Chapter 25: The Decision (Flashback)

292 5 1
                                    

FLASHBACK

JOSH's POV

"Mom, alis nako."

First time ko magpaalam kay Mommy. Dati kahit nagpupunta ako ng Batangas, hindi niya alam.

Overnight lang kasi ako noon. Bumabalik din ako kinabukasan kaya akala niya galing lang ako sa gimikan.

"Himala Josh, why all of a sudden nagpapaalam ka na?"

"Pupunta ako sa Batangas. Gusto ko makita un sunrise kaya I have to leave early."

Un lang at tumalikod na ako.

Madalas niya kasi sabihin saken na baka nagtatampo na ang Daddy, kasi hindi ko na sila dinadalaw ni Ate.

Buti nalang, sanay ako magdrive ng madaling-araw. Dumating ako sa resort around 5am.

Dumiretso ako sa family cottage, umupo, at naghintay ng sunrise. Eto ung madalas gawin nila mommy at daddy noon.

Kaya alam ko, nung sinabi ko sakanya kanina na gusto ko makita ung sunrise, alam ko iiyak na naman siya.

After few minutes, unti-uti ng sumisikat ang araw. Anjan na rin si Daddy, kaya kinausap ko siya.

"Dad, kamusta ka na? Na-miss ko kayo. Sorry, ngayon lang ulet ako nakabisita. May gusto akong i-kwento sayo Dad. Kaya lang masyado pa pong maaga noh? Hahaha sige mamaya nalang po.

As usual, wala akong nakuhang sagot mula sakanya.

Si ate, nandito na rin. Alam ko gusto niya palagi akong nagkkwento. Kahit mga kapilyuhan ko.

"Ate, miss na miss ka namen ni Mommy. May ikkwento ako sayo. Siyempre babae ulet, ano pa ba sa tingin mo? Hahahaha"

Dati, kapag sinabi ko kay ate na may ikkwento ako, dali-dali siyang tatabi saken. Ititigil niya kahit anong ginagawa niya at makikinig sa kwento ko.

But everything has changed now.

Exactly 5 years ago,

namatay si Daddy at Ate Jane sa plane crash.

"Josh iho nandito ka pala. Halika sa loob at ng makapg-almusal ka."

"Salamat Nay. Si Tatay Isko ko po?"

"Ah, nasa likod, namimitas ng bunga ng mangga."

Si Nanay Ising at Tatay Isko. Sila ang caretaker dito sa bahay namen. Sila rin ang nag-alaga samen ni ate nung mga bata pa kame.

"Joshua!!! Oh wala ka yatang kasama babae ngayon ah." Bati saken ni Tatay Isko sabay yakap.

Alam ni Tatay ang kapilyuhan ko. Kapag pumupunta ako dito, may kasama akong babae. Pero hindi na nila ipinapaalam kay Mommy.

Sabay-sabay kameng nag-almusal. Parang sila na rin ung naging second parents ko. At ayokong nararamdaman nila na iba sila sa amin.

"Oh sige na iho, umakyat ka na sa kuwarto mo para makapag-pahinga ka na."

"Opo 'Nay. Uummm pwde po ba magrequest ng beefsteak sa pananghalian?"

Nagulat sila. "Aba, ngayon ka lang ata ulet humiling ng ganyan? Sige-sige ipagluluto ka namen ng Tatay mo."

--------------------

Pagdating ng hapon, naglakad-lakad lang ako sa beach. Iba talaga dito. Nakakarelax.

Tinext ko si Ashley na nandito na ako sa resort.

From: Ashley

"Ahuhuhu alam mo bang matagal na ako hindi nakakapunta ng resort Josh? Ung huling punta ko pa nung nagpunta kame ng Subic as graduation gift saken ni Papa. Huhuhu"

Andrama talaga nito. Alam ko naglalambing yan kasi walang manlilibre sakanya.

To: Ashley

Don't worry. Dadalhan kita pasalubong. Saka uuwi din ako before you even realize na nawala pala ako.

Days passed by, ganon lang kame ni Ashley. Hindi ko siya tinatawagan. I just text her, knkwento ko sakanya kung saan-saan ako nagpupunta.

Madalas niya itanong kung kelan ako uuwi. But I refuse to answer.

"Joshua, tumawag Mommy mo kanina, kaya lang nasa labas ka nagj-jogging. Tinatanong kung kelan ka daw uuwi kasi malapit na enrolment ninyo."

Ang akala kasi ni Mommy, mga ilang araw or 1 week lang ako mag-stay dito Batangas. Pati sila Tatay Isko, nabigla nung magtagal ako ng more than a day.

"Sige po Nay, tatawagan ko nalang si Mommy mamaya."

"May problema ka ba Josh, iho? Andito lang ang Nanay kapag may kailangan ka ha."

Niyakap ako ni Nanay habang nangingilid ang luha niya.

"Si Nanay talaga. Okay lang po ako. Wag niyo ako masyadong intindihin. Na-miss ko lang kayo at buhay dito sa probinsiya."

Ang drama ni Nanay.

Kelan ba ako nagkaroon ng problema? Hindi ko masyadong iniintidi mga bagay sa paligid ko.

I live one day at a time. Ayokong pine-pressure ang sarili ko sa mga simpleng bagay.

From: Ashley

Josh!!!!! Pinayagan ako nila Papa gumimik kahit wala ka!!!!! yehey!!!!! Kala ko hindi papayag kasi wala ka, di moko mahahatid. Pero nung sinabi ko na kila Colette ako matutulog pumayag naman!!! Yey!!!!

Ikaw kelan ka uuwi?

Paulit-ulit kong binabasa ung text niya. Kahit sa message, halatang masaya siya. Sigurado ako kinikilig pa yan at sumisigaw habang nagttext.

Tsk! Isip-bata. Hahaha

Madalas pagnagttext siya, ang haba. Dahil daw wala ako at hindi ko siya tinatawagan, sa text nalang daw siya magkkwento.

Hahaha...si Ashley talaga. Kahit sa text makulit pa din.

Honestly, kahit hindi naman siya magkwento sa aken, I know whats going on, I know everything that's been happening. May mata at tenga ako na nakabantay sakanya.

Si Paulo,

Paulo Salazar.

He's my fraternity brother, at one of my trusted friends. Anak siya ng amiga ni Mommy, kaya parang kapatid na rin ang turing namen sa isa't-isa.

From: Paulo

Bro! Are you still up? Ashley is here. But I saw a guy order a drink for her. Based on your descriptions before, I think that guy is Charles.

Hindi ko binubura lahat ng text at update saken ni Paulo. And I never asked Ashley about it.

As I said, ayokong maimpluwensiyahan ng feelings or emotions niya ang decision ko.

I never cared for anyone before......

I don't care if they will get hurt from what I'm doing

Kapag gusto ko, kukunin ko....

And now I'm coming back.....

To get what is mine!!

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon