Chapter 40: Revelations
Tyronne's POV
Naglakad ako sa corridor ng nakasalubong ang nakangiting si Demonnese. Nakikita ko pa lang ang babaeng ito ay nag-iinit na ang aking ulo. Hindi ko pa rin makalimutan kung bakit hanggang ngayon ay nagtitiis akong pakisamahan siya.
“Samahan mo naman akong mag-shopping, Tyronne.” agad naman siyang kumapit sa aking braso at hinila ako kung kaya't hindi na ako naka angal pa.
Hindi na lang ako umimik at nagpadala na lang sa babaeng ito. Gustuhin ko man na umayaw ay hindi ko magawa.
Hindi ko nga magawang lapitan ang babaeng tunay kong minamahal. Napaka duwag kong tao, hindi ko man lang mapaglaban ang minamahal ko.
Bumalik naman ako sa realidad ng magsalita si Demonnese. “Magkasama na nga tayo, iniisip mo pa rin ako.” malanding saad nito. Napakunot na lang ang aking noo, hindi ko talaga matagalan ang makasama ang katulad niyang babae.
Nang makarating kami sa parking lot ay marahas kong inalis sa aking braso ang kaniyang pagkakahawak. Napataas pa ang kilay nito sa aking ginawa.
“Umayos ka, Tyronne!” pagbabanta niya sa akin.
“Ang dami mong dada.” tinalikuran ko na siya at pumasok na agad sa sasakyan.
Sa back seat naman siya umupo, ginagawa niya talaga akong driver niya. Naging tahimik lang ang buong biyahe, lagi lang siyang nakatingin sa kaniyang cellphone at bigla na lang ngumingisi. Napailing na lang ako at tumutok na lang sa pagmamaneho.
Napakunot ang noo ko ng mapansin kong may sumusunod sa amin. Dalawang itim na Van, mabilis kong pinaandar ang kotse at bumilis din ang takbo ng mga ito.
“Bagalan mo nga, gusto mo ba na mamatay!” reklamo nitong babaeng kasama ko.
Nang masigurado kong hindi na sila nakasunod ay binagalan ko na ang pagpapatakbo. Agad naman akong napapreno ng may humarang na sasakyan sa aming daan. Pagtingin ko rin sa likuran ay nandoon na ang dalawang van na sumusunod sa amin kanina.
Wala kaming madadaanan.
“Demonesse stay here.”
Lumabas ako ng kotse ganoon din ang ginawa ng lulan ng sasakyan sa aming harap. May suot itong maskara kung kaya't hindi ko sila makilala at may hawak rin ang mga itong baril.
Hinanda ko ang sarili ko dahil mukhang mapapalaban ako. Bigla naman akong nakaramdam ng hilo ng may pumukpok sa aking batok.
Nakaramdam ako ng pagkahilo. Nang lingunin ko ang taong gumawa nito ay hindi na ako nagulat.
“In the first place, I never trusted you...”
“Demonesse”
Isang malakas na paghampas ulit ng baril sa akin batok at doon na nga ako nawalan ng malay.
Flashback
Magkatabi kami ngayon ni Ryzzy ngunit wala sa amin ang nagsasalita. Tahimik lang namin iniintay na dumating ang aming professor. Pero masaya ako na nandito siya sa aking tabi.
Nang bumukas ang pinto ng silid ay lahat kami napalingon sa kinaroroonan nito. Napakunot ang noo ko nang pumasok ang aming prof at may kasamang isang babae. Isang babaeng hindi ko nais pang makita.
“Good morning class. We have a new transferee students. Let's all welcome Ms. Salvacion. Now, introduce yourself, Ms. Salvacion,” nagitla ako ng tumingin siya sa gawi kung saan kami nakaupo.
“I'm Demonnese Salvacion, nice to meet you all.”
My ex-fiancé.
End of flashback
Nagising ako at napahawak sa batok ko medyo masakit pa rin kasi ito dahil sa pagkakapukpok sa akin kanina, dahan-dahan akong tumayo at inilibot ang tingin ko sa paligid.
Nasa isang silid ako at nasisiguro kong nasa barko ako. Nararamdaman ko rin ang malakas na paggalaw ng barko animo'y may humahampas na malalaking alon.
Agad akong nagtungo sa nag-iisang cabinet sa kwarto at nang ito ay buksan ko ay napukaw ng atensyon ko ang isang baril. Hindi ko maintindihan pero may nagtutulak sa akin para kuhain ito.
Kinuha ko na ito at nagtungo sa harap ng pintuan upang alamin kung ito'y naka lock. Nang pihitin ko ang doorknob ay nakumpirma kong hindi ito naka lock. Nakakapagtaka lang na hindi man lang nila ikinandado ang pinto.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at nang tuluyan kong nabuksan ang pinto ay tumambad sa akin ang tahimik na pasilyo.
Dahan-dahan kong tinahak ang tahimik na pasilyo, siniyasat ko rin yung mga madadaanan kong kwarto baka may makita akong clue.
Halos napasok ko na lahat ng kwarto ngunit wala naman akong nakuhang clue kung sino ang nagpadukot sakin. Ang nasisiguro ko lang na hindi maganda ang kalagayan ko dito. Hindi ako maaaring magtiwala.
Hindi ko rin makita maski ang anino ni Demonnese. Sa muling pagkikita namin alam kong hindi siya mapagkakatiwalaan.
Inilibot ko ang tingin ko sa palagid ng bigla na lang akong bumangga sa isang pigura ng tao.
Agad kong itinutok ang aking baril at ganoon rin ang kaniyang ginawa.
Napakunot ang noo ko ng makilala ko ito. Si Caitlyn isa sa mga mysterios na nag-aaral sa aming paaralan. Napaka cold ng mga mata niya. Hindi ko napigilan na mapatingin sa mga mata niya.
May kung anong nagtutulak sa akin na titigan lang siya ng matagal. Para kilalang-kilala ko na siya gayon hindi naman kami nakakapag-uusap sa school.
“Anong ginagawa mo dito?” nakakunot ang noo niya at ibinaba na nito ang kaniyang baril.
“Ano? Gusto mo ba talaga akong barilin?” mataray niyang saad.
Bumalik lang ako sa realidad ng magsalita na ito. Hindi ko napansin na napatitig na pala ako dito. Agad ko naman ibinaba ang aking baril.
“Pasensiya na. Anong palang ginagawa mo dito?” hindi ko alam pero panatag ang loob ko sa kaniya, alam kong hindi siya ang kalaban.
“May huhulihin lang akong malaking daga.” maangas na saad nito na nagpakunot ng aking noo.
Lalampasan na sana ako nito ng hilahin ko siya sa kaniyang braso. Hindi siya dapat nandito masyadong delikado para sa babaeng tulad niya. Kakaiba man siya sa lahat ng babae dahil kaya niyang humawak ng baril still babae pa rin siyang dapat protektahan.
“What?” singhal nito.
“Saan ka pupunta?”
Hindi ko alam bakit nag-aalala ako sa babaeng 'to. Ngayon lang naman kami nakapag-usap ng malapitan. Base naman sa mga kilos niya na kaya niyang protektahan ang sarili niya.
“Why do you care?” tinabig niya ang kamay ko at iniwan ako sa aking pwesto.
Napailing na lang ako at muli na lang ulit ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Kailangan ko malaman kung bakit ba ako nandito. Kailangan kong mahanap si Demonnese. Marami akong gustong alamin at tanungin.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng bigla akong makarinig ng putok ng baril.
Nagmadali ko naman hinanap ang pinanggalingan nito.
Naguguluhan ako sa mga nakikita ko.
“Anong ginagawa mo dito Ryzzy?”
--------
Woahhhh! Nakapag-uodate rin kahit sobrang busy hahahhaa. Sarreh, medyo natagalan. Epilogue na next and I think medyo matagal ko pa siya mapost. Lovelotssss

BINABASA MO ANG
Ms. Officer on Duty
RomanceIsang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine National Police Academy. Magtatlong taon na rin siya sa pagiging pulis at kasalukuyang position ay ang pagiging isang Inspector . Miyembro siya...