang maglalakas loob na pansinin kami dito sa campus, o sadyang ayaw lang nila sa presensiya namin.

“Sandali lang,”sigaw ko.

Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang taong hindi ko inaasahang makita ngayong araw. Akala kong si Awa lang ang kumakatok ay nagkakamali lang pala ako.

“Anong ginagawa mo dito?” nanlaki pa ang mata ko sa gulat. Inirapan lang niya ako at pumasok na sa loob ng aming silid bitbit ang kanyang maleta.

“Mag-aaral ulit,”nginitian lang ako nito at nagdiretso na  sa aking kama at inilapag ang mga maleta.

Agad ko namang isinara ang pinto at sinundan ang babaeng kararating lang. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa loob ng aming silid. Hinawakan ko ito sa balikat na ikinanuot naman ng noo niya.

“Bakit ba?”halata sa boses nito na naasar na.

“Uulitin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito?” nilulukob ng kaba ang aking dibdib. Ngayong nandito ang isa sa mga taong mahahalaga sa akin, mahihirapan akong kumilos at siguradong gagamitin ito ng mga kalaban namin laban sa akin.

“It's for you to find out my dear best friend,” may ngisi ito sa mga labi at humiga pa sa aking kama.

Magsasalita pa sana ulit ako ng maunahan ako sa pagsasalita ng bagong gising na si Storm.

“Anong ginagawa mo dito Agent White?”mahahalata sa tono nito ang pagkagulat. Nanlaki naman ang kaniyang mata sa tinawag ng kasamahan sa kanyang kaibigang si Aliah.

Tumayo naman sa pagkakahiga si Aliah at hinarap na ang dalawa. Nagulat na lang ako nangg magyakap ang dalawa.

“I miss you, Agent Storm,”

“I miss you too.”

Naningkit naman ang mata ko sa kaartehan ng dalawa. Bakit ng makita siya ng best friend niya ay hindi naman ganito ang naging reaksiyon nito. At bakit siya tinatawag ni Storm na Agent White si Aliah.

Huwag mong sabihin na...

Ehem ,” pagpapansin ko sa dalawa na busy sa pag-uusap. Pero ni hindi man lang ako nilingon ng dalawa at nag-usap lang nang nag-usap.

Sa inis io dinampot ko ang aking unan at ibinato sa dalawa kaya sinamaan siya nang tingin ng dalawa.

“Problema mo?” mataray na saad ni Storm.

“Huh! Alam mo bang best friend ko lang naman yang kausap mo,”pagtataray ko rin. Abuh! Hindi ako papatalo!

“And so?”

Napanganga naman ako sa isinagot nito, sa totoo lang gusto ko siyang kalbuhin. Napairap na lang ako at muli na lang nahiga kama. Napatitig na lang ako sa kisame at nag-isip. Maraming na ngang katanungan ang tumatakbo sa aking isipan dumagdag pa si Aliah.

Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon