Chapter 44: Mystery Guy

231 5 1
                                    

ASHLEY's POV

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakanganga at nakatulala.  Of all the people,  of all the places...bakit siya pa, bakit dito pa?

"Oh magkakilala na pala kayo ni Christoff, buti naman. " - Tita Anita

Tulala@_@

Tulala@_@

Tulala @_@

"Ashley, baby are you okay?" - Tita Sol, 

syete!!!!! Nasan na ba yung boses ko? Bakit ako biglang iniwan??? At tulala talaga ako huh!  May epek saken?

This can't be happening right now!

"Uuummmmnnnn Tita Anita, I'm so sorry that's very rude of me.  Kamusta na po?" - nagbeso-beso ako kay Tita.

"Ayos naman iha, ang ganda-ganda mo, manang-mana ka sa Mama mo. Eto nga pala anak ko si Christoff."

Eeeerrrrr I forgot, hindi nga pala inglesera si Tita Anita.

"Ma, magkakilala na kame, diba?"

"Ah kaya pala familiar ka Christoff, nakapunta ka na sa bahay diba?" - Mama

"Really? That's good, atleast your kids know each other na.  Oh c'mon let's eat baka lumamig na yung pagkain." - Tita Sol.

Nagkanya-kanyang pwesto na sila Mama, kuha ng food, kwentuhan......gathering nga diba.  Matagal na silang hindi nagkikita-kita kaya yung mundo nila umiikot ngayon sa kanilang tatlo.  Sana kame din nila Colette maging ganito when  we grow older, close pa rin and time nor distance will not change us.  Si Tito Art busy pa rin sa pag-iihaw.

At ako?  Eto, kaharap ko siya, naka-smile lang saken na parang nahihiya.  Tinalikuran ko na siya, kinuha ko na yung plate ko, kumuha ulet ng foods, then I stayed by the pool.  Sayang wala akong dalang two-piece, baka kasi pag sakaling nag-swimming ako e bumalik na ako sa ulirat.  Ang hirap kasi saken, kapag nate-tense ako, nanlalamig buong katawan ko, nanginginig kamay ko, ang my heart beats fast na kulang nalang tumalon na palabas yung puso ko.  Nakakainis naman kasi diba?  Bakit ngayon pa, eh hindi pa ako ready.  Nakakaawa siya, nakatingin lang siya saken ngayon. 

Ang hirap kasi pag inatake ako ng awa, maaawa talaga ako.  He didn't do anything wrong to me, kaya naaawa ako ngayon sa kanya sa pangde-dedma ko.   Pero hindi naman ako pwde makipag-close sakanya, buti nalang nga hindi niya idinaldal kila Tita Sol kung paano kame nagkakilala. Kung hindi sandamakmak na palinawagan ang nagaganap ngayon at hinding-hindi ko siya mapapatawad. >_<

"Yung phone mo kanina pa nagv-vibrate." 

Hindi ko napansin na lumapit pala siya saken, nakatingin kasi ako sa pool eh.  Hinablot ko agad sakanya yung phone ko, nabasa man niya o hindi kung sino ang nagte-text wala akong pakialam, bahala siya sa buhay niya.

"Salamat. " Tumayo na ako at umalis pagkasabi nun. Alam ko hindi ko naman siya dapat sungitan, pero kung hindi ko naman gagawin yun, baka hindi niya ako tantanan, baka mangulit pa siya at pilitin na makipag-usap saken.  Ayoko naman gumawa ng eksena dito, nakakahiya kila Tita.  Reunion nila ito tapos magmamaganda lang ako.

Pumasok muna ako sa loob ng bahay at umupo sa sofa.  Ten text messages,  all coming from Josh, he's asking a lot of questions about Tita Sol and ung friendship nila ni Mama and Tita Anita.  Last message niya was why I'm not

replying.

TO : JOSHUA

Sorry boyfriend, dumating na kasi sila Tita Anita e.

"Ashley, pinapatawag ka ng Mama mo. " - sabi saken nung maid nila Tita Sol.

Paglabas ko sa back garden.....

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon