Chapter 27

1.3K 50 2
                                    

Chapter 27: Interested

Ilang oras na rin akong nasa labas ng kwarto ni Caleb at hindi mapakali. Wala pa rin siyang malay kahit na natanggal na ang bala sa kanyang tiyan. Napasabunot ako as aking buhok habang naglalakad nang naglalakad sa harapan ng silid kung saan nanatili si Caleb.

Hindi ko magawang pumasok dahil nakokonsensiya ako sa lahat ng nangyayari. Kasalanan ko ang lahat, kung naging maingat lang sana ako. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

Napalingon ako sa gawi ng bulto ng bagong dating na mga naka uniporme na katulad na aking suot. Hindi ko naiwasan ang mapaluha na lang, halata kasi sa mga tingin nila na sinisisi nila ako sa nangyari. Hindi ko naman sila masisisi kung magalit sila sa akin.

Nang makalapit na ang mga ito ay hinanda ko ang sarili ko sa kanilang mga sasabihin.

“Kasalanan mo lahat ng ito!” saad ng lalaking kailanman hindi ko nakasundo.

“Red, tama na 'yan!” pananaway naman ni Rio sa kaibigan.

Napayuko na lang ako at pinunasan ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata. Naramdaman ko na lang ang pagbangga ng balik ni Red sa aking balikat at ang pagbukas ng pinto.

Naikuyom ko na lang ang aking kamao. Wala akong karapatan para magalit, naturingan pa naman na isa akong pulis. Hindi ko man lang naramdaman na may mali sa aking paligid.

Naramdaman ko naman ang marahang pagtapik sa aking balikat kung kaya't iniangat ko ang aking paningin. Matipid na lang akong ngumiti sa taong nasa aking harapan.

“I'm really sorry, Ryzzy! Pagpasensiyahan mo na lang sana si Red, sobrang malapit kasi talaga sila ni Caleb. Para na nga silang magkapatid.” gumuhit sa mga labi ni Alexander ang isang tunay na ngiti. Hindi ko rin tuloy napigilan ang mapangiti, nakakahawa kasi yung way nang pag ngiti ni Alexander.

Isa ako sa mga maswerteng tao para makilala ang mga katulad niyang tao. Napakaswerte naman talaga ni Caleb na maging kaibigan niya ang mga taong ito, kahit may kagaspangan ang ugali ni pula halata sa mga kilos niya ang pag-aalala sa mga kaibigan.

Hindi man siya masiyadong expressive pero kung babasahin mong mabuti ang mga kilos niya mapapansin mong prinoprotektahan niya ang kanyang mga kaibigan.

Umupo si Alexander sa isa sa mga bench, kaya umupo na rin ako sa katabi niyang upuan. Hindi ko alam pero gusto kong makinig sa mga kwento niya tungkol kay Caleb.

“Kamusta naman si pareng Caleb?”

“Ayos naman na daw siya sabi ng doctor.”

“Mabuti naman! Sasapakin ko siya kapag may nangyari sa kanyang masama.” malakas siyang tumawa kaya hindi ko napigilan ang mapangiti. Minsan ko lang sila makausap pero hindi ko nararamdaman na iba ako sa kanila.

“Swerte si Caleb na naging kaibigan niya kayo,” hindi ko alam kung saan ko ba napupulot lahat nang sinasabi ko. Hindi naman ako dating ganito, kadalasan nga wala akong pakialam sa nangyayari sa aking paligid.

Minsan nga hindi ko na nabibigyan ng oras ang mga kaibigan ko at ang pamilya ko. Andami ko palang mga bagay na hindi nagawa at ngayon unti-unti kong narerealize ang mga pagkukulang ko.

“Actually, I am lucky to have those bastard!” he gave me at genuinely smile at ito na ata ang isa sa mga ngiti na nakita ko na super pure.

Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot. Ngayon, alam ko na hindi pala ako naging isang mabuting kaibigan at anak. Masyado na ata akong tumutok na lang sa trabaho at nakalimutan ko na ang pagiging isang kaibigan at anak.

“Matagal na ba kayong magkakakilala?” hindi ko maiwasan na magtanong. Hindi ko alam pero mas gusto ko silang makilala.

Napatingin ako kay Alexander nang tumawa ito ng malakas. Sumandal naman siya sa pader at ipinikit ang kanyang mga mata. Tinitigan ko lang siya at inintay ang kanyang mga sasabihin.

“Ang totoo... Bata pa lang kami magkakaibigan na kaming lahat. Masasabi ko na nga na dinaig pa namin ang mga magkakapatid. Minsan nga napagkakamalan na kaming magkakapatid. Noong mga bata pa lang kami lagi na talagang masungit si Pula, tapos si Caleb lang ang nakakapag patiklop sa isang 'yon! Si Caleb na nga ang tumayong lider ng grupo,” nakapaskil pa rin sa kanyang mga labi ang matatamis na ngiti.

“Ahmm... Alex, mapagkakatiwalaan ba kita?” seryoso kong saad. Idinilat niya naman ang kanyang mga mata at ibinaling ang buong atensyon sa aking gawi. Nakakunot lang ang noo nito habang nakatitig sa aking mga mata.

“Ano kasi...”

Kring... Kring... Kring...

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagtunog ng aking telepono. Agad naman akong nagpaalam muna kay Alexander at sinagot ang tawag.

“Hello”

“Pumunta ka ngayon din sa headquarters,” mahihimigan ang pagiging seryoso ni Aliah  kaya ng maputol na ang tawag ay nagmamadali akong nagpaalam kay Alexander.

“Alex, mauuna na ako may emergency lang. Pakialagaan na lang si Caleb. Babalik din ako,” tinanguhan na lang niya ako, kaya nagmadali na akong lumabas ng building.

Nang marating ko ang parking lot ay agad akong sumakay sa aking motor at ipinaharurot ito paalis ng hospital.

Sinisigurdo ko Caleb na kung sino ang nasa likod ng pamamaril ay magbabayad sa batas. Hindi ko hahayaang hindi mahuli ang may pakana nito.

Itutuloy...

-------

Pasensiya na kung matagal akong hindi nakapag-update. Medyo busy lang sa school. Maikli muna ang chapter na ito, babawi ako next chapter.

Balak kong mag published ng bagong story. Hihihi support niyo rin ha! Lovelotssss

Yieeee vote and comment is highly appreciated.

Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon