Chapter 37: The Unkown

264 4 1
                                    

CHARLES' POV

Kamusta na kaya si Leigh Ashley? Hindi kasi ako nakapunta sa kanila nitong weekend dahil may sakit siya. Mukhang matamlay nga siya nung katext ko kaya hindi ko na rin masyadong kinulit, baka kasi lalong magkasakit.

Hindi na rin ako nakapagpaalam sakanya. Pumili kasi si Captain kanina ng isasama sa international training at isa ako sa napili. One month na training daw yun, since hindi kame makakauwi ng apat na weekends, bibigyan daw kame ng 1 week na leave kapalit nun. Okay yun, makakasama ko si Leigh Ashley ng matagal-tagal, pwde ko rin siya sunduin sa Marian. Aayain ko siya mag-date, kumain sa labas, manood ng movie 😊😊😊.

"Bro pano yan, see you in a month? Hahahahaha " -

Si Royce hindi kasama sa international training. Kilala kasi ng Daddy niya si Captain, nagrequest siya na huwag siya isama. Di daw niya kasi matitiis si Maica. Amp! Ang daya naman e, sana sinama na rin niya ako sa request, alam naman niyang kababati lang namen ni Leigh Ashley e.

"Sige bro, ang daya mo naman e. Balitaan mo nalang ako kay Leigh Ashley pagbalik ko."

"Aaahhhh bro, sorry, I promised Maica I won't say anything to you about Ashley or Josh. Gentleman's fight nalang bro."

"Ah ganon ba? Sige-sige okay lang, naintindihan ko naman e. Pano akyat nako, baka iwanan pa ako ni Captain. Hahahah".

Kinamayan ko na siya at umakyat nako sa Captain's Deck. Nakakainis naman hindi na daw siya magsasabi saken. Kunsabagay, kasalanan ko rin naman, masyado ako nagpadala sa init ng ulo ko, nagulpi ko si Josh. Si Leigh Ashley naman, ayaw maniwala saken na may gusto rin sakanya ang kaibigan ko. Buti nalang nag-suggest si Royce na padalhan ko si Leigh Ashley ng flowers at bear sa Marian. Kung hindi baka hanggang ngayon galit pa rin siya saken.

Tawagan ko kaya muna bago ako pumunta ke Captain, sisimple lang ako kwarto. Gagamitin ko nalang ung service phone.

Rriiinngg rrriinngg..rrrriinnng rrriinngg

"Hello?"

Huh? Bakit lalaki sumagot sa phone? Teka anong oras na ba? Ah magse-seven na pala, tapos na class niya. Hala, hindi kaya nagkamali ako ng dial??

"Hello??"

"Aaahhh nanjan ba si Leigh Ashley San Juan? Phone niya itoh diba?"

"She's asleep."

Joshua??? Si Joshua ba toh??

"Ah sino....."

Ttooott tttoooooott tttoooott tttooott

Syet!! Boses ni Joshua un. Hindi ako pwdeng magkamali....pero bakit siya ng sumagot sa phone ni Leigh Ashley? Saka anong ibig niyang sabihin na she's asleep?? Nandun ba siya kila Leigh Ashley? O dinala niya sa......

Aaaaaaaahhhhhhh!!!!!!! Loko talaga ung lalaking yun! Sabi ko na dapat pinag-ingat kong mabuti si Leigh Ashley, sabi ko na dapat mas kinausap ko pa ng maayos para maintindihan ako. Baka kung anong ginawa niya dun, at sigurado ako iiwanan na rin niya un katulad ng ginawa niya sa iba. Kawawa naman si Leigh Ashley, sobrang bait kasi niya, masyado siyang nagtiwala agad kay Josh .

Tsk!! Kakausapin ko si Cap, sasabihin ko may emergency kailangan kong umuwi.

Takbo......

Takbo.....

Takbo......

Takbo......

Knock knock......

"The door is open."

Pagbukas ko ng pinto, nakatayo lang si Cap, malayo ang tingin.

"Sir I'm sorry to disturb you. Uuummm, I'd like to ask for the permission to leave on board. May emergency lang po kasi sa bahay."

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon