Chapter 65

152 3 0
                                    

*dedic to iehmpink* - happy reading po #^_^

..........................

"Kuya Lanz, are you sure you still need to wait for me?"

Nandito na kame sa lobby ng condo ni Josh and Paulo is helping him to walk. Wala naman siyang pilay pero mabigat lang talaga ang katawan niya dahil sa pagkakabugbog.

"Sa bahay ka nakatira ngayon diba? So you're my responsibility." - medyo kalmado na si Kuya Lanz pero ramdam ko pa rin naman na galit siya.

"Tara na sa unit Josh." - tawag samen ni Col, even Maica is here pero mukhang takot din sila sa pinsan ko kaya tahimik lang sila and didn't bother to ask kung bakit ginulpi nila Kuya Lanz si Josh.

"I'll stay here. Sige na cuz, you want to talk to him right? Then go ahead." - Kuya Lanz

Hindi pa ako nakakasagot eh

tinalikuran na agad ako ni Kuya Lanz para umupo sa isa sa mga sofas ng lobby. Hinila na ako ni Maica kasi nasa elevator pa pala sila Josh at naghihintay samen.

Pagdating namen sa unit ni Josh, diniretso na siya ni Paulo sa loob ng kwarto. Kinuha ko ung first aid kit sa medicine cabinet, tapos kumuha na rin ako ng basin, towel, at warm water para malinisan yung mukha niya.

"Bro...okay na ako. Can you leave us so we could talk?" - Josh

"We'll just be outside." - sagot ni Paulo. Sila Col at Maica nasa living area lang.

Josh is sitting by the bedside kaya nilapag ko lang sa sahig ung basin na may water saka ko na sinimulan na punasan yung mukha niya.

"I'm sorry...nalasing kasi ako last night. Nasabi ko yata kay Kuya Lanz problem ko eh. Pero hindi ko alam na gagawin niya ito. Sorry..." - ako na unang nagsorry kasi alam ko naman na mali si Kuya.

"I understand why you have to tell them, I don't blame you. I told you I'll do anything basta wag ka lang mawala diba? Kahit hindi mo ako kausapin, basta magkasama lang tayo, even if I get beaten as long as you won't leave me."

natigilan ako sa sinabi niya. I looked at him with disbelief, kaya pala hinayaan lang niyang masaktan siya kanina.

"I'm sorry Josh...sorry talaga." - I hugged him ...alam ko naman masakit din katawan niya dahil may mga pasa siya, pero I still hugged him as tight as I could. Kahit galit ako sakanya, wala pa rin naman nagbabago, mahal na mahal ko pa rin siya.

"I love you, forgive me please??" - Josh

"How can I forgive you...when you broke my heart?" - umalis na ako sa pagkakayakap sakanya...hindi ko pa tapos linisin yung mukha niya. Ang daming dugo, puro pasa...

"I'm sorry...I'm so sorry......I love you so much...please don't leave me." Josh said sabay hila saken pabalik and hugged me tighter...

Pero tama pa bang hindi ko siya iwanan knowing na buntis si Harlowe? I know Josh will do as I say, kapag sinabi kong wag niyang pakasalan si Harlowe, na lumayo siya sa babaeng yun, alam ko gagawin niya yun. I know he loves me that much....pero kaya ko ba?

Could I live with that for the rest of my life? Na agawin ang magandang kinabukasan ng baby just because I fought for the one I love?

Siyempre hindi...ako yung kailangang mag-sacrifice...walang iba kundi ako.

I slowly let go from his embrace kahit na pinipigilan niya ako.

"You can't love me anymore..." T_T sabi ko sakanya.

It's a painful decision pero kailangan kong gawin...I need to let go, hindi ito yung sitwasyon na pwde ko pang ipaglaban ang gusto ko.

"No!!!! Don't leave me .... please." - Josh

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon