Chapter 24:

288 4 0
                                    

Enrollment na for second sem.

Aral na ulet. Tapos na maliligayang araw namen ng bakasyon.hahaha

Halos 1 month din sembreak namen. And a lot has changed.

Si Colette, boyfriend na niya si Paulo. Yehey!! Lage kame libre sa The Embassy nito.

Si Maica, boyfriend na rin si Royce. Pero may training daw sila sa cruiseline this sem. Huwaw!!! Lumo-long distance relationship. Hahahaha

At ako? Eto pumayag magpaligaw kay Charles, just so Josh will stay by my side.

Asan na nga pla ung mokong na un. Ang tagal naman ata ng stay niya sa Batangas?

Teka, Di kaya nalunod siya?

Di kaya may malaking waves tapos hindi siya naka-angat?

Di kaya nakain na siya ng mga pating??

Ay ang morbid ko naman. Hehehe.

Humanda siya saken pagbalik niya. Kasi even if we send text to each other, hindi niya sinasagot pag tinatanong ko siya kung kelan siya babalik.

Pa-suspense? Hay nko!! Ung pasalubong ko, sisingilin ko pa saknya un.

"Ashley!!!!!!!!!!" Hay, kaya kame lage nasisita ng mga nuns. Ang ingay nitong dalawa.

"Sssshhhhhh, quiet. Low-down your voices. Hindi pa tayo nakakapag-enrol. Baka ipatawag tayo sa dean's office nito." Bulong ko saknilang dalawa.

"Hihihihihihi" hala sige, hagikgik pa!

Nung sembreak, hindi naman kame nagkita-kita. Aside dun sa nag-celebrate kame sa Embassy, wala na kameng ibang lakad.

Para daw ma-miss namen isa't-isa. For sure, hindi kame mauubusan ng kwentuhan. Especially now na may nanliligaw na saken. Kaya ko na makipag sabayan sa kwentuhan nila.

Mabilis lang kame natapos magenroll. Regular students naman kame kaya fixed na un schedule namen, ung faculty staffs ang gumagawa.

Dumiretso kame sa Galleria after magenrol.

Pano kame nakarating dito? Sunundo kame ni Paulo. Hahaha. Si Colette, daig pa un highschool pag kinikilig siya. ☺️☺️☺️

Since wala si Royce, kami ni Maica ang magkapartner. Hahaha...

Si Charles panay ang text. Magkasama daw sila Royce kasi inaasikaso un training nila sa mismong cruise ship na.

Ah so wala din pala siya this sem? Ewan ko wala naman kasi siya sinabi. Hahahahaha

Oh my pretty pretty boy I love you

Like I never ever loved no one before you

Pretty pretty boy of....

"Ashley!!! Ano ba yang ringtone mo!! Palitan mo na nga yan! It's so highschool!" Tili ni Colette.

Aba! Since freshman years namen eto na ringtone ko. So ngayon, porket kasama niya ang boyfie niyang gwapo, it's so highschool na?

Lagot saken to mamaya.

"Hello?"

"Leigh Ashley, lingon ka likod mo."

Huh? Si Charles toh ah.

"Ui Charles. Anong pinagsasabi mo jan?"

"Basta, sige na."

Paglingon ko....

Huwat?!?!?

"Bbaaaaabbbbeeeeee!!!!" Si Maica bigla nalang tumakbo papunta kay Royce.

Bakit nandito sila Charles at Royce?

At nag smootch si Maica at Royce!!!

Andameng tao nakakahiya.

Si Charles lumapit na saken.

"Hahahaha, katext ni Royce si Maica kaya alam namen nandito kayo."

"Oi! It's good to see you again, Charles right?" Si Paulo naman e.

wala tayo sa Club, wag masyadong mag-english.

Since kumpleto daw kame, nagkayayaan na kumain. Sa Italian resto kame nagpunta. Treat daw ni Royce at Charles. May allowance pala sila nung in-house training nila.

Sa loob ng resto, tawanan kame ng tawanan. Masaya palang lumabas as a group noh? Ung kameng tatlo, may kanya-kanyang partners? Hahaha. Ewan ko ba ngaun lang kasi nangyari samen ung ganito.

"Ashley, when are you going to give Charles your sweetest "yes" ba? So we could hang out more like this diba?" Si Royce ang nagtanong.

Hindi ako nakasagot, natigilan ako.

Habang lahat sila nakatingin saken.

Huminto na naman yata ung mundo.

Nararamdaman ko un init sa mukha at tenga ko. Kaya alam kong namumula na ako.

"Royce, kung kayo nga ni Paulo nahirapan samen ni Maica. You think ganon lang kabilis sasagutin ni Ashley si Charles?"

"Hahahahhahahhahahahahhaha"

"Oo nga naman. Give him a challenge." Sabi ni Paulo.

Hay...thank you sa magboyfriend na toh. I'm saved by the bell.

Gusto kong maiyak sa inis. Minsan may pagka-taklesa din si Royce e.

Yumuko nalang ako. Sakto nagtext si Mama.

"Leigh Ashley okay ka lang?" Bulong ni Charles.

"Ha? Oo naman. Nagreply lang ako ke Mama. Kasi tinatanong what time ako uuwi."

------------------

Past six nung dumating ako sa bahay. May puting kotse sa tapat.

Huh? Kanino kaya toh? Wala naman sinabi si Papa bibili na siya ng kotse ah.

Pagpasok ko sa bahay.

"Oh andito na pala si Ashley. Kanina pa may naghihintay sayo."

Pagtingin ko sa sofa....

Josh!!!!!!!!!!

Sumisigaw ung utak ko.....

tumatalon ung puso ko....

kinikilig buong katawan ko!!!

He's finally here.

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon