Chapter 23: The After Party

289 4 0
                                    

Oooouuuggghhhhh!!!!!

My head spins!!! Parang may tumitibok sa ulo ko!!! Is this what they call hangover???

Kahit kasi madalas kame magclubbing, last night was the only night na uminom ako beyond what my body can take.

"Dude!!!! Wake up! Wake up!"

Uugghhhh!!!! Ung tili ni Colette, mas lalong nakadagdag sa sakit ng ulo ko. Isama mo na rin ung pag-alog alog niya sa braso ko.

"Are you going to kwento about Paulo?"

Alam ko na yan! When he likes the guy, lahat ikkwento niya.

We went to their dining room to have brunch. Yes brunch, kasi 10:30am na pala. Nagtext ako kila Mama na after lunch na ako uuwi.

Aside from "food brunch", kasama na rin sa brunch namen ang boys.

"Dude, seriously. Okay naman si Charles diba? I saw the way he danced with you. And alam ko weakness mo yan."

Wala na ba akong pwdeng ilihim sakanila?

"Yeah I know. Kaya nga I'm taking Josh's advice diba "give him a chance". "

Josh.... Naalala ko na naman siya. Kelan ba kasi babalik un. Wala akong kakulitan e.

---------------

CHARLES' POV

Mas lalo akong nainlove kay Leigh Ashley. Ang galing niyang sumayaw.

Hindi ako nagpupunta sa mga ganong lugar, pero nung sinabi ni Royce kung sino ung mga kasama ni Maica, naengganyo ako pumunta.

"Baliw ka naba? Bakit ngumingiti ka magisa." Kasama ko nga pla si Aldrin. Hahaha

"Wala naalala ko lang ung kagabi. Nagpunta kasi ako sa club, kasama ko si Leigh Ashley."

" Ano??? Nagdate kayo?? Kelan mo pa siya nililigawan?"

Hindi ko pa nga pala nasabi kay Aldrin na pumayag na si Leigh Ashley na ligawan ko siya.

Kaya naikwento ko na rin sakanya simula nung una kita namen.

"Oh sabi ko sayo diba? Hindi naman siya masungit. Mukha lang masungit pero mabait. Kasama niyo si Josh?"

Tsk! Nung unang nakasama ko kasi si Leigh Ashley, si Josh kasama namen.

Pero laking pasalamat ko sakanya. Kasi siya ang nagpush saken na manligaw.

"Hindi. Yung kasama ko sa training saka mga kaibigan ni Leigh Ashley kasama."

Tumawag ako sa bahay nila Josh kanina, kaso wala daw siya sabi ng mommy niya. Saan kaya nagpunta un? Hindi ko rin naitanong ke Leigh Ashley kagabi

-------------

"Magandang gabi po." Bati ko sa parents ni Leigh Ashley.

Ngayon palang ako nakadalaw dito sakanila. Nung una kasi ayaw niya ako papuntahin.

"Pa, Ma si Charles po. Kaibigan ni Josh."

Huh? Bakit ganon pakilala niya? Di ba niya pwdeng sabihin na manliligaw niya ako?

Nagdala ako sakanya ng flowers saka donuts.

Maganda bahay nila. Bungalow style. Maganda din mga gamit sa loob. Anak mayaman talaga. Typical na kolehiyala, at alam kong mga tipo ni Josh ang gusto nito.

Kaya kailangan, mahigitan ko si Josh. Sa kahit na anong bagay.

"Bakit hindi mo sinabi sa parents mo na manliligaw mo ako?"

Gusto ko lang malaman, baka sakaling may ayaw kasi sa lalaki parents niya. Para maiwasan kong gawin.

"Di ba may dala ka naman flowers? So obvious na un. Saka ayoko nagsasabi sa kanila. Ayokong nage-explain ng mga complicated things."

Isang oras din ako nagtagal sakanila. Napagkwentuhan namen sila Royce at ung gimik namen nung nakaraang linggo.

Tawa siya ng tawa pag naaalala niya. Sabi niya nagenjoy daw talaga siya nung gabi na yun.

Buti nalang pala at wala si Josh. Kung nandito un, baka siya ang kasama ni Leigh Ashley.

Lumipas pa ilang araw, mas napapadalas usap namen. Paminsan-minsan pumupunta din ako sa bahay nila.

Ngayon, pupunta kame sa mall. May gusto daw kasi siyang panoorin na movie.

"Saan mo gusto kumain Leigh Ashley?" Nakuha ko na ung training allowance namen. Mejo malaki din kaya may panggastos ako sa date namen.

"Gusto mo ba sa TGIF?" Doon kasi siya nagyaya nung unang beses kame nagkita.

"Ah hindi. Okay nako sa Jollibee. Gusto ko lang talaga manood ng movie."

Huh? Jollibee? Parang bata lang? Sige na nga. Doon niya gusto eh.

Nung papasok na kame ng sinehan, hinawakan ko siya sa kamay.

Wala naman siya sinabi. Hindi rin niya tinanggal. So siguro okay lang sakanya diba?

After ng movie, tawa pa rin ng tawa si Leigh Ashley. Comedy kasi un pinanood namen.

Ang sarap lang niya tingnan. Parang walang problema. Buti nalang komportable na rin siya saken. Kahit ano napaguusapan na namen.

Hinatid ko na siya ng maaga. Sabi kasi ni Josh, hindi niya pinagpapagabi si Leigh Ashley.

"Salamat Charles, goodnight."

Ayaw na niya magpahatid sa loob ng bahay nila.

"Next time ulet, I love you Leigh Ashley."

"Okay". Sabay pumasok na siya sa bahay nila.

Ganon lang siya lage pag sinasabihan ko siya ng i love you.

Siguro nga masyado pang maaga para doon.

Willing naman ako maghintay, basta maging girlfriend ko siya.

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon