Chapter 39

1.5K 33 7
                                    

Chapter 39: The Real Battle

Dinala kami ng mga tauhan ni Nasser sa locker room at siniguradong hindi kami makakatakas. Nakatali pareho ang aming mga kamay at paa. Inilayo rin sa amin ang aming mga armas. Magkalapit naman kami ni Alexander sa bandang kaliwa ng locker room, samantalang sina Storm at Aliah naman ay nasa kabilang gawi. Sinadya talaga nila kaming hindi isama sa mga bihag nilang mga studyante para hindi mabuhayan ang mga loob nila na manlaban.

Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita, hindi rin kasi namin inaasahan na ganito ang mangyayari. Napagtanto ko na hindi kami naging maingat sa aming mga kilos.

Napabuntong hininga na lang ako, nag-iisip kung paano kami makakatakas dito at mailigtas ang mga civilian.

“Alexander,” pagtawag ko dito na kasalukuyang nakayuko. Nang iangat niya ang kaniyang paningin ay mababakas dito ang galit.

Bahagya pa akong nag-alinlangan kung paano ko ba hihingin ang kaniyang tulong. Kailangan naming magtulungan lahat para makatakas.

“Aliah and Storm, kaya niyo ba ditong lumapit?” naagaw ko naman ang attention nila, malalim din ang iniisip ng mga ito.

Nagkatinginan naman ang dalawa at agad gumawa ng paraan upang makalapit sa amin. Hindi naman naging mahirap sa dalawa kaya mabilis silang makalapit.

“I think, you have a plan?” saad ni Aliah at gumuhit ang mga ngiti sa kaniyang labi.

“Just spill it,” walang ganang saad ni Storm. Alam kong na apektuhan siya sa nangyari kay Rio. Hindi niya man sabihin na nag-aalala siya para dito, makikita naman ito sa kaniyang mga kilos.

Isinaad ko na ang aking naisip na plano at agad namang sumang-ayon sina Storm and Aliah. Nanatili naman tahimik lang si Alexander, hindi namin maisasagawa ang plano kung hindi siya tutulong.

“Alexander,” muli kong pagtawag sa kaniyang pangalan, bahagya naman niya  akong nilingon.

“Are you willing to help us?” tuluyan na ito lumingon sa akin at dahan-dahang tumango. Naging mahinahon na rin siya at napabuntong hininga na lang.

“I'm sorry.” mga katagang kusa na lang lumabas sa aking bibig.

Muli nanaman itong napabuntong hininga, “Naiintindihan ko, kailangan niyo lang gawin ang trabaho niyo. Nagulat lang siguro ako kaya ganoon ang naging reaction ko.” gumaan naman ang pakiramdam ko ng marinig ang lahat ng kaniyang sinabi.

“Don't be so dramatic here,” pagbibigay komento ni Storm.

“Huwag ka ngang basag trip, Storm!” saad naman ni Aliah.

Inirapan naman nila ang isa't-isa, animo'y wala kami sa ganitong sitwasyon. Napatawa na lang si Alexander dahil sa kakulitan ng dalawa. Napangisi na lang ako ng maramdaman ko ang pagluwag ng tali sa aking kamay.

Naagaw naman ang atensyon namin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaking bitbit si Caitlyn. Nagkatinginan kami nito at animo'y may gustong ipahiwatig.

May iilang pasa naman itong tinamo sa kaniyang mukha halatang dumaan rin sa mabigat na laban. Ngunit, kahit na ganito ang kalagayan niya ay nagsusumigaw pa rin ang kaastigan nito.

“Nahuli na namin itong isa niyo pang kasama, walang kwentang sniper.” patutsada nito at marahas na hinagis si Caitlyn sa aming tabi.

Hindi na ako nagulat na si Caitlyn ang tumulong sa amin. Base sa akin obserbasyon siya lang sa lahat ng nakasalamuha ko na may kakayahan ng isang sniper. Ngunit, hindi ko pa rin alam ang dahilan niya kung bakit niya kami tinutulungan.

Hindi na nila ito tinalian at agad na ring umalis. At iyon ang isa sa pinaka-pagkakamali nila. Inaakala ata nilang hindi na kayang lumaban ng dalaga, dahil sa mga sugat na tinamo nito.

Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon