Chapter 19: Confused

286 2 0
                                    

JOSHUA's POV

"Did you be-friended me para maligawan ako ni Charles? Siya lang ba ung reason kung bakit ka nakipag close saken?"

Nagulat naman ako sa tanong ni Ashley. Pero natatawa ako...

"Hahahaha....oi! Kahit kelan, hindi ako gumagawa ng the moves para sa kaibigan ko okay?

Bahala silang dumiskarte sa sarili nila. Kinaibigan kita kasi gusto ko. Oo binigay niya saken number mo, pero hindi kita tinawagan para sakanya. Hahahaha"

"Ah okay...akala ko kasi ganon e. May tinanong kasi si Charles saken last week. Actually siya ung kausap ko kanina kaya busy un line."

Tsk! Kaya pala. May kaagaw nako sa oras ni Ashley.

"Matagal kayo nagusap? Ano tinanong niya?"

"He asked me kung pwde niya akong ligawan"

Bbooomm!!!! Natigilan ako sa sinabi ni Ashley. Talagang pursigido pala si Charles na manligaw sakanya?

Hindi ko ineexpect na tototohanin niyang manligaw kay Ashley. Akala ko after ng failed date na un, titigil na siya.

"Josh!!! Narinig mo ba ako? Naglalaro ka na naman ng ps3 nohhhhh!!!!!"

Aray! Ang sakit sa tenga ng tili nito.

"Oo narinig ko. Ano sagot mo?"

Pumayag kaya siya? Gusto rin kaya niya si Charles? Bakit kasi ang hirap nitong basahin pagdating sa lalaki eh. Kahit nkwento niya saken un ex niya, hindi ko pa rin alam kung anong gusto nito sa lalake.

"Sabi ko hindi ko pa napagiisipan. Saka gusto ko muna kasing malaman, kung kinaibigan mo lang ba ako para sakanya."

Teka bakit parang biglang lungot ang boses ni Ashley?

"Huh? Bakit mo naman naisip na ganon? Di kita pagaaksayahan ng oras kung para kay Charles ang benefit noh!"

"Wala. Naisip ko lang kasi playboy ka, magaling ka magpaikot ng babae. Baka ginawa mo din saken un para pumayag ako manligaw si Charles saken."

So na-coconfuse pala siya? Kaya pala this past few days na kausap ko siya parang matamlay siya.

Akala ko, dahil lang sa exam week. Yun pala may iniisip siyang iba.

"Akala ko lahat ng pinakita mo saken, fake lang lahat. Naguluhan ako bigla, sa actions mo. Baka mali ako ng basa at interpretation."

"So pano kung fake nga lang? Kung hindi pala ako sincere sa friendship naten?"

Pano nga ba? Kung malaman niyang hindi ako naging totoo sakanya this past few months?

"Papayag ako manligaw si Charles, wag ka lang mawala."

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon