Chapter 21

1.7K 75 7
                                    

Chapter 21:Valdemor #101

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad ang kadiliman. Agad akong nagpumiglas ngunit naramdaman kong nakatali ang aking mga kamay at paa. Nalintikan na! Medyo mahigpit ang pagkakatali sa kamay ko gayundin sa aking paa.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at may mga yapak ng paa ako narinig na papalapit. Naging alerto naman ako nang naramdaman na patungo sa aking gawi ang mga bagong dating. Hindi ko makita kung sino man ang dumating dahil sa nakapiring sa aking mga mata. Aishhh!

“Sino kayo?” mahinahon kong saad. Ayoko naman na masayang lang ang aking enerhiya sa pagsigaw. Maaaring mapasabak ako sa labanan mamaya. Hindi ako papayag na magtagal pa ako dito. Malalagot talaga sila sa'kin kapag nakawala ako sa pagkakatali.

“Kalma lang bata, huwag ka masiyadong excited wala pa si Boss,”

“Anong kailangan niyo?”

“Huwag na maraming tanong bata. Intayin mo si boss at malalaman mo ang dahilan kung bakit ka naririto.” saad nito at naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisnge. Kadiri ha!

“Don't touch me!” napataas ang boses kong saad.

“Kalma lang bata.” nangibabaw ang malakas na tawanan ng mga lalaki sa loob ng silid. Naku! Talagang inuubos nila ang pasensiya ko.

Ilang sandali lang din ay narinig ko na rin ang mga yapak papalayo at pagsara ng pintuan. Nasisiguro ko na mag-isa na lang ako sa silid.

Hindi na lang ako kumibo at inalerto ang aking sarili. Nag-isip na lang ako kung paano makakatakas at makakawala sa pagkakatali.

Napangiti na lang ako ng makapa ko ang aking relo. Napangisi ako ng mapagtantong tamang-tama ang pagsuot ko ng relo na ito na niregalo ni Inspector Leonido.

Dinisenyo ito para sa GPS para madetect ang kinalalagyan ng isang tao at ginawa rin ito ng Inspector para gamiting special weapon. May pinipindot dito para lumabas ang special blade na kung saan kayang makaputol ng kahit anong matibay na lubid.

Mas lumawak ang aking ngiti nang maramdaman ko ang tulis ng patalim. Kung suswertihin nga naman! Unti-unti kong pinutol ang lubid na nakatali sa aking mga kamay. Naging maingat ako dahil baka may makapansin na malapit na akong makawala.

Tumigil muna ako sandali ng maramdaman kong may papalapit sa aking pwesto.

“Kamusta ka Ms. Beautiful?”

“Eto medyo maluwang yung tali niyo.” napangisi ako ng malapad. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na inisin ang taong nasa aking harapan.

“Anong ibig mong sabihin?”

Bago pa man ito makakilos ay mabilis kong tinanggal ang aking piring at nagpakawala ng malakas na magkakasunod na suntok. Agad na natumba ang lalaki at nawalan ng malay. Mabilis ang naging pagkilos ko at tinanggal ang nakapulupot na lubid sa aking mga paa.

Iginala ko ang aking paningin at nakita ko ang bintana. Kinapkapan ko ang lalaki at may nakuha akong isang baril at magasin. Agad ko itong kinuha at pinaglaruan sa aking kamay.

Ikinasa ko ang baril at napangisi“Let's get it on.” naglakad na ako palapit sa bintana at napag-alamanan ko na nasa ikalawang palapag pala ang aking kinalalagyan. Nakita ko rin ang ilang mga armadong nakabantay sa baba. Kung susumahin hindi ako mananalo kung labanan ko sila ng harapan. Sino bang hinayupak ang nagpakidnap sa'kin.

“Pare kamusta diyan sa loob?” sigaw ng lalaki sa labas ng silid. Nataranta naman ako ng makita ko ang unti-unting pagbukas ng pintuan.

Nagmadali akong lumabas ng bintana at dahan-dahang naglakad ng mabagal upang hindi makagawa ng anumang ingay. Narinig ko pa ang mga sigawan ng mga tao sa loob ng silid.

“Pare tulong tumba si Bugoy at nakatakas ang bihag.”

“Ano?Lagot tayo nito kay Boss”

Hindi ko na narinig pa ang ilan nilang usapan. Humanap ako ng pwesto kung saan walang bantay. Tumalon ako at swabeng namang naglanding sa damuhan. Lumingon ako sa paligid at sakto walang mga bantay sa bandang likod ng gusali.

Napairap na lang ako ng tumambad sa akin ang mataas na pader.

“Putek! Ang taas naman ng pader na 'to”

Napalingon ako sa paligid upang maghanap ng maaaring matungtungan at kung suswertihin ka nga naman may malaking puno na medyo may kalapitan sa pader. Naisipan kong umakyat ng puno at talunin na lang ang kapirasong agwat nito sa pader. Nang nasa taas na ako ng puno ay bumwelo ako at malakas na tumalon.

“Yes!”malakas kong saad.

Naalarma naman ako ng makarinig ng mga papalapit na yapak.

“Andito siya sa likod ” Aishhh! mga pasaway naman!

Agad naman akong napatalon at hindi masiyadong naging maganda ang pagkahulog ko.

“Ouch! Ang sakit ng pwetan ko!”

Agad akong tumayo at paika-ikang naglakad at naghanap ng maaaring masasakyan. Nakakainis naman hindi tuloy maganda ang pagkahulog ko.

Nakakita naman ako sa di kalayuan na may nakaparadang kotse agad ko itong nilapitan. Pumulot ako ng medyo may kalakihang bato at binasag ang salamin at binuksan ang sasakyan. Agad ko rin pinag kinalikot ang mga wire at nagtagumpay akong mapatakbo ang sasakyan bago pa dumating ang mga dumukot sa'kin.

Agad kong pinindot ang red button sa wrist watch na suot ko para malaman nilang nakatakas ako. Nasisiguro kong alam ng pamilya ko na nakidnap ako at siguradong nag-aalala na sila. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho.

Hindi naman ako makatawag dahil wala na sa akin ang phone ko at naiwanan ko naman sa locker yung bag ko.

-------

Leonido's POV

Nang ibalita sa amin ni Awa na nakidnap si Alexis lahat kami sa presinto ay nataranta. Agad nagpameeting si Chief at nagplano para sa paghahanap kay Alexis. Bigla kong naalala ang binigay kong relo sa dalaga. Sana suot niya ito ngayon, ito na lang ang maaari naming magamit para ma-locate ang location niya.

Nagmamadali 'kong kinuha ang aking cellphone at kinalikot ito at napangiti na lang ako.

“Alam ko  na Chief kung nasaan siya,”

“What do you mean?” mataray na saad nung kaibigan ni Alexis na Aliah ata ang pangalan.

Hindi ko nga alam kung bakit pinayagan siya ni Chief pumasok dito sa opisina at makinig sa meeting at pagpaplano.

“Teka anong nga bang ginagawa mo dito?”nakakunot ang noo kong saad.

Malakas na tinapik niya ang lamesa at mababakas sa mukha nito ang pagka-inis “Huh? Just tell me nasaan si Alexis!” mas napakunot pa ang noo ko dahil sa inaakto nitong masungit na babaeng ito. “Bakit ko naman sayo sasabihin?” hindi ko alam pero nag-eenjoy akong asarin siya ang cute niya kasing magalit parang uusok ang ilong.

“WHAT? ANTIPATIKO!”

“Masungit na oandak!”

“Ano?hindi ako pandak ha!”

Sasagot pa sana ako para asarin siya ng biglang sumigaw ng malakas si Chief kaya napatigil kami sa asaran.

“Tumigil kayo!”

Bumalik na sa pagkakaupo si pandak at nanahimik na lamang. Patuloy pa rin ito sa pagbibigay ng mga death glare sa'akin kaya napangiti na lang ako.

“Agent White and Agent Storm bumalik na muna kayo sa University at baka makahalata ang mga kalaban.”

Napalingon naman ako ng tumayo yung pandak kasabay ni Storm.

“Huwag mong sabihin na ikaw si Agent Whit----”hindi ko na natapos pa ang aking pagsasalita. “Oo, gulat ka no?” nakangisi siyang lumabas ng kwarto at sumunod naman sa kanya si Storm. Tinapik naman muna ako ni Storm sa balikat at umalis na rin ng silid.

Naiwan naman akong nakanganga. Hindi ako makapaniwala na yung payatot na pandak na yun ang iniidolo kong si Agent White. Tumayo na rin si Chief at lumabas ng silid. Ako naman hindi pa rin makapaniwala sa aking nalaman.


















Itutuloy...
-
Hahahaha ano masasabi niyo sa chapter na ito? Comment down below
Don't forget to vote and comment. :)

Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon