Chapter 11: DATEsaster Part II
Dedicated to yanyan04jaumKracckkkk (tunog po yan ng kumukulong tiyan)
Nahihiya man ako pero gutom na talaga ako sa mga oras na'to. Pabibo talaga yung tiyan ko.
Tumingin naman ako kay Caleb na nagpipigil nang tawa.
“Tara kumain na tayo,"hinila niya na ako papasok sa loob ng mall.
Hinimas-himas ko naman ang tiyan kong nagrereklamo na sa gutom.
Pumasok siya sa isang fine dining restaurant. Kuminang naman agad ang mga mata ko. Hindi naman sa hindi ako nakakain sa ganitong tipo ng lugar ha pero matipid kasi ako. Ganitong lugar nga ang hilig ni mama. Kung ako lang naman doon na lang ako kakain sa pansitan ni Aling Bebang na malapit sa presinto.
Maganda ang ambiance ng lugar at puro glass. Pumwesto kami sa tabi ng glass so kitang-kita yung mga taong dumadaan.
Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko si mama at kasama ang best friend kong si Aliah na papasok dito sa restaurant kung nasaan kami ngayon. Nagpanic naman agad ako at nagpaalam muna kay Caleb na pupunta muna ako ng washroom.
Nagmadali naman akong nakapunta sa washroom bago pa makapasok sila mama. Siguradong iba ang iisipin nito kapag nakitang may kasama akong lalaki.
Agad kong tinext si Aliah na pumunta dito sa washroom. Ilang sandali lang ay may kumatok na sa cubicle kung nasaan ako.
“ALEXIS RYZZY VALDEMOR!”seryosong saad ni Aliah na pinaningkitan pa ako ng mga mata.
“Magpapaliwanag ako bes,”pinapakalma ko muna siya dahil siguradong hindi ako mananalo sa kaharap kong ito lalo na kapag mainit ang ulo nito.
“Start,”nakapameywang pa siya habang tinitignan ako nang masama.
Ipinaliwanag ko naman sa kaniyang nasa isa akong secret mission at hindi pwede tong malaman ni mama. Sinabihan ko rin siyang ilipat si mama ng ibang restaurant. Siguradong kapag nakita siya nito kakaladkarin niya ako papuntang bahay.
“I get it, you need my help again and again. Adventure? Suicidal?”sarkastikong turan nito.
Napailing na lang ako at nagpuppy eyes pa para pumayag siya na tulungan “Pretty please! Hindi ko pwedeng sabihin eh,” sana umepekto ang pagpapacute ko sa masungit na'to.
“May choice pa ba ako?”may pagsuko na ang tono nang pananalita nito.
Niyakap ko naman siya nang mahigpit. Mahal na mahal ko talaga tong best friend ko, siya ang magiting kong taga-sagip. Hulog talaga siya ng langit ngunit minsan talaga pangit lang ang mood niya.
“Thank you talaga frenny,”yayakapin ko sana ulit siya ng iharang niya na ang kaniyang kamay para hindi ko na siya mayakap.
“Tsk..Sige na babalik na ako kay tita baka nakahalata na yun,”niyakap niya ulit ako bago lumabas nang washroom.
Ilang minuto rin akong nag-intay at naka-received ako ng text galing kay Aliah na nakalipat na sila ng bang restaurant. Napagpasiyahan ko nang bumalik kung saan ko iniwan si Caleb. Nagugutom na rin kasi ako.
Kaya lang...
Hindi ko inaasahan ang nakikita ko. Tumambad sa akin na may kahalikan siyang babae. Hindi ko alam pero bigla na lang kumirot ang puso ko parang pinipiga. Biglang nawala ang gutom na nararamdaman ko, parang naestatwa na lang ako sa aking pwesto.
Gusto ko sanang sigawan si Caleb na “Hoy nandito ako, ako ang sinama mo dito,” hindi ko naman magawa dahil mukhang enjoy na enjoy siya at ubos na ata ang lahat ng lakas ko para masigawan sila.

BINABASA MO ANG
Ms. Officer on Duty
RomanceIsang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine National Police Academy. Magtatlong taon na rin siya sa pagiging pulis at kasalukuyang position ay ang pagiging isang Inspector . Miyembro siya...