Chapter 8

2.7K 186 20
                                    

Chapter 8: A Day without Tyronne

Naging maayos naman ang kalagayan ko sa mga naunang subjects. Mabuti na lang at puro "introduce yourself "lamang ang aming ginawa buong araw. Sa unang araw ko dito ay dumami na agad ng haters ko. Mahirap na talaga kapag maganda.

Simula kasi nang sumabay sakin tong mga ito ay inirapan na ako ng mga kababaihan dito. Feeling ko gusto nila akong kalmutin sa mukha. Hindi ata sila makapaniwala na may kasama akong mga idol nila.

Nang pumasok kami sa classroom mas naging AWKWARD. Pinaupo kasi ako ni Caleb sa tabi niya at may isa pang bakanteng upuan sa tabi ko. Dahil nga sa pagiging malapit ko sa mga ito nakatanggap ako ng masasamang komento at tingin sa mga tao sa loob ng silid. Hindi ko na lang pinansin ang mga tinginan nila at ang bulong-bulungan nang iba.

Natapos na ang huli naming subject sa morning class at sumapit na ang lunchtime. Inayos ko na agad ang mga gamit kong nakakalat sa aking mesa.

"Ryzzy, sabay ka na saming maglunch." pag-aanyaya ni Caleb. So, I grab the opportunity para mas makilala pa sila at mapadali ang pagbabantay ko. Wala naman akong kilala dito kaya mabuti na rin sigurong pumayag na lang ako.

"Okayy!"sinuklian ko na lang siya ng isang matamis na ngiti.

Lumabas na kami ng room at ang sumalubong agad sa'kin ay ang masamang tingin nang mga kababaihan. At may ilan pang nagbulungan na rinig na rinig naman.

"Sino ba siya? Bakit kasama niya sila Prince Caleb."girl 1

"Baka kaibigan lang?"girl 2

"Baka yaya.hahaha "girl 3 nagtawanan din ang ilang nakarinig.

Eh?Ako yaya?

Hindi ko na lang pinansin, ayokong mag-aaksaya lang nang oras sa mga walang kwentang bagay. Naglakad na lang kami patungo sa cafeteria.

Nang makarating kami sa cafeteria ay namangha ako sa laki nito. Malainis ang loob nito at maraming lamesa at upuan na okupado nang mga mag-aaral. Nang tuluyan kaming makapasok ay sinalubong kami nang tinginan nang halos lahat ng tao sa cafeteria.

"Ang gwapo nila."

"Grabe ang gwapo nilang lahat. Sayang wala pa si Prince Tyronne."

"Anong wala pa?Siguro hindi nanaman pumasok." komento ng isang lalaki.

Oo nga pala, nalimutan kong kasama sa mission ko ang pagbabantay doon sa mokong. Nakalimutan kong magiging kaklase ko rin siya.

"Sino naman ang kasama nila?"

"Maganda siya."komento ng isang babae, sa lahat ng comments nila doon lang ako natuwa.Hahahaha

"Maganda?Malandi kamo!"wika ng isa.

Aba! Baka ikaw!

Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi nung babaeng mukhang clown dahil sa dami ng makeup sa mukha. Pinipilit kong magtimpi kanina pa pero tawagin akong MALANDI hindi ko yun matatanggap!

Lumapit ako sa lamesa nila at tumingin silang parang nandidiri. Ngumisi naman ako, nasa mga legal na edad naman na sila siguro pwede ko na silang saktan.

Ipinatong ko ang kamay sa lamesa. Isa-isa ko silang tinignan at ang huli kong tinignan ay yung nagsabing malandi ako. Nakikita ko pa lang siya umiinit na ang ulo ko.

"What are you doing here?"maarte pa nitong saad.

"Can't you see?I'm just standing in front of you. Are you blind?"wika ko with matching taas kilay pa. Tinaasan niya rin ako ng kilay.

"What?!"

"Panget ka na nga binge ka pa!"singhal ko sa kaniya at tumayo na ito.

Marami na rin ang nakukuha naming atensyon sa mga kumakain sa loob ng cafeteria. Lahat sila inaabangan ang mga susunod na mangyayari. Kung susumahin lang mas lamang ako sa babaeng ito, mas maganda na, at kaya ko siyang patumbahin gamit lang ang isa kong kamao.

"You bitch!" aasta siyang sasampalin ako ng may biglang humarang at tinapik ang kaniyang kamay.

"Don't you dare hurt her, she's my friend," wika ni Caleb at binitawan na ang kamay nung babae. Kita naman sa mga mata nung babae ang paghanga sa kaharap.

Napairap na lang ako, nanghinayang ako dahil nakialam pa si Caleb. Napapansin ko lang nagiging isip bata na ata ako dahil sa mga nakakasalamuha ko. Ganito ata kapag mga bata ang makakasama ko, dapat umakto ako katulad nila.

"Sorry, Price Caleb"

"Don't say sorry to me, you must say sorry to her."

Napangiti naman ako dahil sa hindi maipintang mukha nung babae. Panalo nanaman po ako sa laban.

"Sorry," walang ganang saad nito at hindi tumingin sa gawi ko.

Tapos ay hinila na ako ni Caleb kung saan naka-upo yung mga kaibigan niya. Kanina ko pa talaga napapansin na wala si Tyronne Legaspi.Ayos lang kaya ang mokong na yon?Pagdating namin sa table ay may mga nakahanda nang mga pagkain. Kuminang naman agad ang aking mga mata ko.

Agad akong kumuha nang pagkain at nilantakan ang mga ito. Una kong nilantakan ang spaghetti. Napansin ko naman na may mga nakatingin sa akin.

Naconscious naman ako dahil sa tingin nung apat parang ngayon lang sila nakakita ng magandang babaeng malakas kumain.

"Hehehehe, bakit may problema ba?"nahihiya ko namang saad.

Napailing na lang yung may pulang buhok at nagulat ako ng lumapit ang kaniyang mukha. Dahil sa bilis ng reflexes ko agad ko siyang binatukan.

"Ouch! What's your problem?" wika niya at tinaasan pa ako ng kilay. Ayan nagsusungit nanaman . Hawak hawak niya pa ang kaniyang ulo na malakas kong binatukan.

"Ha?Nabigla lang ako. Ang lapit kasi ng mukha mo," napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan.

"Owwww"pagreact naman ng mga kasama namin sa lamesa.

Sinamaan naman sila ng tingin nitong pula ang buhok. Ito namang si Caleb tawa lang ng tawa.

"Tsk, may chetkup ka kasi sa gilid ng labi mo."

Napasimangot na lang ako. Nakakainis na'tong mga kabataan ngayon. Akala mo naman sobra nilang gwapo.

"Sorry,"paghingi ko ng pasensiya.

"Tsk," bumalik na siya sa pagkain at hindi pinansin ang paghingi ko ng tawad.

Hindi ko na lang din siya pinansin. Kumuha na lang ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng aking labi.

Natapos kami sa pagkain at wala naman nang nangyaring epic.

Bumalik na rin agad kami sa aming classroom. Magsimula na rin kasi ang klase sa hapon.

This day went very well. Wala naman akong nakitang kahinahinala sa paligid. Mukhang mas ligtas kami kapag wala ang isang Tyronne Legaspi.




----
Short update:(
Bawi ako next update.

Enjoy Reading!

Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon