Chapter Seven: Yes, It's Me

352 1 0
                                    

"Hahahaha hahahahha" 😈😈😈 (evil laugh)

Owmaygawd!!! ang lakas ng kabog ng dibdib ko...at nanlalamig ako...

"Ui Ashley..."

"Oh? Ba't tawa ka ng tawa?"

"Hahahaha...wala. Nakakatawa reaction mo kanina sa jeep e."

😩😩😩 sabi ko na eh!!!!! Nakakaasar naman! Bakit kailangan pa niyang ungkatin un.

"Hmp! Nagulat lang ako noh! Kasi nakita ko na ung sasakyan mo sa kanto kanina. Di ko naman alam n ikaw nga un." Pretending na di alam.

"Bakit ka nagpahatid sa Papa mo?"

Serious tone on.

😳😳😳" huh? Lage naman ako hinahatid diba? Saka ang init-init. Ang layo-layo ng terminal para lakarin ko noh!"

"Kaya nga ako nasa kanto kanina, kasi ihahatid sana kita sa terminal. Or sa Marian na mismo, para mahaba-haba kwentuhan natin."

"Ui Ashley....nanjan ka pa ba?" Nku nag- space out na naman pala ako.

"Ha? Ah oo. May kinukuha kasi ako e."

"Narinig mo ba ung sinabi ko?"

"Yeah boy! Sabi mo ihahatid mo sana ako sa terminal or sa Uni depende sa mood mo."

"Hahaha....baliw! Anong depende sa mood."

"Hahaha...sabi mo kasi kagabi sa terminal diba?"

"Ihahatid nga sana kita. Di naman kasi ako pumasok kanina"

"Berigud yan! Thumbs up! Clap! Clap! Lagot ka na naman sa mommy mo nian."

"Kaya nga ihahatid sana kita knina...para kunyari pumasok ako tutal same way naman school natin diba?"

At talgang ginamit pako. Akala ko naman, sincere un kagustuhan niyang ihatid ako. May hidden agenda pala!

"Hoy! Hindi kita kukunsintihin sa pagabsent mo noh! Hindi mko madadaan sa kotse mo."

"May atraso ka pa sken ok."

😳😳😳 huh? Anong pinagsasabi nito? " What do you mean atraso?"

"Nung hinatid ka ng Papa mo sa terminal, sumunod agad ako kasi diba ihahatid nga kita. Kaso pagdating ko naman dun, nakasakay ka na agad. So umuwi nlang ako."

" So alin dun ang atraso ko?" Ang labong kausap nito.

"Siyempre nagtaka si Mommy kasi kakaalis ko lang, bumalik agad ako. Edi nalaman niyang hindi ako pumasok."

Ah so un pala. "So kasalanan ko? Kasi hindi nag work out un plano mong magskip classes today, at pinagalitan ka ng mommy mo? So ako tlga may kasalanan?"

"Hahaha oo kasalanan mo yan. Sinabi ko nalang sumakit kasi tiyan ko.hahahah"

Damuhong lalaki toh! Naku! Kung si Utol ang magloko ng ganyan sa studies nia, gudlak talaga.

"Ang spoiled brat mo ha." Only child kasi.

"Di naman.hahaha. So...."

Ay...naghihintay ako ng susunod na sasabihin e. Pabitin effect naman.

"So???"

"So ikaw pala si Leigh Ashley San Juan na taga Marian University. Hahaha."

😳😳😠😠 " Oo ako nga bakit!" Buset na yan! Anong nakakatawa saken? Naalala ko tuloy nung nakausap ako ni Charles. Tawa din siya ng tawa nung nakausap ako.

"Kaya pala..."

"Kaya pala ano?" Pabitin na naman?

"no wonder crush na crush ka ni Charles. Actually, sa tipo ng lalaking un, you're a big fish to catch. Pero para saken, since hindi ka tisay, hindi dapat ako ma-attract sayo....."

Ah so panget ako sa paningin nia, just because hindi ako tisay.

"Pero I find you pretty. Ikaw ang unang hindi tisay na napansin ko. Hahaha"

Haha yourself. Dapat maasar ako diba? Di ko alam kung iniinsulto ba ako nito e.

Pero kinikilig ako!!!!!!! 😱😱😱😱 hahaha nagandahan siya saken kahit hindi ako tisay....

hihihi i love you more...ay wala pala siya sinabing i love you. Sabi lang pala nia nagandahan siya saken.

"Salamat naman po at napansin niyo ako kahit hindi ako tisay. Pero pasensiya na rin kung hindi ako pasok sa standards mo."

Tawa ng tawa si Josh. Buti nalang di siya na turn off saken kahit muntanga reaction ko kanina.

"Alam ko na kung pano mo babayaran atraso mo saken."

At dahil okay naman kame....

"Pano?"

"Saturday tomorrow, wala kang class diba?"

"Ah wala...extended ung pagiging mabait ng prof namen e."

"Okay...let's go out tomorrow."

Date????? Hindi naman ako pinapayagan sa ganyan e!!!!

"Ha?"

"Sabi ko labas tayo bukas. My treat." Huh? Akala ko ba ako may atraso na dapat bayaran?

"So pano kita babayaran sa atraso ko?"

"Just go out with me. Labas tayo un na pinakabayad mo."

Wow! Gwapo na gentleman pa. Hahaha wagi!!!

"Sige ttry ko magpaalam ha. Baka kasi di ako payagan. Hindi rin kasi ako lumalabas na guy ang kasama e."

"Sige pag hindi ka pinayagan...pupunta nalang ako sainyo. Okay na ba un?"

😳😳😳 bakit niya ako kailangan pakiligin ng ganto????

"Sige sabihan kita bukas ha? What time ba tayo aalis if ever?"

"Before lunch, mga 10:30. Susunduin kita."

Patay!!! Mas lalo ako mahihirapan magpaalam nito.

"Hindi mo naman alam house namen diba. Sa kanto nalang kaya tayo magkita?"

"Instruct mo nalang sakin bukas pag napayagan ka na ok? Anyway, incase naman di ka payagan, pupunta naman ako diyan."

😳😳😳ano ba naman yan!!! Hindi ko alam kung anong uunahin kong ma-feel.

Ang kabahan kasi magpapaalam ako lalabas....

Or kiligin kasi whatever happens eh magkikita kame bukas.

"Mmm...sige sige. Inform kita bukas."

"Sige goodnight na. Kita nalang tayo bukas. Baka maubusan na tayo ng paguusapan e.hahahah"

" hahah ok sige. Bye!" Click!

Kkkyyyyyaaaaa!!! Kinikilig ako!!!!!😝😝😝😝😝

Sana magwork out. Sana payagan ako bukas (cross-fingers).

At nakatulog na ako na kinikilig pa rn 😄😁😄😁😄

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon